And it's hard at the end of the day
I need some distraction
Nagising ng malayong tunog ng kantar si Roy. Pamilyar ang mga linya, babae ang boses, ngunit hindi niya mahagilap ang pamagat. Napansin niya ang dating unan, kumot, at kama. Nasa kanyang silid na pala siya. Matapos ang isang taon sa ospital, naiuwi na siya sa bahay. Sa wakas . . .
Oh, beautiful release
Memories seep from my veins.
Bumangon siya at pinag-aralan ang palibot, pilit hulaan kung ano ang naiba.
Let me be empty
Oh, and weightless and maybe
I'll find some peace tonight.
Parang wala naman sa palagay niya, hanggang sa natawag ng mobile phone sa ibabaw ng nightstand ang pansin niya. Akin ba 'yan? Parang . . .
In the arms of the angel,
fly away from here
From this dark cold hotel room
And the endlessness that you fear
Pinilit abutin ni Roy ang bagay nang makita niya ang kanyang maruming mga kuko. Inamoy niya ang mga ito at naalala ang madamdaming pagdalaw sa mga namayapang mahal sa buhay. Naalala niya ang alcohol sa loob ng isang drawer. Hinila niya ito, kinuha ang lalagyan, binasa ang mga daliri, kinuskos ang mga kuko sa mga palad, at tuluyan ng naghugas ng mga kamay. Matapos pinunas ang mga ito sa sariling damit, inabot ulit niya ang bagay at sinuring maigi. Kay Dad ito a. Bakit nandito ito?
You are pulled from the wreckage
Of your silent reverie
Pinindot ni Roy ang power button. Walang nangyari. Inulit. Wala pa rin. Baka low bat. Teka . . .
You're in the arms of the angel
May you find some comfort here
Hinila niya ulit ang isang pang drawer ng nightstand, at may hinanap, ngunit wala doon. A baka nasa kabila.
So tired of the straight line
And everywhere you turn
There's vultures and thieves at your back
Tumindig siya at pinuntahan ang closet. Nang buksan niya ito, nadako ang pansin niya sa power outlet sa malapit. May nakasaksak pa rin na charger doon. Kailan pa ito dito? Tangin---
And the storm keeps on twisting
You keep on building the lie
That you make up for all that you lack
Pinigilan niyang mabigkas ang mura. Yumuko na lang siya, pinulot ang dulo ng cable, sinaksak sa port ng phone, at naghintay.
It don't make no difference
Escaping one last time
It's easier to believe
In this sweet madness
Oh this glorious sadness
That brings me to my knees
Habang hawak ang phone, napansin niya ulit ang kanta. Dito na niya naalala ito. Arms of An Angel yata title nito.
May kumislap. Napatingin si Roy sa screen. May konting laman na ang battery. Pinindot uli ang power button. May lumabas na. Bahagyang nahirapan dahil sa iksi ng cable, naglupasay siya.
In the arms of the angel
Fly away from here
From this dark cold hotel room
And the endlessness that you fear
You are pulled from the wreckage
Of your silent reverie
You're in the arms of the angel
May you find some comfort here
Bumungad kay Roy ang isang f*******: post. Binasa niya ito. O clemens, o pia, o dulcis Virgo Maria! Fraternally Yours in Our Lord and Our Lady, Stairy Peregrine. P, S, Whether or not the Blessed Virgin Mary wants Victoria Maxene Dione to figure in your life more than just as the other half of RoMa is for you to carefully pray for and discern. For sure, Our Lady, who is Our Lady of the Most Holy Rosary and Our Lady of Mount Carmel, has the answer. Hmm, parang nabasa ko na ito noon a. Ito ba ang huli mong nakita, Dad?
You're in the arms of the angel
May you find some comfort here
You're in the arms of the angel
May you find some comfort here