11 Merong mga dumadaan na anghel sa tapat namin ni Father. Pila-pila sila. Simula nung sagutan namin kanina, di kami nagsasalita. Awkward moment of silence. May narinig kaming mga naglalaglagang bato sa labas. Akala nga namin ni Father gumuguho na yung simbahan, pero pagsilip ko sa labas mukhang di nanggaling sa simbahan yung mga batong nalalaglag. May mga sombi lang siguro na naghaharutan sa taas ng condong katabi netong simbahan. Bad boy sila. Sana may dala silang foods. Nagugutom na ’ko; ubos na ang rasyon namin ni Father dito. Isa rin sa dahilan kung bakit gusto ko nang umalis kahit na mukhang pursigido si Father na manatili rito. May darating ba talaga? Di naman niya siguro hahayaan na mamatay ako rito. Ilang segundo mula nung malaglag yung mga bato, mga sombi naman ang nalagl

