“Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kaniya matapos makapagbihis. This time ay nagblack shirt akong printed ang salitang timeless. Nakatuck-in ito sa light wash denim mini skirt ko na pinaresan ko ulit ng putting sapatos.
Siya naman ay kanina pa bihis. Hindi halatang katatapos lamang magtinda ng pandesal dahil nakafaded jeans siya na pinaresan ng simpleng black shirt. Putting sapatos din ang suot niya.
Napapailing nalang ako kapag naaalalang inutusan niya akong magblack shirt ngayon para raw kapag nawala ako ay mabilis niyang mahahanap. Kulang daw ako sa tulog kaya lutang. Possible raw na mangyaring magspace-out ako at maligaw.
Imbento e.
Akala mo naman ay ako lang ang babaeng magsusuot ng itim na damit ngayong araw.
Hindi ako naniniwala pero sinunod ko rin. Nagpauto ako sa kanya.
Nagmukha tuloy na parehas kaming may ipinagluluksa.
“Ikaw magdecide” Ani niya.
Ba’t ako?
“Ikaw nag-aya” sagot ko naman na agad rin niyang inapilahan.
“Ako ang nag-aya kaya ikaw ang mag-iisip kung saan tayo pupunta”
Imbento siya, may rule bang ganun wala naman a. Kumamot ako sa ulo at humarap sa kaniya.
“Wala akong maisip” tinitigan naman niya ako.
“Mag-isip ka pa”
Saan? Hindi ko nga alam.
“Wala nga, kaya ikaw magdecide”
“Wala rin akong maisip e” sagot niya pabalik.
Mag-aayang lumabas pagkatapos ay hindi naman pala alam kung saan pupunta. Dapat talaga natulog nalang ulit ako e.
“E ba’t ka nag-aya? “
“ Kasi gusto kitang makasama!”
Parehas kaming natigilan.
Nabingi nanaman ata ako.
“A-ano ‘yun?” nabingi lang ako e, panigurado.
Umiwas naman siya ng tingin at humawak sa sariling batok.
“Mo— eheem movie marathon gusto mo?”
Sabi na nabingi lang ako e. Ngumiti ako sa kanya.
“Netflix and chill?” alok ko.
Tumango naman siya.
“Sige”
…….
“Hahahaha ang tanga” aniya at natatawang tinuro ang pinapanuod. Naluluha pa siya. Ibang klase.
Netflix daw pero napunta sa funny videos in YouTube ang pinapanuod namin. Hindi kasi kami magkasundo sa movie kaya ganito ang naging resulta.
Una ay inaya niya akong lumabas pero nandito parin kami sa apartment. Pangalawa, movie marathon daw pero funny videos naman ang pinapanuod namin. Idagdag pang mukha akong tangang nakaskirt with matching white shoes sa loob ng sarili kong apartment. Magpapalit sana ako ng pambahay kanina pero ayos lang daw yun. Huwag na raw ako magpalit para raw makanuod na kami. Ang lakas pa ng loob na utusan akong ilabas ang laptop ko.
Kapal mukha.
Pero sinunod ko parin.
Damn.
“Hahahahahaha bobo” panlalait niya sa lalaking tumalon sa trampoline pero sa lupa bumagsak.
Ang babaw ng kaligayahan niya sa totoo lang.
Aakalain mong walang problema e.
“Gago kawawa” reklamo naman niya nang video na ng isang matanda na pinaghigitan ng upuan kaya sa sahig bumagsak ang lumabas sa screen.
Isinara niya ang laptop dahil doon.
“Wala akong nakikitang nakakatawa roon” aniya, nakakunot ang noo.
Napagdesisyunan naming dito sa sala manood. Ipinatong lang namin ang laptop sa maliit na lamesa at sa sahig narin kami umupo. May carpet naman kaya hindi kami malalamigan.
Wala rin naman akong nakikitang nakakatawa sa mga tinatawanan niya kanina. Paminsan-minsan ay ngumingisi ako pero hanggang doon lang. Hindi gaya niya na mamamatay na ata sa kakatawa.
Humiga siya sa sahig at tumingin sa kisame. Mukhang malalim ang iniisip.
