MAAGANG dumilat si Nadine. Nauna pa siyang nagising kaysa sa tunog ng digital alarm clock sa tabi ng kama niya. Babangon na sana siya kahit wala pang alas singko ng umaga. Nakapa niya ang gasa sa ulo niya at bumalik sa pagkakahiga. Hindi na niya kailangang bumangon ng maaga para ipaghanda ng agahan si Miller. Hindi na niya kailangang mag-effort para makuha ang pagmamahal nito. She didn’t even have to see him at all if she wanted to. She already gave up on him. Bumalik siya sa pagtulog pero hindi siya mapakali sa higaan. Hindi siya sanay na walang ginagawa. Di rin siya nakatiis at pinalitan ng T-shirt at short ang pajama terno. Matapos maghilamos at ayusin ang sarili ay tumuloy siya sa kusina. Naamoy na agad niya ang bango ng ginigisang bawang. It felt good to be home. Gusto niyang tumulo

