Kapag handa niyang gawin ang lahat mapasaya ka lang? Nagbalik-tanaw ako sa sinabi ni boy tindero kanina noong kausap ko siya sa cellphone. Gusto kong siguraduhin na masaya ka Masaya ako kapag masaya ka Handa akong gawin ang lahat marinig ko lang na tumawa ka Hindi ko man makita ‘yang ngiti mo, mararamdaman ko naman. Gusto niya ako? Totoo? “Huwag mo isipin yun Nika, mararamdaman mo yun” dugsong ni Larel. Sinimulan ko ng iligpit ang pinagkainan namin. “Ganun ba iyon?” Tumango siya. “Edi ganoon ka pagdating sa taong gusto mo?” Tama naman diba? Sinabi niya na gagawin niya ang lahat mapasaya lang ang taong gusto niya so ibig sabihin na ganoon din siya? Ginulo niya ang buhok ko at pinilit nanaman akong ipagsiksikan sa kili-kili niya. Dahil nga sinisimulan ko ng hugasan ang mg

