"HOW'S the shop? Okay ba ang orders natin?" “Good morning!” bati agad ni Nadine kay Miller nang pagbuksan ito ng pinto. It was six in the morning. Ala una na siya nakatulog nang nagdaang gabi dahil in-enjoy talaga niya ang program lalo na ang cocktails na ihinanda ng binata para sa kanya. Wala siyang hangover. Just a little woozy. Pero kung anumang hilo ang naramdaman niya, nawala nang makita ito. “Hi! Ipinagdala kita ng ginger-honey tea para sa hangover mo at chicken noodle soup.” Nilakihan niya ang bukas ng pinto. “Ikaw pa ang naghanda niyan? Natulog ka pa ba?” Abala ito nang nagdaang gabi dahil parang may gayuma ang cocktail drinks nito na binalik-balikan ng mga guest. Hindi na niya kailangang bantayan si Miller. Ito na ang kusang nagtataboy sa mga babaeng nagpaparamdam dito. She

