Chapter 12

2655 Words

“MANG Nardo, pangit po ba ako? Kaayaw-ayaw ba ako?” tanong ni Nadine sa driver habang binabaybay. Papunta na sila sa isa sa mga depressed area na tinutulungan nila sa Macabebe, Pampanga. Dapat ay maging masaya siya dahil sa wakas ay pumayag si Miller na lumabas siya ng bahay sa kondisyon na may mga bodyguard siya na pasimpleng nakasunod sa kanya at aaksyon kung kinakailangang protektahan siya. “Nabasted ka ni Sir Miller?” Itinapik niya ang daliri sa baba. “DI ko rin po maintindihan kung bakit gusto ko pa rin si Miller hanggang ngayon. Ilang beses na akong nabasted.” “Hindi kita masisisi. Wala ka yatang maipipintas sa batang iyon. Matalino masipag, may dedikasyon, mabait at marespeto. Kung kami ang tatanungin sa bahay, siya rin ang gusto namin para sa iyo. Kung gusto mo na tulungan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD