Chapter 6

983 Words
Napabalikwas si Dorcas dahil sa mga malalakas na tilaok ng manok sa labas.Mataas na ang sikat ng araw.Dahan dahan siyang tumayo at tiniklop ang kumot. Agad niyang hinanap si Jamie.kinabahan siya ng hindi niya ito makita. Nilibot niya ang tingin sa paligid. Malinis na ang bahay, may luto ng pagkain at nakatimpla na yung kape niya. Napangiti siya. Maya maya'y pumasok si Aqua sa pintuan na karga karga ang anak niya. May hawak din itong pandesal sa isang kamay. "goodmorning boss"sarcastic na salubong ng babae sa kanya. Kinuha niya mula dito si Jamie na agad na nangiti sa kanya ng makita siya.Kinarga niya ito at hinalikan sa ulo. Bumaling siya kay Aqua. "thank you" Nilagpasan siya nito at inayos ang lamesa. Nakasuot na ito ngayon ng malaking t shirt, malayo sa suot nito sa bar kagabi.Hindi niya maialis ang tingin niya dito. "titingin ka na lang dyan? Kain na" Napapahiyang nag iwas si Dorcas ng tingin dito at umupo sa lamesa. May itlog at pakbet itong niluto galing sa maliit na ref niya. Akmang tatayo siya para timplahan ng gatas si Jamie ng iabot nito ang botilya sa kanya. Malamig na iyon at puwede ng inumin ni Jamie. Natulala siya sa babae. Hindi ka nagkamali Dorcas! Pakiramdam niya nakajackpot siya "salamat."Nilibot niya ang tingin sa lamesa. "Alam kong hindi ito kasama sa trabaho mo. " Inirapan lang siya ng babae at tsaka kumain.Nagsimula narin siyang kumain habang hawak hawak si Jamie. Puwede na. Puwede na siyang maging nanay ng anak mo.. Napaubo siya.Inabutan siya ng babae ng tubig. Iniwasan niyang mapatingin dito. "okay ka lang? " Anong nangyayari sayo Dorcas? Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pagkain.Napansin niyang napapatitig sa kanya yung babae, and for the first time and forever, nailang siya. Huminga siya ng malalim. Binilisan niya ang pagkain.Hinintay niya ang babaeng matapos at tsaka ibinigay si Jamie dito. Nag iwas ito ng tingin ng makalapit siya dito. Naiilang din ba ito sa kanya? "ako na ang bahala sa hugasin.Maglaro muna kayo ni Jamie sa labas" Hindi sumagot ang babae at nagmamadaling lumabas. Be civil,remember. Niligpit niya ang lamesa at naghugas ng pinggan.Maya maya'y kailangan niya ring maghanda para pumasok sa trabaho. Nilabas niya ang dalawa bago naligo.Nasa isang kahoy na bangko sila sa ilalim ng puno ng seresas. Natutulog na ulit si Jamie na marahang kinakantahan ni Aqua. Malamlam ang tingin nito sa baby na tila galing dito mismo ang anak niya. Sinong mag aakalang galing ito sa bar. Gumaan ang pakiramdam niya at alam niyang wala siyang dapat ipag alala. --------- Gabi.Nagfifill out ng form si Aqua para sa libreng birth certificate na palibre ng barangay.Madalas yon sa squatter, marami kasing batang ipinapanganak na walang kahit anong papel. At isa doon si Jamie. Isang araw niya palang kasama ang bata pero napalapit na agad ang loob niya dito.Napa ka guwapo ng bata,mabait at kakaiba. pakiramdam niya paparusahan siya ng langit kapag pinabayaan niya ito. Mahilig siya sa mga bata dahil galing siya sa bahay ampunan. Madalas siyang mag volunteer noon sa mga charity at medical mission para sa mga bata kaya kahit paano updated siya sa mga ganoong programa. At gusto niyang sapakin ang mapagpanggap nitong ama dahil hindi man lang inasikaso ang birtcertificate ni Jamie. Mahihirapan siyang makakuha ng libreng mga bakuna at vitamins kapag walang identification ang bata. Namroroblema siya kung anong isusulat niya dito.Sino ba ang nanay ni Jamie at ano ang tunay na pangalan ng tatay nito. Napabalikwas siya ng bumukas ang pintuan at inuluwa non'si Dorcas. Halatang pagod ito,inaantok.Napansin niyang hawak nito ang lumang helmet sa isang kamay. Napatitig siya sa lalaki. Bakit ba kasi ang guwapo nito.Matangkad at napakaganda ng katawan.Para itong artista na napadpad sa squatters area. "baka naman matunaw ako niyan"anito habang nagtatanggal ng sapatos Nag iwas siya ng tingin. Hindi naman tulad nito ang mga tipo niya. Guwapo nga, mahirap naman. Binatang ama pa. Sawang sawa na siya sa hirap kaya ipinangako niyang hindi siya magnanasa dito kahit pa mukha itong diyos. "baby ko? "excited na tanong nito sa kanya. tinuro niya ang kuwarto at nagmamadaling pumunta doon ang lalaki. Napangiti si Aqua. Halatang pilyo ang lalaki pero mahal na mahal nito ang anak.At nagsisikap.Sa mundong ginagalawan niya,bihira siyang makakita ng tatay na tulad nito.Kaya din siguro siya napapayag agad ng lalaki na alagaan ang anak nito. Muli niyang ibinalik ang tingin sa form. Narinig niyang bumalik na si Dorcas sa sala at nanigas siya ng tumabi ito sa kanya. Kalma Aqua.. Si Dorcas lang yan. Huminga siya ng malalim at hindi niya pinahalatang naiilang siya sa lalaki. "Ano yan? " "birth certificate ng ANAK mo boss" Kinuha ni Aqua ang ballpen. "Anong tunay mong pangalan at ni Jamie at ng nanay niya at kailan at saan siya pinanganak" Halatang natigilan ang lalaki sa tabi niya. Huwang mong sabihing hindi mo alam. "Hindi ko alam.. Kailangan pa ba niyan? " Tinignan niya ito ng masama. "Hindi ako nakikipag biruan sayo boss" Huminga si Dorcas ng malalim tsaka nagsalita. "Dorcas Perez" "ok, so si Jamie, Jamie Perez" Tumango ang lalaki. "Eh yong nanay? " "sorry, pero hindi ko kasi kilala ang nanay niya, nakuwento ko na sayo diba. " Nakaramdam ng inis si Aqua"fuckboy ka kasi.Anong gagawin natin dito ngayon? " Napatitig ito sa kanya at tsaka muling nagsalita. "puwede bang ikaw nalang? " Nanlaki ang mata niya. "Ako?" Napaisip siya. Kawawa naman si Jamie kapag wala siyang naipasang form bukas. At hindi na siya lugi kapag naging anak niya ito. Ganito ba naman kagandang lahi at tsaka sa papel lang naman. Isinulat niya ang pangalan sa form.Aquarrious Sebastian. Napangisi ang lalaki sa ginawa niya. Tila tuwang tuwa ito. "Ayos, may nanay na yong anak ko" Masayang sabi nito. Gustong siyang sungitan ni Aqua pero hindi na siya nagsalita. Ayaw niyang mawala ang ngiti nito sa labi. @$((( I know, it's kinda boring. I'm still working in third person pov. Babawi ako. Thank u for reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD