“MA’AM, hindi po kayo pwedeng basta-basta pumasok dito. Sarado pa po ang shop namin…” Natigilan sa pagpasok ng shop si Nadine nang harangin siya ng kaibigang si Tessa. Kasunod niya sa likod ang mga bodyguard niya na pawang naka-shades at polo at pants. Ni hindi man lang nag-invisible mode ang mga ito at walang balak na umalis sa tabi niya. Inalis ni Nadine ang sunglasses at scarf na nakatabing sa ulo. “Ako ito.” “Nadine! Ano ba naman ‘yang itsura mo? Bakit balot na balot ka samantalang pagkainit-init ngayon? May pinagtataguan ka ba?” Ngumiwi ito nang makita ang mga lalaking malalaki ang katawan sa likuran niya. “Sino sila?” “Mga bodyguard ko na kinuha ni Miller.” “May grabeng banta ba sa buhay mo dahil sa kumalat mong video? Grabe naman! Ganoon na ba katindi ang bashers mo para ikuha

