Ako si Rebbeca Santillane. Mahilig
mangarap ng mga imposibleng mangyari
sa aking buhay. Ako ay nag iisang anak
nila Roberto at Devina Santillane. May
mataas na pangarap. Mula pagkabata
ay madalas ako ay nakatanaw sa malayo
at nangangarap na sana balang araw ay
maabot ko rin ang narating ng iba. Ako
ay lumaki sa simpleng pamumuhay ng
ako ay 5 taong gulang na ay nagsimula
na akong magtanong sa aking ina kung
kailan kaya ako makakatikinm ng mga
masasarap na pagkain, kung kailan ako
makakapag suot ng mga magagandang
damit at bago. Ang laging sagot naman
ng aking ina ay pagsisikapan nila ni tatay
na maibigay ang lahat ng aking mga
pangangailangan.
Ang aking mga magulang au isang hamak
lamang na magsasaka kung kayat tanging
ang kita lamang sa pagbubukid ang aming
ikinabubuhay.
Dumating ang araw ng pasukan at
ako ay enenroll na ng aking nanay
sa eskwelahan. Wala akong gaanong
kaibigan sa simula. Ang ginawa ko na
lamang ay ginalingan ko sa school upang
mabigyan ng atensyon.
Pagkatapos ng eskwela ay uuwi na ako
agad ng bahay at gagawin na ang aking
takdang aralin. Pupunta sa likod ng
bahay at muling mangangarap. Madalas
ganito ang aking ginagawa. Nang
matapos ko ang Grade One ay wala parin
akong kaibigan hanggang sa dumating
ang araw ng pagtungtong ko ng grade
two ay nakilala ko si Elaiza Sandoval
mayaman sila Elaiza pero, natural sa
kanya ang pagiging mabait lagi nya akong
inililibre sa Canteen hanggang sa Grade
Six ay kami lamang ni Elaiza ang laging
magkasama at nag-uusap.
.
Nagtapos ako ng grade six nakamit ang
First honorable mention.Si laiza naman
ay top 3.
Please i need your Vote and Comment
ifyou like the first part.