Pinagtuonan ko nalang ang popcorn sa harapan ko.
Bahala siya dyan.
“Dimaano nagugutom na ako” angil niya. Inalok ko naman siya ng popcorn pero ngumiwi lang siya at bumangon.
Nakaupo siyang humarap sa’kin at tinitigan ako. Sinalubong ko naman ang tingin niya.
“Hindi ka hospitable” reklamo niya.
“Kapag sinabi ng bisita mo na nagugutom siya ay bibigyan mo dapat ng pagkain Dimaano”
Napatingin naman ako sa popcorn na hawak ko. Inaalok ko naman siya a? Masyado lang siyang reklamador.
“Matinong pagkain” dugsong niya nang sinundan ang tingin ko.
Ang arte.
Napabuntong hininga ako.
“Anong gusto mo?” nagningning naman ang mata niya dahil dun.
“Kanin at ulam”
Napatingin naman ako sa sariling relos.
Sabagay, tanghali na pala.
12:30 pm na pero hindi pa kami nakakakain.
Hindi ko na napansin ang oras.
Tumayo ako at pumuntang kusina. Hinihiling na sana ay may laman pa ang mini ref namin kaso pagbukas ay wala na. As expected, hindi pa ulit kami naggogrocery e.
“Wala ng laman?” ani boy tindero. Sinundan pala ako. Tinanguan ko naman siya. Lumapit naman siya sa may sink at inilagay doon ang pinaglagyan ng popcorn na siya narin ang umubos.
“Tara sa labas?” napatingin ako sa kaniya.
“Bili tayong lulutuin”
No choice naman kaya tumango narin ako.
……..
Pagpasok palang namin sa grocery store ay tumigil muna kami sa isang tabi.
“Anong bibilhin natin?” aniya at inilibot ang tingin. Tahimik lang ako at nakatingin din sa paligid. Malapit lang ang grocery store na ito kaya nagtricycle lang kami kanina.
“Ano bang gusto mong kainin?” maya’y tanong niya.
“Ikaw anong gusto mo?” tanong ko pabalik.
“Ako ang unang nagtanong Dimaano” hinarap niya ako.
“Wala akong maisip” tinitigan niya ako.
Totoo naman, wala akong maisip kaya siya na ang magdecide.
“Kapag Engineer ka na tapos hiningi ang opinyon mo ng mga katrabaho mo sasabihin mo parin ba ‘yan? Wala akong maisip?” litanya niya. Hindi naman siya galit, mahinahon pa nga ang pagkakatanong e. Mukhang iniiwasan na maoffend ako.
Syempre ibang usapin na pagdating sa trabaho pero ayoko parin magdecide kung anong kakainin namin, mamaya ay hindi niya naman pala gusto yung pipiliin ko. Maarte siya e, mamaya ay magreklamo pa.
“Ikaw nalang ang mag-isip” tinaasan niya naman ako ng kilay dahil doon. Nang nagtagal na hindi parin ako nagsasalita ay nameywang na siya.
Nagmukha kaming mag-ama na nagtatalo sa loob ng grocery store. Tipong pinapagalitan niya ako dahil pinipilit ko siyang bumili ng sobrang candy. May ilan naring napapalingon sa’min.
Mukha kaming tanga.
“Wala rin akong maisip” pag-amin niya.
Sabay pa kaming napabuntong hininga.
Nangyari na ‘to kanina e.
Ano na? Anong bibilhin namin?
“Ako na magluluto, magsuggest ka lang” pangungumbinsi niya pero umiling ako.
Wala talaga e.
Napakamot kami ng sabay sa ulo.
“Mommy pwede po magsinigang mamayang gabi? I already miss your sinigang” Ani nang isang batang babae habang akay ng isang babae na sa tingin namin ay ina nito. Ngumiti naman ang babae at may sinabi pa sa bata pero hindi na namin narinig dahil dumaan lang naman sila sa harapan namin.
Nagkatinginan nanaman kami.
Mukhang parehas kami ng iniisip.
“Gusto mong sinigang?” maya’y tanong niya.
Tumango naman ako.