Ten years ago...
"'Tay!" bulalas ni Cara ng bigla na lang matumba si Ricardo-ang ama-habang nakahawak sa dibdib. Agad niyang dinaluhan ito. Kasunod niya ang dalawang kapatid na lalaki-sina Egay at Eddie. Parehong high school ang dalawa samantalang graduate na siya ng architecture. Ang tatay naman niyang si Ricardo ay driver/pahinante ng isang sabon.
Sunud-sunod ang suwerte sa buhay ni Cara. Pagkagraduate niya kasi ng architecture ay na-hire siya bilang apprentice sa JBC Builders. Isa sa mga kilalang architectural firm ang JBC. Mayroon silang project sa buong Asia. Magmula ng magkaroon ng muwang sa larangang iyon ay ang JBC na ang target niyang kumpanyang pasukan. Ayon sa mga instructor niya sa university, ang JBC ay isa sa mga architectural firm sa Pilipinas na maganda ang pasahod at benefits. Kahit isa siyang apprentice ay nakatikim na agad siya noon.
Sa loob ng dalawang taon pagiging apprentice ay masasabi niyang nag-grow siya doon. Marami siyang natutunan sa trabaho, sa pagiging arkitekto at sa mga paghawak ng projects. Dahil doon, noong kumuha siya ng board exam ay agad siyang pumasa. Ngayon ay ganap na siyang architect!
Pero mukhang mayroong hangganan ang lahat dahil hayun ang ama niya, wala ng malay. Mukhang dahil sa sobrang pagtatrabaho ay nagkasakit na ito.
"Tay!" bulalas ni Egay ng hindi na magising ang ama niya. Kinabahan na si Cara ng makitang namumutla na rin ito. Agad niyang pinagana ang isip. Tumakbo siya sa labas ng bahay at humingi ng tulong. Agad naman siyang tinulungan ng mga kapitbahay at dinala ang ama niya sa ospital.
Pagdating sa ospital ay agad inasikaso ang ama niya. Nilapatan ito ng lunas at ginawan ng sari-saring test. Makalipas ang maraming oras, kinausap siya ng doktor at naiyak ng malamang kinailangan ng ama niyang dumaan sa bypass operation. Nagkaroon daw ng bara ang isang ugat nito sa puso at kailangan iyong ma-operahan agad.
Kailangan din niyang mag-down para masimulan ng lahat. Nang malaman niya ang halaga na dapat bayaran ay muntik na siyang mahimatay! One hundred twenty thousand pesos! Ni wala siyang ganoong ipon! Magsisimula pa lang siya sa buhay!
Wala ding ganoon kalaking ipon ang ama niya. Magastos ang naging kurso niya at lahat ng pera nila ay doon naubos. Kaya nga pursigido siyang makaangat sa buhay. Sa bawat sentimong ibinibigay ng tatay niya na pangpaaral ay nangangako siyang ibabalik iyon ng doble dito. Siya na rin ang nagpapaaral sa kapatid. Sa ngayon ay wala pa siyang ipon!
Pero naging maliwanag ang doktor. Patakaran iyon ng ospital at kailangan na talaga niyang mag-down para masimulan na ang operasyon. Naisip niyang ilipat ang ama sa ibang ospital pero naisip din niyang kakain pa ng oras iyon. Oras ang kalaban niya. Kailangang maging wais siya.
Halos sabunutan na niya ang sarili kakaisip ng paraan hanggang sa minabuti niyang utangan ang mga kakilala. Pati na rin ang HR nila, pinakiusapan niyang hingan ng loan. Sa huli ay pinagbigyan siya pero ang tanging makukuha lang niya ay ang kabuuang sahod para sa isang buwan na dapat niyang bayaran sa loob ng tatlong buwan. Pumayag na siya kaysa sa walang makuha. Agad siyang nagpunta sa opisina para mai-process agad ang emergency loan niya.
"Cara!" humahangos na tawag sa kanya ni Terry. Isa ito sa mga naging kaibigan niya sa firm. Mas matanda ito sa kanya ng limang taon. Twenty eight na ito samantalang twenty three na siya. Limang taon na rin ito sa JBC at ito ang nagturo sa kanya ng pasikot-sikot doon. Draftsman ito sa firm.
"Terry!" bulalas niya at luhaan itong niyakap. Napabuntong hininga ito. Awang-awa sa kanya. Natawagan niya ito kanina kaya alam na nito kung saan siya makikita.
"Na-operahan na ba si tito?" nagaalalang tanong nito. Close na ito sa pamilya niya. Tuwing mayroong pagkakataon ay pumapasyal ito sa bahay nila.
"H-Hindi pa..." umiiyak na sagot niya at sinabi ang lahat. Napabuntong hininga ito at naupo sila.
"Sinubukan ko ring humiram sa mga naging ex ko pero hindi nila ako napahiraman." anito at napailing.
Nahiya siya dito. "Pati ikaw, gumagawa na rin ng paraan."
Siniko siya nito. "Ano ka ba? Magkaibigan tayo. Tutulungan kita hangga't kaya ko." anito.
Na-touch siya. Pareho sila nitong napabuntong hininga hanggang sa nagulat siya ng sikuhin ulit nito. "Kausapin mo na si Sir Judah. Siguro naman ay tutulungan ka noon." tukoy nito sa boss nila na isang architect at may-ari ng firm.
Bata pa si Judah Calvento. Nasa edad thirty three ito. Lahat sila sa firm ay tinitingala ang tahimik na boss. Marami na itong achievements. Sa loob ng sampung taon na pagkakatayo ng firm, nakilala na ito sa larangang iyon. Bukod doon ay guwapo ito at maganda ang tindig. Hawig pa naman nito si Ben Barnes. Malinis ang gupit nito at laging bagong ahit. May kakapalan ang kilay at pilik. Maiitim ang mga mata. Matangos ang ilong. May kakapalan pero mahuhubog na labi. Makinis din ito pero brusko pa rin ang dating.
Kumabog ang dibdib ni Cara. Hindi niya mapigilang makaramdam ng hiya at kaba. Aaminin niya, mayroon siyang gusto dito. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa isang poging tulad nito? Good catch ito kung tutuusin.
Sa interview niya noon ito unang nakaharap. Bago siya tanggapin doon bilang apprentice ay in-interview siya nito. Ramdam niya ang kakaiba nitong mga titig. At hindi lang natapos iyon doon. Nang matanggap siya ay madalas niya itong mahuling nakatingin. Sa tuwing nahuhuli niya ito, hindi man lang ito nagbabawi. Tinititigan talaga siya hanggang sa hindi na siya mapakali.
Isa pang aaminin niya, ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng pagkabastos sa mga titig nito kundi tila mayroon iyong binubuhay sa kaloob-looban ng katawan niya. Palibhasa, pinapangarap niya rin ito kaya madali siyang maapektuhan ng init at pagnanasa na sa huli ay pilit niyang iniignora dahil alam niyang kabaliwan lang iyon.
Tama. Iyon ang naiisip niya sa mga ipinararamdam ni Judah. Isa iyong uri ng kabaliwan. Ni hindi niya ito boyfriend. She shouldn't feel that way.
"Ano ka ba? Paandarin mo pa ang hiya? Buhay na ng tatay mo ang nakasalalay dito. Tigasan mo na ang sikmura mo." untag ni Terry ng hindi siya makapagsalita.
Mariin niyang naipikit ang mga mata. Naalala niya ang itsura ng ama. Marami pa siyang gustong ibigay dito. Isa na roon ang ginhawang hirap silang nakuha dahil hindi naman sila mayaman. Ngayong nakapagtapos na siya at nakapasa na sa board, maibibigay na niya iyon. Pero paano niya iyon maibibigay kung mamatay na agad ito?
Napahinga ng malalim si Cara. Iyon ang pinanghawakan niya para palakasin ang loob. Determinadong hinarap niya ang kaibigan.
"Sige. Pupuntahan ko siya." pigil hiningang saad niya. Nakakaunawang tumango si Terry. Hindi na siya nagaksaya ng oras. Agad na rin siyang umalis at tuluyang hinarap ang si Judah.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Nasabi ko na ang tungkol sa kaso mo. Pumasok ka na daw." saad ni Shella. Ito ang secretary ni Judah na mas matanda kay Cara ng tatlong taon. Matapos sabihin ni Cara na gusto niyang kausapin si Judah ay agad itong tumalima. Nagbigay din ito ng tulong dahil nakarating na rin dito ang kalagayan ng ama niya. Sa huli, nagpasalamat siya dito. Pinigilan niyang maiyak sa kabutihang loob ni Shella.
Kinabahan na naman si Cara. Nanuyo ang lalamunan niya. Napalunok siya at huminga ng maraming beses. Sinubukan niyang kalmahin ang pusong nagwawala bago tumalima.
Pumasok na siya kapagdaka. Bumungad kay Cara ang simpleng opisina. Nasa likod ng glass desk si Judah. Matiim itong nakatitig sa kanya. Kumabog ang dibdib niya. Hayun na naman ang titig nito. Pakiramdam niya ay mayroong ideyang naglalaro sa isip nito. Nanayo din ang balahibo niya sa mainit nitong titig. Anuman ang ideyang naglalaro sa isip ni Judah habang nakatitig sa kanya ay wala siyang ideya.
"G-Good afternoon, sir." kinakabahang panimula niya.
"Good afternoon. Have a seat." malamig nitong saad at itinuro ang bakanteng upuan sa harap.
Tumalima si Cara. Huminga siya ng malalim bago magpaliwanag. "S-Sir, hindi na ho ako magpapaligoy-ligoy pa. K-Kailangan ko ho ang tulong niyo..." naiiyak niyang saad at sinabi ang pinagdadaanan. Sa nanginginig na boses, inutangan niya ang boss. Halos matunaw na siya sa sobrang kahihiyan pero naisip niyang para iyon sa ama. Lahat ay gagawin niya.
Naiyak siya sa mga palad. Doon tumayo si Judah at naupo sa tapat niya. Napasinghap siya ng marahan nitong alisin ang kamay niya sa mukha. Luhaang napamaang siya ng punasan nito ang mga luha niya. Napasinghap siya sa init ng palad nito. Agad iyong tumagos sa buong katawan niya. Kita din niya sa guwapo nitong mukha ang kaseryosohang nahahaluan ng init...
"K-Kahit gamitin ninyo ako, sir. P-Payag ako kahit maraming beses b-basta tulungan ninyo ako sa kalagayan ng tatay ko..." luhaan at desperadong pakikipag-bargain ni Cara. Kahit wala siyang karanasan sa mga lalaki ay hindi naman siya tanga para hindi mahulaan ang pagnanasa nito sa kanya. At nakahanda na siyang ibenta maski kaluluwa dito...
"Shh... don't cry. Tutulungan naman kita. Magkano ba?" anas nito at hinaplos ang pisngi niya. Parang nakuryente si Cara. Bigla siyang nahirapang huminga sa ginawi nito. Hindi niya matagala iyon kaya napayuko siya at pigil hingang ipinaliwanag ang lahat.
Hindi na nagsalita si Judah. Tumayo ito at kinuha ang check book sa drawer saka nagsulat. Ilang sandali pa ay pinilas nito ang papel saka iniabot sa kanya. "Here. Three hundred thousand pesos. Kung kulang pa iyan ay magsabi ka lang." anito.
Tumitigil sa pagtibok ang puso ni Cara habang nakatitig sa cheke hanggang sa muling naiyak. Sobrang saya niya! Mao-operahan na ang tatay niya! Hindi siya nagdalawang salita dito at agad na tinulungan! Sa sobrang tuwa niya ay napatayo siya at nilapitan ang lalaki. Walang sabing niyakap niya si Judah.
Nagulat ang lalaki. Tumigas ang katawan nito. Mukhang hindi inaasahan ang ginawa ni Cara kaya napaurong ito at tumama ang binti sa upuan. Dahil doon ay napaupo ito. Napasadsad si Cara sa harapan ng lalaki at napakalong!
Napasinghap si Cara ng maramdaman ang pagkabuhay ng p*********i ni Judah. Maang siyang napatingin sa lalaki na hindi na kumukurap ng sandaling iyon. Namula ito pero alam niyang hindi dahil sa pagkapahiya kundi dahil sa init na biglang sumiklab!
Nataranta tuloy si Cara. Oo at nakahanda na siya pero iba pa rin pala kapag nandoon na. Naloloka ang buong katawan niya. Napatayo tuloy siya pero hindi pinayagan ni Judah. Hinila siya nito at napaupo ulit siya sa kandungan nito!
"Sir!" gulat na bulalas ni Cara ng lalong tumigas ang p*********i nito. Saglit tuloy niyang nakalimutan kung ano ang sitwasyong kinasusuungan. Wala siyang ibang nararamdaman ngayon kundi ang pagbangon ng hindi maipaliwanag na init.
Napalunok si Cara ng makitang tumingkad ang kulay sa mga mata ni Judah. Tila lalong nag-dark ang mga mata nito. Pigil hiningang hinintay niya ang susunod nitong gagawin hanggang sa tuluyang lumipat ang kamay nitong nakahawak sa braso niya papuntang mukha...
"Sir..." halos hindi humihingang anas ni Cara ng pasadahan ni Judah ng index finger ang labi niya. Halos sumabog na siya sa s****l tension na bumabalot sa kanya. Hindi niya masisisi ang sarili. Nakakahawa si Judah. Isang tingin lang, kaya nitong pahiyawin sa pagnananasa ang kanyang katawan.
"Cara..." mainit nitong anas. Desire wasn't just written on his eyes but it was also marked in his touch. Parang mayroong kuryente ang palad nito na sa bawat hagod sa balat niya ay mayroong boltaheng dumadaloy sa bawat himaymay ng laman niya.
At naputol ang init na bumabalot sa kanila dahil sa isang tawag sa telepono. Napaungol si Judah at napilitang harapin iyon. Si Cara naman ay parang nabuhusan ng malamig na tubig. Nahiya siya sa napagtantong posisyon at tatayo na sana nang mapamaang dahil pigilan ni Judah!
Nakikipagusap ito sa phone habang nakakalong siya. Nilalaro din nito ang dulo ng buhok niya at hindi na naman mapakali si Cara. His manhood was still hard as rock. Damn. She really didn't know what to do.
"Fine. I'll meet them." pinal na saad ni Judah saka tuluyang ibinaba ang phone. Hinarap na siya nito. "We'll talk later. Balitaan mo na lang ako kung okay na ang tatay mo. Hmm..." anito saka pinisil ang baba niya. Para na naman siyang nakuryente sa ginawi nito. Halos hindi siya makahingang tumango.
Muling sumubok na tumayo si Cara pero pinigilan na naman ni Judah. Hindi pa siya nakakahuma ay siniil na siya nito ng halik. She was so shocked, she couldn't even react!
But Judah was expert. He could easily make her surrender. Just one hot kiss, she melts. One hot torrid kiss, she yields. His tongue expertly explores her mouth, demanding for an answer. She moaned, she let her tongue taught by a skilled kisser.
At tumindi ang reaksyon ng p*********i ni Judah. Ramdam din ni Cara ang matinding reaksyon ng p********e. She was wet. She felt a bit pain inside her. Humihiyaw na sa pagnanasa ang katawan ni Cara.
Both of them started to move. Her hips swayed, she wanted to feel his manhood even more. His hips waved, he was answering her every move. Nagsagutan ang mga kiskisan ng kanilang katawan na tuluyang nagpaakyat pa ng init.
Muli, nag-ring na naman ang telepono ni Judah. Noong una, tila malayo na iyon sa pandinig nila pero nang naulit iyon ng naulit, tuluyan na iyong gumising sa mainit nilang sandali.
"Sir..." anas niya sa pagitan ng mga labi nila. Napaungol siya ng kagatin muna ni Judah ang ibabang labi niya bago siya nito tuluyang pinakawalan at sinagot ang telepono.
Hingal na hingal si Cara dahil sa bumulusok na init sa bawat kanto ng kanyang katawan. At alam niyang mahihimasmasan lang siya oras na malayo kay Judah. Salamat naman noong tumayo siya ay hindi na nito pinigilan. Nagayos na rin siya ng sarili habang kinausap nito ulit si Shella.
Nang ibaba na nito ang telepono ay inayos na rin nito ang sarili at tumayo. Hinarap na siya nito at hindi tuloy siya makatingin ng tuwid! Nagiinit ang pisngi niya dahil sa pinagsaluhan nilang halik!
"We really need to go. Here's my number. Call me anytime. Okay?" anito saka siya inabutan ng calling card.
Tumango si Cara at lumabas na sila. Isang tipid na ngiti ang iginanti niya kay Shella bago tuluyang umalis. Naghiwalay na lang sila ni Judah pagdating sa elevator dahil pupunta ito sa conference room para sa isang meeting samantalang siya ay aalis na para pumunta ng bangko.
Isang makaluhugang ngiti ang iginawad nito bago siya tuluyang iniwanan. Siya naman ay hirap makahuma. Napatingin siya sa repleksyon sa elevator. Kita ang mukha niyang namumula. Pati labi niya, tila namamaga na. Naginit lalo ang pisngi niya sa nakita.
Napatingin siya sa chekeng hawak. Kung iyon ang kabayaran sa lahat, tatanggapin niya. Nakakahiya mang isipin, okay lang sa kanya. Hindi rin naman siya lugi. Isang napakaguwapong lalaki ni Judah. Wala siyang reklamo kung higit pa roon ang hihilingin nitong kabayaran...
YRR