CHAPTER FIVE

1989 Words
"Hello? Where are you?" bungad ni Judah pagkaangat ng cellphone ni Cara. Gustong matawa ni Cara dahil hanggang ngayon ay kinukulit siya nito. Gusto siya nitong ihatid pauwi pero tumanggi siya dahil maggo-grocery pa siya at bibili ng gamot para sa tatay niya. Tinatapos na lang nito ang medication para tuluyan na itong gumaling. Aalis na siya sa Lunes. Araw ng Sabado iyon kaya inaayos na niya ang mga dapat na iwanan para hindi na iyon problemahin pa ng tiyahin at ama. Mabuti na lang ay wala siyang problema sa mga kapatid. Nabibilinan sila at marunong makisama. Sa ngayon ay nasa grocery na siya at namimili. Naisipan din niyang bilhan ng grocery ang tiyahin para ihatid nito kinabukasan. Nagpaalam kasi itong uuwi ng Payatas kung saan nakatira ang pamilya nito. Pinayagan na niya at balak niya itong bigyan ng mga pagkain. "Naggo-grocery na ako." aniya. "I told you to wait for me." seryoso nitong saad. Napangiti siya. Lihim na kinilig sa pangungulit nito. Pakiramdam tuloy niya ay parang gusto nitong lagi siyang nakakasama. Kundi lang ito busy, alam niyang lagi siya nitong pupuntahan. Magmula ng mangyari noon ang mainit nilang sandali sa opisina ay ganoon ito. Pinapapaakyat siya sa office kapag hindi sila busy at nauuwi sa mainit na halikan ang lahat. Tingin ni Cara, kundi lang sila nai-istorbo ay nasisiguro niyang malayo ang mararating nila ni Judah. "Sinabi ko rin naman na marami pa akong dadaanan. Nakakahiya na sa'yo." aniya at napabuntong hininga. Marami na itong naitulong at ayaw naman niya itong abusuhin kaya hangga't maaari, ang mga ganoong bagay na kaya niyang gawin ng nagiisa ay gusto niyang solo na gawin. "Where are you? Mahirap ang taxi ngayon dahil Sabado. Come on. I want to help you." masuyo nitong saad. Nanlambot ang puso ni Cara. Kapag ganoon na si Judah ay hindi na niya ito matanggihan. Napakahirap. Ganoon ito kalakas sa kanya kaya sa huli ay sinabi na rin niya ang eksaktong lokasyon. Nagpaalam na ito. Bigla ang pagalon ng puso niya dahil sa ideya na magkikita ulit sila nito. Agad niyang sinuri ang sarili kung maayos pa rin at napahinga siya ng malalim ng makitang okay pa rin siya. Namili na siya at wala pang isang oras ay dumating na si Judah. Ito na mismo ang nagtulak ng cart niya. Tinulungan din siya nitong mamili kay napabilis ang pamimili niya. Ilang sandali pa ay nagbabayad na sila sa counter. Magkasabay nilang nilakad ang daan papuntang parking area. Pinapasok na siya nito habang inilalagay naman nito ang mga pinamili sa compartment ng sasakyan. Pagkatapos ay sumakay na ito sa driver's seat at nagulat na lang siya sa sunod nitong ginawa. Hinawakan nit Judah ang batok ni Cara at siniil ng halik. Mapusok ang paraan ng paghalik nito. It was demanding for a passionate answer and so she did. Dahil sa halos araw-araw nilang paghahalikan, natuto na siya kung paano makipagtagisan ng init. They both explored each other's mouth until they both didn't realize they were moaning in delight. Nanayo ang balahibo niya sa bawat hagod ng dila nito sa loob ng labi niya. Napasinghap siya sa bawat pagsimsim nito sa kanyang lasa. Agad nag-react ang katawan ni Cara. Soon, she was kissing him back savagely while her body was reacting so damn wild... "Hmm..." ungol niya ng tuluyan nitong lubayan ang labi niya. Kapwa sila hinihingal pero sumisigaw ng 'isa pa' ang kanyang katawan. Napakahusay talaga ni Judah. Halik pa lang, nabasa na ang panty niya! "I really want to have you. Can you spare at least one hour?" mainit na anas ni Judah sa pagitan ng labi nila. Agad tumango si Cara. Lunod na lunod sa matinding pagnanasa. Alangang tatanggi pa siya? Babangungutin na siya oras na tumanggi! Hindi nito alam kung gaano na siya nababaliw. Sa tuwing mayroong istorbo at matatapos ang halikan nila, delubyo ang hatid noon sa loob ng katawan niya. Kadalasan tuloy ay naliligo siya bago matulog para pahupain ang init ng katawan. "Great!" nanggigil na anas ni Judah. Halos paliparin na nito ang sasakyan! Hindi