CHAPTER 31 Lily's Pov “May fracture daw ang buto ni RonRon kailangan kabitan ng bakal ang kanyang buto. Kailangan ng malaking halaga ng pera.” Wika ni Aling Simang sa akin “Saan ako makakahanap ng ganun kalaki na pera diyos ko po.” Sagot ko sa kanya “Maghahanap muna ako ng madedelehensyahan ko po Aling Simang gagawan ko ng paraan po gumaling lang si RonRon.” Wika ko kay Aling Simang Binaba ko ang phone para ako natamlay sa narinig kong balita sa kapatid ko ngayon. Kailangan kung makahanap ng pera para malagyan ng bakal ang kanyang tuhod. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero mag hanap ako alang- alang sa kapatid ko. Natulala ako saglit sa labas ng bahay iniisip ko kung saan ako makakakuha ng pera para kay RonRon. “May problema ka ba Lily?” Tanong ni ate Marie sa akin. Nakating

