Kabanata 22

1155 Words
“Hindi mo man lang ba ako namiss? Nakakasakit ka ng damdamin”  Humagikhik naman sila Eli.  “Ewan dyan, sumama nalang bigla e” paliwanag ni Ruby.  Kumuha ulit ako ng bagong kutsara at sumandok ng baked mac. “Sa sofa ako matutulog huwag na huwag kayong magkakamaling gapangin ako” ani Larel pero hindi manlang namin siya pinansin. Tinikman ko yung baked mac.  Hmmm ansarap. “Ayusin ko lang gamit ko guys bye muna” sambit ni Ruby. Sumunod din si Eli para ipaalala sa iba pa na kailangan naming maggrocery mamaya. Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit dito siya sa kusina dumiretso kanina. Para siguro tingnan kung ano ang mga kailangan naming bilhin mamaya. Pagdating sa mga ganung bagay ay responsible talaga si Eli. Maituturing siyang nanay ng barkadahan namin. “Woy Nika”  Napatingin naman ako sa katabi kong nilalantakan itong baked mac kagaya ko.  “Yung Daddy mo bumisita sa bahay namin last week”  Ipinagpatuloy ko ang pagkain.  “Kinakamusta ka sa’kin”  Tumango lang ako. “Tumatanda narin si tito Nika. Huwag mo namang hayaan na kainin ka niyang galit mo” seryoso niyang sabi. His dad and mine are friends. They are both seaman kaya nagkakasundo talaga sila. Nalaman ko lang iyon nang  minsang magpunta kami sa bahay nila Larel para sana doon tumambay. Ipinakilala kami ni Larel sa Mommy at Daddy niya na nagkataong kabababa lang sa barko noon. Kilala raw ako nito dahil palagi raw akong naikukwento ni Daddy sa kanya. Magkasama raw sila simula marine school hanggang magkatrabaho. Natuwa pa si Larel noong malaman na anak pala ako ng ninong niya. Hindi niya raw inaasahan iyon, ako rin naman.  Maraming bagay pa akong hindi alam sa sarili kong ama,ganun kalayo ang loob ko sa kanya. “Sabihin mo nga kailan kayo huling nagkita?” humarap siya sa’kin at tiningnan ako ng seryoso. Napayuko ako. “Nung Christmas”  Binisita niya ako nun, pinuntahan sa bahay. “Magpapasko na ulit Nika”  Napahugot ako ng hininga. Alam ko naman e. Alam kong mali ang ginagawa ko. Alam kong hindi ito tama. Palagi siyang nagtetext at tumatawag pero kahit isa doon ay wala akong sinagot.  Pero wala ba akong karapatan na magalit? Pinabayaan niya ako! Siya ang dahilan kung bakit sirang-sira ang buhay ko! Ayoko lang ng dagdag problema.  Umayos ako ng upo at hinarap si Larel.  “Busy ako, pasensya na”  ……..  “Larel ambagal mo!”  “Teka lang naman Ria, hindi niyo ako utusan!”  Natawa naman kami.  Kasalukuyan kaming nasa grocery store na anim. Dahil nga ubos na talaga ang mga pagkain namin sa ref ay kailangan na namin ulit bumili. Syempre si Larel ang tagatulak ng cart at kaming apat naman ang tagadampot. Tapos na kaming bumili ng mga pangunahing pangangailangan mas marami rin ito kumpara sa binibili namin dati dahil nga isang linggo sa’min sila Ruby at Larel. “Guys huwag pasobra sa junk foods” paalala ni Eli nang magsimula na kaming dumampot ng mga gusto naming chichirya. “Hindi na ‘yan needs e, wants na ‘yan” dagdag pa niya. “I can’t live without chocolates so need ko talaga ‘to” ani Ria na dumiretso agad sa hanay ng mga chocolate kanina.Limang box ng Ferrero chocolate ang hawak niya. Si Mavi ay apat na garapon ng stick-o ang hawak. Kami naman ni Ruby ay parehas iba’t-ibang uri ng chichirya ang hawak sa magkabilang kamay. “Ito ang sa’kin!” nakangiting sambit ni Larel bago ilagay sa cart ang anim na caramel flavored popcorn.  