Chapter 20

3107 Words

Napahikbi si Nadine at itinulak ang pinggan palayo sa kanya. “O bakit? Di ba masarap?” tanong ni Lewis. “Masarap kaso kalasa ng luto ni Miller. Pati texture ng itlog saka timpla ng spices ganoon na ganoon din. Di ko alam bakit naalala ko siya sa omelet lang. P-Pareho ba sila ng timpla na gusto ni Tita Monina?” tanong ng dalaga. “Hindi. Pero si Miller ang nagluto niyan.” Ipinilig niya ang ulo. “Paanong siya ang nagluto? Wala naman siya dito.” Di ba’t abala ang lalaki sa pagtatampisaw sa piling ng ex-girlfriend nito? “Hindi mo ba naalala na dumating siya kagabi?” Marahan siyang umiling. “Seryoso?” “Oo. Ipinakilala mo pa nga siya sa audience kagabi. Na… sinaktan ka niya. Na mahal mo siya pero iba ang mahal niya. Na mas pinili niya ang ex-girlfriend niya kaysa sa iyo.” “A-Anong sinabi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD