“YOU didn’t attend the forum for young businessmen. Ang alam ko gusto ka nilang bigyan ng recognition. It would look for the company. It would look good on papers than my daughter’s viral video,” sabi ni Julio habang nagkakape sila sa library. Katatapos lang nilang maghapunan kasama si Nadine. Nasa kuwarto na ito at ineempake ang daldalhing gamit ng ama. Gustong makatiyak ng dalaga na di na uurong sa cruise si Julio. “It doesn’t matter. Ang mahalaga malinis na ang pangalan ni Nadine. The Compostellas apologized for what their son did in public. Bilang pambawi, tatanggapin nila ang mag-ina ni Christian sa pamilya.” “Pakakasalan niya?” Nagkibit-balikat siya. “I actually don’t care. Pero ang mahalaga po may abogado nang magre-represent sa mag-ina. And your daughter now is a hero for women