Tinitigan siya ng masama ni Eli kaya ibinalik niya ang isa sa pinagkuhanan pero nang hindi alisin ni Eli ang tingin ay kinuha niya ang dalawa pang popcorn at ibinalik din sabay taas ng dalawang kamay, senyales na sumusuko. Nang makutento ay kami naman ang tiningnan ng masama ni Eli kaya ang limang box ng ferrero ay naging tatlo, gayundin ang stick-o at mga chichirya. Wala kaming magawa dahil alam naming may point naman talaga si Eli. Hindi lang talaga namin maiwasan matukso. “Chicken curry for dinner, ano sa tingin niyo?”  Tumango naman kaming lahat. Para kaming mga batang sumusunod lang sa kung ano ang gusto ng nanay namin.  “Sige, ako narin magluluto” …….. “Cute siya” ani Ria at bahagyang tumili. Tinampal niya rin ang braso ni Larel dahil sa kilig.  Tapos na kaming kumain. Napagdesisyunan lang naming magkwentuhan dito sa may salas to catch up. Sobrang naging busy kami nitong nakaraan. Ngayon nalang ulit kami nakapagkwentuhan ng kumpleto.  “Lahat naman ata cute pagdating sayo e” banat ni Mavi kay Ria na umirap lang. Natawa kami. Dahil nga sa isang marine school pumapasok itong si Larel ay nanghingi ng picture itong si Ria ng mga kaklase nito. Agad namang binigay ni Larel ang cellphone niya. Ewan kung anong trip yun.  Nakikinig lang ako sa kanila nang tumunog ang cellphone ko kayo lumayo muna ako sa kanila. Tiningnan ko ang caller.  ‘Pogi’ Napataas ang kilay ko. Wala akong natatandaan na hiningi ko ang number niya pero isa lang ang kilala kong makapal ang mukha na tatawagin ang sarili na pogi kaya sinagot ko ang tawag. Mga sampung segundo na ang lumilipas pero wala paring sumasagot kaya nagtaka ako. Tiningnan ko ulit ang caller ID.  Hindi ba siya ito?  “Hello?” mahinang paghinga lang ang naririnig ko sa kabilang linya.  “Boy tinde— Aled ikaw ba ‘yan?”  Wala pa ring sumasagot. Ibababa ko na sana ang tawag nang may magsalita.  “Mas gusto ko ang Francisco”  Nandito na ako ngayon sa kusina. Sobrang lakas kasi ng kwentuhan nila.  “Bakit hindi ka sumagot agad?” siya itong tumatawag tapos siya yung ayaw magsalita. Huminga siya ng malalim.  “Osige Dimaano sinasagot na kita” aniya at tumawa ng malakas. Hindi ako nagsalita, pinakinggan ko lang siyang tumawa. “May problema ka ba?” tumawa ulit siya.  “Wala”  “Eh bakit ka tumawag?” napakunot ang noo ko. “Tumawag lang may problema agad? Hindi ba pwedeng alam ko lang na namimiss mo na ako pero nahihiya ka lang na tawagan ako kaya ako na yung tumawag?”  Napangiwi ako. Ang dami niyang sinabi. “Paano mo nakuha number ko?”   At bakit nakasave ang number mo sa cellphone ko? “Hindi ko alam baka inilagay mo sa phone ko”  Sumandal ako sa pader.  “Ang ganda mong kausap”  “Ang ganda mo rin”  Nabingi nanaman ata ako. “Nika shot daw tayo!” biglang dumating si Larel kaya aksidente kong napatay ang tawag. Nakakabigla naman ang pagsulpot niya.  “Ganda ng ngiti a! Sino ‘yung kausap mo?” pang-uusisa niya.  Napahawak naman ako sa sariling labi.  Hindi ko napansin. “Wala, tara na” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD