“MAGRE-resign na ako.”
Halos mabitawan ni Zari ang stapler na hawak niya.
Napatingin siya kay Lyss na kasalukuyang nakaupo sa ibabaw ng desk nito habang kumakain ng convenience store sandwich na parang wala lang itong sinabi. Nasa office pantry sila ulit, parehong lutang sa pagod matapos ang halos sunod-sunod na meetings buong umaga. Ngunit sa lahat ng inaasahan ni Zari na maririnig mula kay Lyss ngayong araw, hindi kabilang doon ang salitang resign.
“Ano?” tanong niya, siguradong mali lang ang narinig niya.
Humigop si Lyss ng iced coffee bago muling nagsalita. “Sabi ko, magre-resign na ako.”
Hindi agad nakasagot si Zari. Hindi dahil hindi niya naiintindihan. Kundi dahil bigla siyang natakot.
Sa apat na taon nila sa RGC, kahit gaano kahirap ang trabaho, kahit gaano sila kapagod, kahit ilang beses pa nilang minura ang management sa pantry—hindi kailanman nawala sa isip ni Zari na nandiyan si Lyss.
Na may kasama siya. Na hindi siya nag-iisa. At ngayong casually nitong sinasabi na aalis na ito… parang may kung anong nag-shift sa loob niya.
“Serious ka?” mahinang tanong niya.
Tumango si Lyss. Tahimik. Sigurado.
At iyon ang mas lalong nagpabigat sa dibdib ni Zari.
“Bakit?” tanong niya agad. “May nangyari ba? May problema ba?”
“Wala.”
“Then bakit biglaan?”
Napailing si Lyss bago ibinaba ang sandwich. “Hind siya biglaan, Zari,” mahina nitong sabi. “Matagal ko na ‘tong iniisip.”
Napaupo si Zari sa katapat nitong upuan. “Lyss…”
“I’m tired.”
Simple lang ang pagkakasabi nito, pero ramdam ni Zari ang bigat. Pagod.
Hindi lang physical. Yung klase ng pagod na unti-unting pumapatay ng pangarap.
“Tingnan mo tayo,” patuloy ni Lyss habang nakatingin sa hawak na kape.
“Araw-araw overtime. Weekend work. Last-minute revisions. Tapos kapag nagkamali ka ng isang decimal point, parang nagkasala ka na sa buong ekonomiya.”
Napangiti nang mahina si Zari. Pero hindi siya sumingit. Kasi alam niyang hindi pa tapos magsalita ang kaibigan niya.
“I’m twenty-six, Zari.” Napatawa ito nang mahina pero walang saya roon. “Twenty-six na tayo pero pakiramdam ko wala pa rin akong nararating.”
Tahimik na napayuko si Zari. Masakit marinig dahil totoo. Minsan naiisip din niya iyon tuwing gabi. Kapag nakahiga siya sa kama at tahimik ang mundo. Kapag wala nang distractions. Kapag sarili niya na lang ang kaharap niya.
Ano nga bang meron siya ngayon? Walang diploma. Walang stable future. Walang direksyon.
Trabaho lang.
At kahit trabaho, hindi naman talaga sa kanila.
“Naalala mo dati?” mahinang tanong ni Lyss. “Sabi natin after graduation, magtatravel tayo.”
Napangiti si Zari nang pilit. “Boracay lang ‘yon.”
“Still counts.” Pareho silang natahimik.
Because neither of them graduated.
Hindi na nila kailangang sabihin iyon nang malakas. Nasa pagitan na lang iyon ng bawat tingin nila sa isa’t isa.
College was supposed to be the beginning.
Pero para kay Zari, doon natapos ang halos lahat. At si Lyss… naiwan para buhatin siya.
“Anong plano mo?” tanong niya matapos ang ilang segundo.
Doon bahagyang lumiwanag ang mukha ni Lyss. At doon din narealize ni Zari— seryoso talaga ito.
“AM Luxe Creation,” proud nitong sabi.
Napakunot-noo si Zari. “Again with the name.”
“Maganda kaya.”
“Mukhang mamahaling kandila.”
“Luxury branding ‘yan!”
Napatawa siya nang mahina. First genuine laugh today. Ngumiti si Lyss bago sumandal sa upuan.
“Luxury event supplies. Hotel amenities. Customized packaging. Corporate gifting. Lahat ng classy.”
“Ang specific.”
“Because pinag-isipan ko.”
At doon tuluyang napatingin si Zari sa kaibigan. Kasi ngayon lang niya ulit nakita si Lyss na ganito.
Excited.
Alive.
Hopeful.
Parang may direksyon. At bigla siyang nakaramdam ng guilt. Dahil habang pilit bumabangon si Lyss… siya yata nananatiling nakatigil.
“May ipon ka ba?” tanong niya.
“Konti.”
“Konti as in?”
“Enough para makapagsimula.”
“That’s not comforting.”
“Wala namang comforting sa entrepreneurship.”
Napailing si Zari. “Baliw ka talaga.”
“Visionary.”
“Delusional.”
“Same thing sa simula.”
Natawa ulit siya.
Pero mabilis ding nawala ang ngiti niya nang maalala niya ang realidad.
“Paano kapag hindi nag-work?”
Tahimik na napatingin si Lyss sa kanya. Then softly— “At least sinubukan ko.”
Tumama iyon nang diretso sa dibdib ni Zari. Kasi siya?
Hindi niya maalalang kailan niya huling sinubukan ulit mangarap. Parang matagal na niyang tinanggap na survival na lang ang kaya niyang gawin. Hindi na pangarap. Hindi na future.
Just surviving.
“Alam mo,” biglang sabi ni Lyss habang pinagmamasdan siya, “feeling ko kaya ka galit sa idea na aalis ako…”
Napataas ng kilay si Zari.
“…kasi takot ka maiwan.”
Natigilan siya. “Oa mo.”
“Am I wrong?”
Hindi agad siya nakasagot. At dahil doon, ngumisi si Lyss. “Exactly.”
Napabuntong-hininga si Zari at sumandal sa upuan. “Hirap mong kausap.”
“Pero mahal mo.”
“Debatable.”
Natawa si Lyss bago muling uminom ng kape. Sandaling naging tahimik ulit ang pantry. Pero hindi uncomfortable.
Sanay sila sa katahimikan ng isa’t isa. Sanay sila sa bigat ng buhay ng bawat isa.
“Paano si Ali?” biglang tanong ni Lyss.
Halos mabilaukan si Zari sa iniinom na tubig. “Ano?”
“Aba, malay ko bang allergic ka sa pangalan niya.”
“Lyss.”
“Ano? Valid question kaya.” Sumandal ito habang nakataas ang kilay.
“Owner siya ng kumpanya. Tapos magre-resign ako. Ikaw maiiwan dito kasama siya.”
Biglang nanikip ang dibdib ni Zari. Hindi pa nga siya fully nakakarecover sa pagkikita nila kahapon. At ngayong nabanggit ulit ang pangalan nito… parang may kung anong humihila pabalik sa kanya sa nakaraan.
“Wala akong pakialam sa kanya,” sabi niya, masyadong mabilis.
Napangisi si Lyss. “Sure.”
“I mean it.”
“Okay.”
“Lyss.”
“Okay na nga.”
Pero halatang hindi naniniwala. At sa totoo lang?
Hindi rin sigurado si Zari kung naniniwala siya sa sarili niya. Dahil mula kagabi, paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang mukha ni Ali.
Mas matanda.
Mas malamig.
Mas imposibleng abutin.
Pero siya pa rin.
At mas lalong masakit iyon.
“Alam mo kung anong unfair?” mahina niyang sabi bago niya napigilan ang sarili.
Napatingin agad si Lyss. “What?”
Napabuntong-hininga si Zari. “Bakit parang ako lang ‘yung nahirapan?”
Natahimik si Lyss. Hindi dahil hindi nito gets. Kundi dahil gets na gets nito.
“Zari…”
“He looks fine,” mahinang patuloy niya habang nakatingin sa coffee cup niya. “Successful. Stable. Powerful. Tapos ako…”
Napatawa siya nang mahina pero wasak ang tunog. “Employee niya.”
“Hindi lang ‘yon ang worth mo.”
“But it feels like it.”
Tahimik na tumayo si Lyss at lumipat sa tabi niya. Then she gently bumped her shoulder against hers.
“You survived.”
Napapikit si Zari. “Barely.”
“Still counts.”
Muntik na siyang maiyak doon. Pero hindi puwede. Hindi dito. Hindi ngayon. Kaya ngumiti na lang siya nang pilit.
“Drama mo.”
“Sabi ng babae na mukhang sasabog emotionally.”
Bago pa siya makasagot, biglang bumukas ang pantry door. At pumasok ang isa sa accounting staff.
“Ay sorry,” awkward nitong sabi nang makitang tahimik silang dalawa. “May meeting daw sa 2 PM.”
“May bago pa bang balita?” tanong ni Lyss. “Parang meeting na lang dahilan ng existence natin.”
Natawa nang alanganin ang babae bago lumabas ulit. Pagkasara ng pinto, parehong napabuntong-hininga sina Zari at Lyss.
“See?” sabi ni Lyss. “This place is killing us.”
Tahimik na napangiti si Zari. Then after a while— “When ka magpapasa?”
“Next week.”
Mabilis siyang napatingin dito. “Final na?”
Tumango si Lyss. At kahit inaasahan na niya, masakit pa rin pala marinig.
“Kaya mo ba?” tanong niya.
“Kakayanin.”
“Hindi iyon ‘yung tinatanong ko.”
Sandaling natahimik si Lyss. Pagkatapos ay ngumiti ito. “Hindi ko alam.”
At least honest. Palaging ganoon si Lyss. Takot din. Pero gagalaw pa rin. Samantalang si Zari… takot na nga, hindi pa gumagalaw.
Maya-maya, tumayo na si Lyss at inayos ang blazer niya. “Tara na.”
“Saan?”
“Back to corporate hell.”
Napailing si Zari habang tumatayo rin. Pero bago sila tuluyang makalabas ng pantry, biglang huminto si Lyss.
“By the way,” casual nitong sabi.
“Hm?”
“Kapag yumaman ako sa AM Luxe Creation…”
Napataas ng kilay si Zari. “…bibilhin kita palabas ng RGC.”
Napatawa siya nang malakas. “Parang alipin lang?”
“You’re welcome.”
At sa unang pagkakataon matapos ang mahabang panahon… may maliit na parte kay Zari na gustong maniwala. Na baka hindi pa huli ang lahat para magsimula ulit.
· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • • · ·· · • • • ✤ • • •