tuloy alam ni Cara kung matatawa o ano kay Judah. Sobra ang pananabik nito at nahawawa na siya! . . . . . . . . Pumarada sina Judah at Cara sa isang five star hotel. Napalunok siya at iginala ang paningin. Hindi maintindihan ni Cara ang emosyong bumabalot sa kanya ngayon. Nanabik siya sa magaganap at the same time ay natatakot din. It was her first time! "Are you having second thoughts?" anito at hinawakan ang kamay niya. Nang pisilin nito at iparamdam na magkasama nilang haharapin iyon. Agad siyang umiling. "K-Kinakabahan lang ako sa mga mangyayari." amin niya. Hindi iyon maiaalis kay Cara dahil first time niyang gagawin iyon. Tumango ito. "You don't have to worry. I will take good care of you. Trust me." sinsero nitong saad at pinisil ang baba niya. Kumabog ang puso ni Cara. Ramdam niya ang sinseridad nito sa mga gestures ng lalaki. Napatango siya at tuluyang naging buo ang loob. Pababa na sana sila sa sasakyan ng tumunog ang cellphone nito. Hindi na sana nito papansinin iyon pero naging makulit ang caller. "Sagutin mo muna." aniya. Napilitan itong tumalima. Kinuha nito ng cellphone sa bulsa at pagtingin sa caller ay nagdilim ang mukha nito. Tingin niya, kunsinuman ang tumatawag dito ay iyon din ang madalas na umistorbo sa kanila tuwing nasa kainitan. Ni minsan ay hindi ito nagpaliwanag sa kanya at hindi naman siya nagtatanong. Hinihintay niya itong magsabi pero hindi iyon nangyari. Tingin niya ay hindi ito handang mag-share. Gayunman, handa naman siyang maghintay. Kahit sa anggulo man lang iyon ay makabawi siya sa dami ng naitulong nito. Nagtitimping sinagot nito ang tawag. Panay na rin ang what at where nito. Nang ibaba nito ang cellphone ay nanghihinang nasapo nito ang noo. "M-May emergency. I really have to go." pigil hiningang saad nito. Nagalala tuloy siya. "A-Ano'ng nangyari?" "Mom called. Kailangan kong umuwi sa bahay. Pangako, magpapaliwag ako sa'yo. But not today. This is not a perfect time for that." anito at puno ng paghihinayang ang mga mata. Alam niyang dahil hindi na naman sila matutuloy! "Judah, marami pang next time." pampalubag loob niya. "But it's your flight on Monday!" desperadong bulalas nito. Napabungisngis tuloy siya at marahan itong tinapik sa palad. "Babalik naman ako. Okay? Ngiti na." Napabuntong hininga ito at matamlay na ngumiti. Katakot-takot pa tuloy na pampalubag na loob ang sinabi niya para ngumiti na ito ng totoo. "Fine. When you get back, I'll take you home. Okay?" anito. Tumango na siya at nasabik. Ah, sana ay maka-survive din siya ng isang buwan na hindi ito makita. Napabuntong hininga siya. . . . . . . . Annual Architecture Convention Universal Bayfront, Bayfront Avenue, Singapore... Pagbagsak na naupo si Cara sa malaking sofa dahil sa sobrang pagod. Maghapon sila sa convention kaya nang magaya sa roof deck ng hotel ang dalawang kasamahan ay hindi na sumama pa si Cara. Mas gusto niyang mahiga at mag-relax. Sa isang five star hotel ginanap ang one-month convention nila. Wala siyang masabi sa comfort. Kahit pagod sa maghapong discussion at lecture, nakakapagpahinga siya ng maayos. Moderno ang disenyo ng hotel. Dark wood ang mga furnishing at carpeted ang mga floors. Free wifi ang lahat ng kuwarto. Mayroon din silang flat screen TV sa bawat silid at floor to ceiling ang mga bintana. Nare-relax siya sa tuwing natatanaw doon ang buong lungsod ng Singapore. Bukod doon ay mayroong rooftop ang hotel. Nandoon din ang observatory deck kung san tanaw ang mga nagtataasang gusali ng Singapore. Maraming ding makakainan ang hotel at hindi pahuhuli sa sarap ang mga kainan. Kung nightlife ang paguusapan, mayroon ding bar ang hotel at puwedeng-puwedeng magliwaliw doon. Dinampot ni Cara ang cellphone at napangiti siya ng makitang may mga text sa roaming number niya ang ama. Ibinalita nitong maayos ito pati na rin ang mga kapatid. Sa loob ng dalawang linggo niyang pananatili sa Singapore, panatag siya dahil alam niyang nasa mabuting kalagayan ang mga ito. Tuluyan ng natapos ang medication ng ama ni Cara. Gayunman, mahigpit niya itong binilinang huwag magkikilos para hindi mapagod. Natatawa na lang ang matanda sa pagaalala niya. Sa huli ay pinaliwanagan niya na para hindi magkaroon ng komplikasyon ang opera nito ay huwag na lang itong magpagod. Tinawagan niya ang ama. Agad naman nitong sinagot iyon at natawa siya ng marinig ang mga kapatid na panay ang sigaw ng pasalubong. "Magsitigil kayo! Dalawang linggo pa ang ate ninyo sa Singapore! At hindi gala ang ipinunta ng ate ninyo doon. Puro kayo pabili!" angil ng tatay ni Cara. Napahagikgik siya. Magaling na talaga ang tatay niya dahil nakukuha na nitong angilan ang mga kapatid. "'Tay, may extra pa naman ako. Mabibilhan ko sila ng mga damit dito. Kayo ho? Ano ba ang gusto ninyo?" tanong ni Cara. Totoo naman iyon dahil marami namang natira sa ibinigay na pera ni Judah noon. Nakapagtabi pa siya at idagdag pang tumaas ang sahod niya. Buwan-buwan ay nakakapagtabi na si Cara. Napabuntong hininga ito. "Anak, sobra-sobra na ang ginagawa mo sa amin. Baka kinakalimutan mo na ang sarili mo. Minsan, mag-relax ka naman at i-enjoy ang pagiging dalaga." may halong pagaalalang bilin ng matanda. Napangiti siya. "'Tay, okay lang ako. Basta masaya at okay kayo, okay na rin ako doon." At katakot-takot pa na bilin pa ang sinabi ng ama bago ito sumuko. Sa huli, napilitan itong magsabi na rin ng t-shirt na pasalubong dahil kinulit niya. Natawa tuloy si Cara ng sabihin nitong isang piraso lang! Ah, naisipan niya itong bilhan ng marami para mayroon itong maisusuot kapag namasyal sila. Kapag nagkaroon siya ng libreng oras ay magsisimula na siyang mamili. Pagkababa niya ng cellphone ay minabuti niyang mag-shower. Matapos ay nagsuot na siya ng long tee at nahiga. Doon ulit nag-ring ang cellphone niya at tumalon ang puso niya ng makitang si Judah ang caller! Umikot ang sikmura ni Cara sa labis na antisipasyon. Hindi rin niya mapigilang makaramdam ng hindi maipaliwanag na init. Kahit nasa malayo, hindi pa rin nagbabago ang intesidad ng init na nararamdaman niya para dito. Palibhasa, maraming beses na nilang nairaos ang pagnanasa ng kanilang katawan. Magmula ng magpunta siya sa Singapore, pinalilipas nila ang init sa pamamagitan ng s*x on phone. "H-Hello?" sagot ni Cara. "Hi, babe. Did you receive the gift?" tanong ni Judah. Hula niya ay nakangiti ito dahil masigla ang boses nito. Napakunot ang noo niya. "Gift? Wala akong natatanggap." takang sagot niya. "Really? Noong isang linggo ko pa iyon ipinadala." takang sagot din nito. "A-Ano ba iyon?" pigil hiningang tanong ni Cara. "An ipad." simple nitong sagot. Nagulat siya. Napabangon tuloy siya. "I-Ipad? Bakit mo ako binigyan noon?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Because I want to see you. I miss you, Cara. I miss you so damn much..." malungkot na anas nito at napahinga ng malalim. Kinilig tuloy si Cara. Touch na touch sa sinseridad na naramdaman kay Judah. "Pero puwede mo naman akong makita. Gumawa na ako ng account sa facebook." nahihiyang saad niya. Dahil mas nag-focus siya sa career, hindi na niya naharap pang gumawa ng mga accounts sa social media. Nito lang niya ginawa at nai-search niya si Judah. Naka-private nga lang ito kaya hindi niya nai-view ang profile ng lalaki. "But I'm not really into f*******:. Matagal ko ng hindi binubuksan ang account ko doon. Baka nga expire na rin iyon. But still, we have any other option. Just wait and see." misteryosong saad nito. Nangasim tuloy ang sikmura niya dahil sa antisipasyon. Her heart beat so damn wild and it was hard for her to breathe. She kept thinking on his plans. Ah, she could sense that it was wild idea... "What are you wearing?" panimula nito. His breath started to sound heavy. Bumilis ang t***k ng puso ni Cara. Napakagat siya sa ibabang labi. Hayun na. Nagsisimula na sila. Dumagsa agad ang hindi masukat na init. Nahiga na siya at awtomatikong pinasadahan ng palad ang katawan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD