8 Kinabog ng sombi na ’to. Full tank na full tank ang trip ni ate… Kuya? Ewan ko ba rito. Ang haba haba ng mga kuko niya tas ang tutulis sa dulo. Base sa itsura ng kuko niya na medyo sira sira na, tantiya ko’y nag-ala-Gagamboy siya paakyat ng Quiapo Church. Umakyat siya tas binasag yung bintana para makapasok. Yun yung narinig namin ni Father. Over din sa lipstick ’to. Pero di ako sure kung lipstick nga ba o dugo, basta napakaperfect ng pagkakalagay sa labi niya na nagbibitak-bitak na. At eto pa… Foundation day si ate/kuya. Jusko! Dinaig pa niya ang siopao sa puti at kapal ng foundation niya. With matching eye shadow, blush on, check line pa. Complete ang mukha ni ate/kuya. Ready na um-aura hahaha. “Di normal na sombi ’to. Di ko alam ang itatawag ko sa ganitong sombi… Mag-isip ka

