CHAPTER 5 — Conditions

1719 Words
HINDI nakatulog si Zari buong gabi. Pakiramdam niya buong gabi siyang nakikipag-away sa sarili niya. Sa kisame. Sa memories. Sa possibility. At ang pinaka nakakainis sa lahat? Hindi mawala sa isip niya ang mukha ni Ali habang sinasabi nito ang salitang: “I want you to marry me.” God. Sinong matinong tao ang magpo-propose gamit ang corporate tone? At bakit parang mas lalo iyong delikado? Napabuntong-hininga siya habang nakahiga sa manipis niyang kama, nakatitig sa electric fan na umiikot sa kisame ng maliit niyang apartment. Tahimik ang buong paligid. Naririnig lang niya ang mahinang tunog ng TV mula sa kabilang unit at ang occasional na tahol ng aso sa labas. Simple lang ang apartment niya. Maliit. Luma. Pero safe. Ito ang klase ng lugar na hindi magtatanong ng tungkol sa past mo. At matagal na niyang kailangan iyon. Napapikit siya. Pero imbes na antok— si Ali ulit ang pumasok sa isip niya. Because losing you once was enough. Mariin siyang napamura sa unan. “Bwisit ka talaga, Ali.” “Kanino ka galit?” Napabangon siya agad. Nasa pintuan ng kwarto niya ang tiyahin niyang si Tita Beth habang may hawak na tubig at maintenance medicines. “Wala po,” mabilis niyang sagot. Napataas ng kilay ang matanda. “Mukhang meron.” “Work lang.” “Lagi namang work.” Napangiti siya nang pilit bago tumayo para tulungan itong umupo sa sala. Tahimik lang si Tita Beth habang iniinom ang gamot nito, pero kitang-kita ni Zari ang pagkapayat nito nitong mga nakaraang buwan. At bawat kita niya roon— parang may dagdag na bigat sa balikat niya. Hospital bills. Checkups. Maintenance. Rent. Utilities. Lahat nakaasa sa sweldo niya. Kaya kahit gusto niyang tumanggi kay Ali agad— hindi niya magawa. Kasi first time in years… may nagbigay sa kanya ng pagkakataong huminga. At natatakot siyang gusto niya iyon. “Tulala ka na naman,” puna ni Tita Beth. “Hm?” “May problema ba sa office?” Muntik na siyang matawa. If only you knew. “Wala naman po.” “Totoo?” Tumango siya. Hindi na ito nagpumilit magtanong. Alam kasi ng tiyahin niya na kapag ayaw niyang magsalita, hindi talaga siya magsasalita. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit mahal siya ni Tita Beth. Tahimik lang siyang magmahal. Tahimik lang din siyang masaktan. KINABUKASAN, mas maaga siyang pumasok sa RGC. Hindi dahil masipag siya. Kundi dahil ayaw niyang ma-corner ni Lyss sa pantry nang wala siyang emotional preparation. Too late. “So?” Napapikit agad si Zari pagpasok pa lang niya sa floor. Nasa desk niya na si Lyss, nakaabang, may hawak pang iced coffee na parang suhol nito sa mga makukuha nitong impormasyon. “Good morning din,” deadpan niyang sagot. “Wala tayong good morning dito. Anong sabi ng CEO?” Tumigil siya sa paglalakad. “Why do you sound like gossip reporter?” “Because your life suddenly became teleserye.” Napabuntong-hininga siya habang inilalapag bag niya. “Lyss.” “What?” “He proposed.” Tahimik. Then— “WHAT?!” Halos mag-echo iyon sa buong floor. Mabilis siyang lumingon paligid. “Tumahimik ka!” “PAANO AKO TATAHIMIK DIYAN?” May ilang empleyado nang napapalingon sa kanila kaya mabilis hinila ni Zari si Lyss papunta sa pantry. Pagkasara ng pinto— “Ano ibig mong sabihin nag-propose?!” bulong-sigaw ni Lyss. “Business marriage.” Natigilan ito. “…Ha?” “Exactly.” Tahimik muna itong tumitig sa kanya bago napahawak sa noo. “Wait. WAIT.” Umupo ito. “Simulan mo ulit. Slowly.” Napaupo rin si Zari habang hinihimas sintido niya. “He wants me to marry him.” “Why?” “Board politics. Shares. Public image after divorce.” “Okay…” Mabagal na tumango si Lyss. “And?” “And what?” “Girl, si Ali ‘yan. Hindi ‘yan gagawa ng ganito kung business lang.” Tahimik siyang napatingin sa coffee cup niya. Then softly— “He said he loved me.” Muling natahimik si Lyss. This time, mas mabigat. “Past tense?” maingat nitong tanong. Napapikit si Zari. “…No.” “Oh God.” Exactly. Oh God talaga. “He said a part of him still does.” Napahawak si Lyss sa dibdib nito dramatically. “Nasasaktan ako para sa’yo.” “Mas nasasaktan ako para sa sarili ko.” Tahimik muna sila. Then finally— “Anong sagot mo?” “I said no.” “Talaga?” “…Mostly.” “Mostly?!” Napasandal si Lyss. “Ay nako. Delikado na ‘to.” “I know.” Hindi niya alam bakit parang gusto niyang umiyak sa frustration. Kasi alam niyang hindi dapat niya kino-consider. Alam niyang komplikado. Alam niyang may history sila. Trauma. Secrets. Pain. At higit sa lahat— hindi niya kayang masaktan ulit. Pero every time naiisip niya ang possibility na baka totoong mahal siya ni Ali noon… parang may parte sa kanyang gustong bumalik. At iyon ang kinakatakutan niya. “Do you still love him?” tanong ni Lyss nang mahina. Tumigil ang mundo ni Zari nang ilang segundo. Hindi siya agad sumagot. Kasi alam niya ang totoo. Alam na alam niya. At iyon ang dahilan kung bakit hindi siya mapakali. “Hindi ko alam,” bulong niya. Sinungaling. Pareho nila iyong alam. Dahan-dahang napabuntong-hininga si Lyss. “Okay,” sabi nito. “Let’s be practical.” “Impossible.” “Try natin.” Umayos ito ng upo. “Ano exactly conditions niya?” Napakurap si Zari. “…Conditions?” “Yes. Contract marriage ‘to. Syempre may rules.” Actually… wala pa silang napag-uusapan tungkol doon. At doon niya narealize— sobrang emotional ng buong usapan nila kahapon kaya halos walang concrete details. Which somehow made it worse. Before pa siya makasagot— biglang tumunog phone niya. Unknown executive extension. Her stomach dropped immediately. “Don’t tell me—” bulong ni Lyss. Slowly, tinanggap ni Zari ang call. “Hello?” “Miss Garcia.” Nanlamig agad siya. Ali. Of course. “Sir.” “Come to my office.” Straight to the point. “When?” “Now.” Then the line ended. Napapikit siya. “I hate your life,” sabi agad ni Lyss. “Same.” PAGDATING niya sa executive office, mas composed na siya ngayon. Slightly. Maybe. Okay, hindi talaga. Pero at least hindi na siya mukhang hihimatayin. Pagpasok niya, nadatnan niya si Ali na may binabasa sa tablet habang umiinom ng black coffee. Minimal movements. Minimal expressions. Very CEO. Pero kahit ganoon— may familiarity pa ring sumisilip. Lalo na kapag relaxed ito. “Sit,” sabi nito nang hindi tumitingin. Naupo siya sa tapat nito. This time, may folder sa mesa. Black leather. Professional-looking. Suspicious-looking. At agad napansin ni Ali ang tingin niya roon. “Contract draft.” Napamaang siya. “You move fast.” “You overthink slow.” Napataas agad kilay niya. “Excuse me?” Bahagyang gumalaw sulok ng labi nito. There. That almost-smile again. Nakakairita. At dangerous. Kasi sobrang familiar. “I had Legal prepare initial terms,” sabi nito habang itinutulak ang folder papunta sa kanya. Dahan-dahan niya iyong binuksan. At habang binabasa niya— mas lalo siyang napapikit. “Ali.” “Hm?” “This is insane.” “Specific.” Napailing siya habang binabasa. CONDITIONS: Legal marriage for minimum of two years Shared public appearances Residence under one household Equal share allocation under spousal agreement Confidentiality regarding personal history Optional renewal after contract expiration Optional renewal?! Parang business lease agreement. “Bakit may optional renewal?!” napalakas niyang tanong. Ali calmly sipped coffee. “Efficiency.” “Marriage ba ‘to o kumpanya?” “Yes.” Napamaang siya. “Bwisit ka talaga.” That finally made him smile slightly. God. He looked younger when he smiled. And that made everything harder. “Residence under one household?” ulit niya. “Necessary ba ‘yan?” “Yes.” “Why?” “Because married people usually live together.” “Fake married people.” Ali leaned back slightly. “Public image requires consistency.” “Corporate monster ka.” “I’ve been called worse.” Napabuntong-hininga siya habang muling binabasa ang papers. Then she froze. “What’s this?” Ali looked at the page. “Financial clause.” “You’ll cover my aunt’s medical expenses?” “Yes.” Mabilis siyang napatingin dito. “I didn’t ask for that.” “I know.” “Then bakit—” “Because you need help.” Tumama iyon sa pride niya. At halatang alam ni Ali iyon. “Naaawa ka sakin?” malamig niyang tanong. Ali’s expression changed instantly. “No.” “Then what?” Tahimik muna siya nitong tinitigan. Then softly— “I’m trying to take care of you.” Her chest hurt again. God. Every single time. Every single time he becomes soft— she remembers the boy she loved. And she hated how weak that made her. “You can’t just come back into my life and do this,” mahina niyang sabi. Ali’s gaze stayed steady on hers. “I never really left.” Silence. Heavy silence. Then finally— “Tell me your conditions.” Napakurap siya. “What?” “If we’re doing this,” sabi nito habang diretsong nakatingin sa kanya, “then you should have conditions too.” Natigilan siya. Kasi first time niyang marinig iyon. Na may choice siya. Na may control siya. Dahan-dahan niyang isinara ang folder. Then after several seconds— “No falling in love.” Tahimik si Ali. Completely still. At sa katahimikang iyon, parang may kung anong bumagsak sa pagitan nila. Then slowly— “Too late,” mahina nitong sabi. · · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • •
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD