Chapter 53 Hindi ko maialis ang paningin ko sa singsing na suot-suot ko. It's been eight years mula ng huli ko itong isinuot. Akala ko naiwala ko na 'to noong araw ng pag-alis ko. Ni hindi ko na nga ito hinanap and I take it as a sign para tuluyang umalis sa buhay ni Cloud. Hindi ko inakala na nakuha pala ito ni Cloud at itinago ng napakatagal na panahon. Dumako naman ang paningin ko sa kamay ni Cloud, simula noong araw na nangako siya sa akin na susubukan niya kong mahalin, bigla ko na lang nakita na suot-suot niya na ang wedding ring namin. At sobrang saya ko noon. Sobrang saya. Pero hindi naman nagtagal ang kasiyahan ko na 'yon. Napangiti ako ng mapakla sa naisip ko. Nagulat naman ako ng bigla na lang akong may bigat na naramdaman sa balikat ko. Napatingin ako dito at natawa ng mahin

