CHAPTER THREE

3188 Words
CHAPTER - 3 Dahil  bihira siyang magkaroon ng bakasyon at bihira siyang nakakapunta  sa  probinsiya  ay  walang sinasayang  na oras si  Pierce sa  tuwing  pumupunta  siya sa Mt Province lalo na sa  kanilang lugar sa Bontoc. " Abah insan hindi ka ba napapagod  diyan? Hindi ka na yata nagpapahinga ah." tanong ni Alwyn  sa  pinsan niyang si Pierce  dahil napansin niya na simula dumating  ito sa Bontoc ay  hindi na  tumigil. " Alam  mo insan hindi mapapalitan  o  hindi mababayaran  ng kahit anumang material  na bagay ang  saya  ko kapag nandito ako sa  atin. And don't worry  insan  kaya nga bakasyon ko  di ba? Sama  ka?" sagot at tanong  ni Pierce. " How I wish insan pero may pasok ang mga studyante. Saan  ba ang routa  mo ngayon?" saad ni Alwyn. " Oo nga ano? Well as you've  said mamasyal na naman ako. I'm  going to visit my friend sayang hindi  ka makakasama eh but don't  worry  baka sa Baguio kay pareng  Craig  makakasama  ka. So mauna  na ako insan and have a good day." nakangiting sagot ni Pierce. " As you does insan take care lalo na sa pagmamaneho mo." sagot ni Alwyn. They all know Pierce  Wesley  when it comes  to wheel. Kung  best of friends ang daddy Wayne  nito at ang papa Dos nila, sina CM at Pierce naman ang  pinaka-kaskasera sa kanilang  magpipinsan. " Thanks insan." very lively na sagot ng binata  saka tuluyang umalis. After few minutes dahil sa likas na mabilis  siyang magmaneho ay hindi  nagtagal ay nasa harapan  na siya ng Arellano Building kung saan naroon ang taong kanyang dadalawin. " Good morning sir. Tuloy  po kayo  nasa loob  na si  sir Darrell." salubong sa kanya ng pang-umagang guwardiya. " Guwapo ka pa sa umaga kuya. Salamat  at naaalala mo pa ako." masayang tugon ng binata. " Oo naman sir ikaw pa ba ang makakalimutan ko? Hindi ah. Sige sir alam ko namang bihira ka  lang dumalaw  dito  kaya puntahan mo na si sir Darrell. " nahawa  na rin yata ito sa pagiging  masayahin ng kausap. Hindi  na sumagot  si  Pierce bagkus ay ipinagpatuloy  ang pagbisita sa matalik na kaibigan. Pero nasa labas  pa lamang siya ay  dinig na niya ang pagmumura nito. " Mukhang badtrip ang loko ah." bulong ng binata saka akmang kakatok pero hindi na niya itinuloy ang  pagkatok dahil nakabukas naman ito ng bahagya kaya naman pumasok na lamang siya saka  nagwika. " Tsk! Tsk! Tsk! Early in the morning your coursing? What's the matter with you dude?" tanong ng kaibigan niyang sira ulo at pinakamainitin ang ulo sa kanilang  magkakaibigan. " Abrasado! What the hell your doing here?" simangot na aniya nito sa kanya. Hindi man siya nito lingunin pero sa boses pa lang ay kilalang kilala na siya nito. Distances and time is not  the hindrance for them or to their friendship. Magkakaiba  man silang tatlo sa napiling bokasyon ay hindi naging hadlang iyun para sa kumunikasyon nilang tatlo. Siya  bilang  alagad ng batas,  Nathaniel Craig as architects,  at si Darrell  bilang negosyante. " Grabe ka naman kapatid maka Abrasado what the hell your doing here ka wagas. Barilin kaya kita ngayon din?" biro ng binata  dito pero his purpose  is to  make life easier lalo at parang pasan pa nito ang  mundo. " Subukan mo at hindi ka na makakalabas sa building na ito na buhay. Ipapadala na kita sa Maynila na nakakahon." paismid na tugon nito sa kanya. " Grabe ka naman buddy kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Tsk! Ano ba kasi ang problema mo at kay aga agang badtrip ka." aniya ni Pierce at pasalampak na naupo sa lamesa ng kaibigan. " Sana nga nandito si NC I'm sure mapapalo ka noon. Lamesa--- " Lamesa iyan at hindi upuan. Tama ba? Hindi ka na yata nagtratrabaho  Abrasado nandito ka lang noong isang linggo tapos  nandito ka na naman?" nakangiting pagtatapos at biro ni Pierce although biro lang noong isang linggo dahil  halos tatlong buwan na rin silang hindi nagkita-kitang magkakaibigan. Hindi na ito pinatulan ni Darrell dahil sa kanilang tatlo ito ang pinakamakulit at kahit dalawa silang magpapaalala dito ay wala pa rin sa kakulitan nito. Instead, ipinaliwanag na lamang niya ang dahilan ng pagkainis niya. " Kung ako sa iyo kapatid kalimutan mo na iyan. Ang mga magulang alam nila ang nakakabuti para sa mga anak. Kaya't kung ako sa iyo mag asawa ka na para malaman mo ang pakiramdam ng mga magulang mo sa ngayon. Pero bago mo pa ako pauwiin baka naman puweding kumain muna tayo 'tol alam kung hindi ka pa kumakain eh. Sa  edad mong iyan hindi ka na nasanay  pero baka naman at totoo ang sabi-sabi na inlove ka sa kapatid mo kuno." aniya ni Pierce Wesley dito sabay kindat. Kaya't ang kaninang parang pinagsukluban ng langit at lupa ay napatayo at pinagbabatukan siya. " Baliw!" tugon  ni Darrell sa kanya pero pinagtawanan lamang niya ito kaya naman wala na itong nagawa kundi ang pagbigyan siya. He and his friends knows so well kung kailan sila mananahimik at kung kailan sila  magbibiruan and most of all alam nilang tatlo kung kailan sila maghaharutan. Then..... Makaraan ng ilang sandali  nilang paghaharutan sa  loob ng opisina ng kaibigan ay naisipang  muli  ni Pierce  na tanungin ang kaibigan. " Ano ba ang dahilan mo kasi pare we are all adults now pero galit na galit ka pa rin sa  kapatid ni'yo? " out of the blue  ay  tanong ni Pierce sa kaibigan. " Huwag mo ng itanong 'tol mag-aaway lang tayo." simangot na sagot  ni Darrell. " No pare I just want to know why. Walang personalan  pare  gusto lang kitang  tulungan na kalimutan at pakawalan ang galit na naipon sa kalooban mo." aniyang muli ni Pierce. " Salamat na lang pare  pero hayaan mo na lang iyun." sagot ni Darrell. Then.... Suddenly nakaisip  ng kalokohan ang pinakamakulit sa grupo nilang tatlo. " Oh baka naman kaya ka  galit sa kanya dahil ayaw mo siyang kapatid  pero gusto mo siyang maging asawa?" mapang-asar na aniya nito. " Sira-ulo  ka talaga  Abrasado! Kung ano-ano ang naiisip mo. Paano ako magkakagusto  sa  sampid na iyun?  Ito  ang tandaan  mo hinding-hindi ako magkakasusto  sa  taong iyun." iritableng aniya ni Darrell na kulang na lang sakalin ang kaibigan. Pero pinagtawanan lang  siya  ni Pierce. " Pustahan tayo pare kakainin mo din ang salita mong iyan balang-araw kung matutupad mo  ang  salita mong iyan itataya ko ang propesyun  ko  pero kung kakainin mo ang salita mong iyan ay ----- " Ako  ang sagot sa house and lot aywhere you wanted  to  build your own home with Attorney  De Luna." pagtutol ni Darrell  sa  kaibigan. Dahilan  pare lumawag ang pagkangiti ni Pierce. " Well-well-well agree ako diyan 'pre." nakangiting aniya nito. " Iyun  ay  kung mapapaamo mo ang mala-tigreng iyun sa iyo. Wala ka  na yatang ginawa kundi ang inisin  siya sa  tuwing nagkikita kayo." bawi ni Darrell  ng makita ang ngiti sa labi ng kaibigan. Sa  narinig ay parang teenager na nagdaydream ang binatang si Pierce  lalo ng maalala ang mensahe niya dito. Totoo naman kasi matagal na siyang may gusto sa kambal ng kaibigan niya kaya lang ay mataray  pa ito sa  mga amazona  niyang pinsan kaya naman ay idinaan na lamang niya sa pang-aasar ang lahat. " Ang  ganda  niya kasi 'pre at mas lalong gumaganda  kapag nagagalit." tugon  ng binata na parang teenager na nagniningning   ang mga mata na nakatingin  kisame na pansamantalang nakaupo sa swivel chair ng kaibigan na animo'y  naghihintay  ng butiki na mahuhulog at dumiretso sa bibig este para may kahalikan. Sa  pag-iimagine ng binatang opisyal ay hindi na nito napansin ang makahulugang ngiti na sumilay  sa  labi  ng kaibigan kaya naman labis siyang nagulat ng nagsalitang  muli ang kanina'y ginulat niya. " Huli ka ngayon Abrasado. Paano  ka naging alagad  ng batas  kung magulatin ka?" halos  mamilipit  sa katatawa  na aniya nito ng  makita  ang kaibigan na nahulog sa upuan. " Sira-ulo  ka na talaga  Arellano. Ibabala na talaga kita  sa  M16 ko." tugon nito habang sapo ang balakang na nasaktan saka binato  ng folder pero nakailag ito. The result? Walang natapos na trabaho ng una dahil muling umingay ang opisina ni Darrell na akala mo lang at may nag-aaway sa loob. As the time  goes on habang sila ay nagkukuwentuhang magkaibigan, they planned  to pay a visit sa isa  pa nilang kaibigan sa Baguio at para din daw  maligawan na  ni Pierce Wesley  ang tigre este si attorney  De Luna. XD. Kinagabihan,  sa tahanan ng mga De Luna . Gabi na at tahimik na ang buong paligid,  sa hindi malamang dahilan ay  hindi dalawin ng antok ang dalaga na si Nathalie Janelle. She's  thinking about the offer of her friend in Spain. She  want a new  life kaya lang ay hindi niya alam kung paano ito sasabihin sa mga magulang lalo at  permanent  naman siya sa kanyang trabaho. " Hmmm si kambal kaya ang bulabugin ko? Tama siya na lang ang puntahan ko I'm sure hindi pa iyun tulog." bulong niya saka dali-daling tinungo ang silid-tulugan  ng kambal niya sa kabilang  kuwarto. Pero gusto niya itong  pagtawanan dahil ewan  ba  niya kung ano ang pinagkakaabalahan nito at gano'n  na lamang ang gulat ng pumasok siya na hindi man lang kumakatok. " Hoy! Kailan ka pa matakutin diyan kambal?" nakapamaywang na sabi ni Nathalie Janelle sa kambal niyang si Nathaniel Craig dahil napatalon ito ng nagsalita siya sa tabi nito. " Kambal naman eh nagulat nga ako sa iyo eh. Ikaw ba naman basta na lamang sumusulpot eh." kamot na aniya ng binata pero totoo naman kasing hindi niya namalayan ang paglapit nito kausap pa naman niya ang sketch pad niya. " Baguio to Manila hmmm malayo iyun kambal baka naman gusto mo ng madala sa Mandaluyong?" biro pa ng dalaga. " Ang sakit mo namang magsalita kambal Mandaluyong agad? Baka naman puweding nag iisip lang ng malalim kaya hindi kita napansin agad." kunwa'y may pagtatampo na sagot ng binata dito. Ang hindi alam ng dalaga ay pasimpleng ibinaba ng kambal niya ang sketch pad nito saka siya hinarap ang kambal niya. In his mind mukhang wala itong hawak na kaso kaya't siya ang napagtripang bulabugin. " Hindi puwedi kambal. Dahil may ipapagawa ako sa iyo." baliwalang tugon nito at naupo sa higaan ng kambal. " Kitam may ipapagawa ka pala eh. Anyway musta pala ang hawak mong kaso?" tugon ng binata. Umayos ito ng pagkahilata sa higaan niya at tumitig sa kisame na animo'y naghihintay na may dadaan na butiki. " Ano na kambal? Abah mukhang wala kang balak magsalita diyan ah? Kung matutulog ka lang din naman doon ka sa kuwarto mo huwag mong sabihin na makikitulog ka dito." aniya ng binata ng hindi niya ito nahintay na sumagot. " Eh ano naman ngayon kung gusto kung matulog dito bawal ba? Abah naman kambal huwag mong sabihin na ipinagbabawal mo na ngayun na makitulog ako dito. And besides di ba sabi ko may ipapagawa ako sa iyo?" tugon nito na nanatiling nakatingin sa kisame. " Ano nga iyun kambal sabihin mo na at may ginuguhit ako para sa bagong project ng kumpanya. Kahit naman sabihin kung huwag eh alam ko namang hindi uubra sa iyo." sagot ng binata. " Mabuti naman at alam mo noh! Subukan mong pagbawalan ako at ikaw ang palalayasin ko dito sa bahay. Pauuwiin kita kay lola Naty sa Ilocos." biro ng dalaga at naupo na bago humarap sa kausap. " Ganito iyan kambal. May offer sa akin ang kilalang law firm sa Spain. I'm not in after of money dahil marami naman ako niyan. Gusto kong subukan na magtrabaho sa iba at magkaroon ng boss hindi iyong ako ang boss." panimula nito. " Eh permanente naman ang trabaho mo dito kambal. Bakit kailangan mo pang lumayom tayo na nga lang ang kasama nina mommy at daddy dito ah." aniya ng binata pero kurot lang ang napala sa dito. " Patapusin mo nga muna ako Nathaniel Craig huwag kang sasabat sabat eh hindi pa ako tapos magsalita ." nguso nito na ibang iba sa attorney De Luna lalo na kapag naka full attire ito. " Eh tumigil ka na kaya. Kaya ang alam----" " Manahimik ka kambal. Kailangan ko ang isang plano para dito or should I say kailangan ko ang plano para makumbinsi ko ang nakapaligid sa akin na isa akong mahirap lamang na nagnanais umangat sa buhay." aniya nito. Ibubuka pa lamang ng binata ang labi para magsalita pero naunahan na siya nito. " Listen carefully kambal. Gusto kung mamuhay na magsimula sa walang wala --- " Makinig ka kambal. Your a lawyer and your a famous at all and besides sinung maniniwala na isa kang beggar eh makikita naman iyan sa records mo. At kung gusto mo ang mamuhay na magsimula sa walang wala huwag mong gamitin ang pagka abogada mo. And abah sosyal mo namang maging beggar kung sa Spain pa at isang famous attorney De Luna ng Pilipinas tapos maging beggar? Impossible attorney De Luna. " pamumutol ni NC sa kambal niyang daig pa ang nasa court room. Naging effective naman ang ginawa niya dahil umayos ito ng upo at parang sinasaulo ang mga binitawan niyang salita. Pero halos masamid siya sa biglang bawi nito sa sinabi. " Hmmm well tama ka naman diyan kambal. Pero you know me well ako ang taong ayaw na ayaw inaapakan lalo na kapag nasa tamang katwiran. Pero gusto ko kasing subukan ang mamuhay sa ibang bansa and try my luck how I'll manage my life independently. Alam mo naman dito at isa ka na diyan lagi kayong nakabuntot." bungisngis nito ng mapagtanto ang huling tinuran. " Grabe ka naman kambal ayaw mo no'n protective kami sa iyo. Abah baka naman kung si bunso ang makasama mo hindi uubra ang pagkaabogada mo. Pero seriously kambal ano ba kasi ang plano mo? I mean agree ako plano mong subukan ang kapalaran mo sa ibang bansa lalo at alam ko namang kaya mo pero what's the reason why your planning to be a beggar?" tanong ng binata. Isa itong abogada pero minsan lalo kapag nasa kanila o sa kanilang tahanan ang kambal niya ay nakikita mo ang angel side nito. Isang makulit, kalog, at sutil na Nathalie Janelle ang nakakasama mo hindi ang laging chin up with authoritative as well as aristocrats figure. Nangalumbaba ito sa working table ni NC at nag make face bago sumagot. " Para kang iyung huli kung kliyente kambal. Paulit ulit ang tanong mo para ka tuloy baliw at sorry pero tama naman kasi para kang eng eng paulit ulit lang. Gusto ko lang naman makalanghap ng ibang amoy nakakasawa na kasi ang amoy mo at sorry ulit pero let's say baka sa Spain ko makabanggaan ang taong magiging kahati ng puso ko." ngiting ngiti na sagot nito. " Hindi mo ba mamimiss si pareng Pierce sa  lagay  na  iyan?" biro  pa ni Nathaniel sa  kambal pero sambakol lang  na  mukha  nito ang sumalubong pero bago pa ito nakasagot o  nainis sa  kanya ng tuluyan ay  may nagsalita na sa  kanilang likuran. Ang hindi alam ng dalawa ay nakikinig pala ang kanilang mga magulang at dinig na dinig ng mga ito ang huling tinuran ng huli. " Nice conversation mga anak. Pero grabe ka naman Nathalie parang baliw na nga, parang eng eng pa. Masyado ka namang brutal sa kambal mo?" nakailing na aniya ni Dennise. " Eavesdropping iyan mommy puwedi kitang kasuhan diyan at idemanda kay daddy." pilyang aniya ni Nathalie Janelle dahilan para mapaubo ang kanilang ama. " Maawa ka naman sa mommy mo anak hindi ko rin naman ikukulong ang mommy mo bagkos ikukulong ko siya habang buhay dito sa puso ko." aniya naman ni Rey. Samantalang natahimik ang lalaki sa kambal dahil ang plano niyang pagguguhit para sa bago nilang proyekto ay naudlot na. Kung ang kambal niya ang nagdistorbo sa kanya kanina ngayun naman ay ang mga magulang nila. " Nasa tamang edad ka na anak at alam kung alam mo na kung ano ang tama o mali. Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin lalo na pagdating sa trabaho mo. Susuportahan ka namin anak sa anumang hakbang na iyong gagawin. We trust you iha so you have our blessing to go and pursue your dreams. " aniya ni Dennise Joyce. " Pero salungat ako sa sinabi mong baka doon mo makabanggaan ang magiging kapisi ng puso mo dahil abah anak your surrounded by handsome men example your twin brother friends lalo na kina Darrell at Pierce pumili ka na lang sa kanila o kaya'y sa mga binata ng papa Cyrus ninyo." panggatong at pambubuyo naman ni Rey. Kung kanina ay maaliwalas at sutil na Nathalie Janelle ang kaharap nila ay biglang naging nalukot ang mukha nito at halos puweding sabitan ng kaldero ang nguso nito kaya't nakaisip naman ng pangganti dahil sa pagkadistorbo sa gagawin ang binata ay sinakyan na lamang niya ang sinabi ng ama. " Kay buddy Pierce ka na lang kambal . Bagay na bagay kayo dahil isa kang abogada at isa namang alagad ng si buddy. Siya investigator at ikaw ang tagahatol. " ngisi na aniya ni Nathaniel Craig ng makabawi man siya  kakulitan nito. " Hmp! Diyan ka na nga lang! Nakakawalang gana kang kausap! Anong kinalaman ng unggoy na iyun dito?" lukot ang mukha na aniya ng dalaga sabay tayo at nagmartsang palabas. Pero hindi pa siya tuluyang nakalabas  ay  muling nagsalita  ang kambal niya. " Guwapo, mayaman, edukado, mabait, at higit sa lahat kilala ko ang taong iyun ano pa ba ang hanap mo?" pahabol na sabi ng binata kaya't muling lumingon ang dalaga. " Hoy Nathaniel Craig De Luna ito ang itatak mo sa iyong isipan kahit siya pa ang pinakamayaman at pinakaguwapo sa buong mundo kung para namang unggoy huwag na! Isaksak mo siya sa baga mo!" inis na aniya nito at ibinalibag ang pinto pasara. Iniwan  niya na lang nag kambal at mga magulang dahil sa inis,  ang ganda  ng usapan nila tapos isisingit pa ang unggoy na kaibigan.  Bubulong-bulong tuloy siyang  pumasok sa  kanyang room. Pero ang  hindi niya alam ay  nagpatuloy  pa ang mga magulang at kambal niya sa  pag-uusap ng iniwanan  niya ang mga ito. " Alam mo namang kinaiinisan ng kambal mo ang kaibigan mo anak pero sinutil mo pa rin ayan tuloy nag walked out na na." nakailing na aniya ni Dennise kay Nathaniel Craig. " Never mind her mom wala iyun sa kanya. Nambubulabog eh may iguguhit pa sana ako kanina kaso bigla siyang pumasok at nagdaldal dito." aniya ni NC na napakislot ng maalala ang sketch pad niya pero  hindi siya nagpahalata sa  mga magulang. " Hindi ko nga ba maintindihan kung bakit ang init ng ulo niya kay Pierce samantalang mabait naman ang taong iyun. Hay naku ang kambal mo Nathaniel anak. Anyway good night na anak mauna na kami ng mommy mo para matapos mo na ang ginagawa mo and after that matulog ka na rin. Napadaan lang kami ng mommy mo galing kami sa labas." aniya naman ng padre de pamilya na si General De Luna. " Thanks for the time daddy, mommy and good night na rin po. Matutulog na rin po ako bukas na lang po iyan." tugon ng binata. They just smiled and kissed his forhead as an answer then they left him alone in his room. He locked the door after his parents out on it saka niya dinampot ang sketch pad niya at kinausap. . . . . . . . ITUTULOY!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD