Sa Mambasa Kung gusto ninyong pag-usapan ang nobelang ito sa isang book club man o sa klase, sa tahanan man o sa tambayan, baka makatulong ang mga tanong na ito sa inyong pag-unawa. 1. Gaano ba kahalaga para sa iyo na mahalin ang sariling wika? Ano ang itinuturing mong “inang wika”? 2. Sa tingin mo ba kaya mong magtagal kung sakaling mangyari man ang isang zombie apocalypse? Ano-ano ang iyong kakayahan na makakatulong sa survival mo? 3. Ano ang kailangan mo para mabuhay sa mundong gaya ng inilarawan nasa libro? 4. Sinong tauhan sa kuwento ang gusto mong makasama kung sakaling mangyari nga ang zombie apocalypse? 5. Ano ang iyong plano kung sakaling magkaroon man ng isang zombie apocalypse? Paano ito katulad ng mga natural disasters tulad ng lindol o bagyo? Paano naman ito naiiba?
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


