NADINE’S world was upside down literally. One minute she was laughing her heart out while Lewis put her on the spot. Oo, hiniling niyang lamunin siya ng lupa dahil di naman niya matatagalan na mag-macho dancer ang isang lalaking itinuring niyang kaibigan nang di ito naiinsulto sa huli. Nakakatawang experience lang. Nawala ang ngiti niya nang sumampa si Miller sa entablado. Akala niya ay mag-a-ala Channing Tatum din ito para labanan si Lewis. Muntik na siyang kumuha ng sako para takpan ito dahil wala siyang balak na ipakita ang alindog nito sa iba. Di siya papayag na mawala ang kagalang-galang nitong reputasyon. Pero sa halip na mag-Magic Mike para akitin siya, nag-ala-Connan the Barbarian ito. Itinulak nito si Lewis at saka bigla siyang isinampay sa balikat nito na parang isang sako ng p

