"Wala ka na bang nakalimutan?" malamig na tanong ni Winston matapos ilagay ang luggage ni Cara sa likuran ng compartment ng taxi na maghahatid sa kanya sa airport. Matapos ang huling project ni Cara sa Dubai ay agad niyang tinawagan ang HR sa Pilipinas. Humingi siya ng vacation leave at pinayagan naman siya. Malaki ang nabago sa samahan nila ni Winston. Hindi na ito kasing init at kasing pursigido kagaya noong una. Lagi itong tahimik at nagiisip ng malalim.Gayunman, lagi naman siya nitong sinasamahan at propesyunal pa rin itosa pagdating sa trabaho. Alam ni Cara na nagtatampo pa rin ito dahil sa nangyari halos isang buwan ng nakararaan sa yate ni Isabela. Pagkadaong nila noon ay humingi ng pasensya si Cara kay Isabela na tinanggap naman nito sa huli. Gayunman, mukhang umaasa pa itong mau

