PAPASOK na sana sa kusina si Sweetness nang marinig niya ang tita niya na nagsasalita. Nasa hapagkainan na si Cassie, ang pinsan niya. Siya lang naman ang sampid sa mga ito.
Anak siya ng kapatid ng tito niya na matagal nang namatay. Anak daw siya sa ibang babae kaya naman hindi pinaalam sa asawa ng kanyang totoong ama. Hindi niya alam kung may ideya na ba ang asawa ng tunay niyang ama tungkol sa kanya. Siguro meron dahil mainit ang dugo ng asawa ng ama niya sa kanya. Inaasahan na niya ang bagay na 'yon. Ngayon hindi niya alam kung nasaan ang ina o kung nabubuhay pa ba ito. Kung hinahanap ba siya o may sarili na itong pamilya.
Ang alam niya ay may kapatid siya sa ama. Dalawang lalaki pero hindi naman siya kilala kaya ayos lang sa kanya. Pinatira naman siya at binihisan ng mga magulang ni Cassie. Sobra-sobra na 'yon para sa kanya at napakagrabe naman niya kung hihiling pa siya ng iba.
Sa ngayon gagawin niya ang lahat para kahit papaano ay mabayaran niya ang paghihirap sa kanya ng tiya at tiyo.
"Ano? Mag-aapartment si Sweetness? Nahihibang na ba ang batang 'yan? Pinalamon na, binihisan, binigyan ng magandang tirahan tapos hihiling pang bumukod? Hindi ba't sobra-sobra na ang pag-aralin natin siya sa magandang paaralan? Bakit siya aalis dito?! Siguro ay may nobyo na 'yang bata na 'yan at ayaw maistorbo," mataray na sabi ng tita niya kaya natigilan siya sa pagpasok sa kusina.
Ito na naman...
Masasakit na naman na mga salita.
Sanay na sanay na siya sa tita niya. Sa kanilang dalawa ni Cassie. May pagkapanget lang talaga ang ugali ng mag-ina pero ayos lang sa kanya dahil tumitira naman siya at nakikihati sa atensyon ng mga magulang ni Cassie kaya lahat gagawin niya para talaga makabawi.
Ang tito niya lang ang kakampi niya rito sa mansyon.
"Carmela that's enough. Hindi ba't nasa tamang edad si Sweetness para tumayo sa sariling paa?" pagtatanggol ng tito niya sa kanya kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Naka-uniform na siya at mukhang male-late sila dahil hindi pa nakakaligo si Cassie.
"Bakit totoo naman ang sinasabi ko. Katulad lang siya ng Mama niya. Walang kwentang babae at malandi," mataray na sabi nito kaya inipon niya lahat ng lakas niya at pumasok sa kusina.
"Good morning po tita Carmela, tito Simon at Cassie," magalang na sabi niya at naupo na sa tabi ni Cassie na inirapan lang siya.
May pagkamataray talaga ang pinsan niya pero ayos lang dahil nakokontrol naman niya kahit papaano dahil medyo malapit sila sa isa't isa at siya lang ang nakakapagpakalma sa ugali nito.
She was tired of being hurt because she knew in her self that no one in this world would give her support and trust truly. Walang-wala at wala siyang ibang aasahan kundi ang sarili niya.
That's the trust she has to accept.
Ngayon may utang siya sa mga magulang ni Cassie pero hindi siya susuko sa pangarap niya hanggang wala siyang naibibigay na kapalit sa tumayong mga magulang niya.
"I just found a perfect condominium for you, Sweetness. Malapit lang siya sa University niyo," sabi ni tito Simon niya kaya napangiti na lang siya.
Pero hindi naman niya kailangan ng condominium dahil masyadong mahal 'yon. Gusto niya lang talaga makahinga.
Baka magkaroon ng ugat ang sama ng loob niya sa Tita Carmela niya na magiging dahilan nang hindi niya pag-usad.
"Tito apartment na lang po," sabi niya dahil kahit papaano ay may hiya naman siya.
Gusto niya lang huminga dahil sakal na sakal na siya dahil sa tita niya at kay Cassie. Gusto naman niyang maging malaya dahil ang tagal-tagal na din simula ng kinokontrol siya ng tita niya.
She wanted to somehow just relax with the hurtful words of her aunt. Gusto niya lang talagang huminga ng maayos. Kalmahin ang sarili niya dahil baka masigawan niya at may masabi siyang hindi maganda.
Umiiwas lang siya sa mas malaking problema.
"Why do you want to leave here? Ginugutom ka ba namin?" mataray na tanong ng tita niya kaya agad siyang umiling.
"Hindi po," mahinang sabi niya at napayuko.
"Didn't we give you too much just to ask for more? How dare you!" malakas ng sabi ng tita niya kaya kinabahan siya.
"That's enough, honey. Masyado nang masasama ang sinasabi mo kay Sweetness. Sobra-sobra na," may diing mga sabi ng tito niya kaya nanatili na lang siyang nakayuko habang kumakain.
"Before you ask for more from us make sure na pera mo ang ginagastos mo. Wala ka ngang perang pinapasok dito tapos gagastos ka pa!" malakas na sabi na nito.
Nagsisimula na naman ang galit ng Tita niya.
"Tama si Mommy. Ang lakas mong humiling na bumukod pero pera naman namin ang gagastusin. Hindi ko alam kung saan nanggagaling 'yang kakapalan ng pagmumukha mo, Sweetness," sabi ni Cassie at tumayo na para iwan sila.
Pinilit niyang 'wag maiyak dahil alam niyang kasalanan naman niya at tama lahat ng sinabi ng tita niya at ng pinsan.
"Do not speak, Simon. Kung ipagtatanggol mo na naman ang batang ito... 'wag ka na lang magsalita," malamig na sabi nito at tumayo at naiwan silang dalawa ng tito niya.
Kahit mabait ang tito niya hindi niya ipapakita na nasasaktan siya rito. Hindi niya hahayaan na makita nitong nahihirapan siya.
Nag-away na naman ang mag-asawa dahil sa kanya. Hindi niya alam pero ang malas-malas naman niya dahil nararanasan niya ito. Natutulog nga siya sa malambot na kama, masasarap na pagkain, malamig at mabangong kapaligiran, magarbong bahay. Nag-aaral sa magandang unibersidad pero hindi naman siya makahinga ng maayos. Isusubo palang niya ang pagkain niya may masakit ng salitang ibabato sa kanya.
Masakit at nakakababa ng pagkatao.
Magsasalita palang siya ng opinyon niya ay may bumabasag na sa mga sinasabi niya. Mas gugustuhin niyang maging mahirap na lang. Kaysa nakatira nga siya sa bahay na malaki pero pakiramdam naman niya ay nag-iisa siya at walang nagmamahal sa kanya ni isa.
Nasaan na kaya ang totoo kong Ina? Hinahanap niya kaya ako?
Napabuntong hininga siya.
"Sorry po tito. 'Wag na lang po. Ayos naman na po ako dito sa bahay," sabi niya habang nakayuko. Nakita niyang may kinuha ang Tito niya sa bulsa ng jogging pants nito.
"Sampong libo ito, anak. Hahanap sana ako ng tyempo kapag papaalis ka na pero ngayon na lang wala ang tita mo. Pagpasensiyahan mo na ang asawa ko, Sweetness. Gano'n lang 'yon pero mabait naman talaga ang Tita mo," sabi ng Tito niya kaya nagulat siya dahil sa perang binibigay nito sa kanya.
"Tito hindi ko po ito kailangan. May pera pa naman po ako," mahinaong sabu niya at hindi kinuha ang bigay nito.
"Anak alam kong hawak-hawak ng tita mo ang credit card mo. May pera man na natitira sa 'yo baka kulangin ka dahil sa mga kailangan sa university niyo," sabi nito kaya napakagat siya sa ibabang labi para pigilan ang luha.
Ang bait-bait ng tito niya. Walang araw na tinuring siya na iba ng tito niya at nagpapasalamat siya ng sobra-sobra.
Kahit papaano ay swerte pa siya dahil sa Tito niya na tinuturing siyang parang isang tunay na anak.
"Salamat po," madamdamin na sabi niya at napayuko lalo.
"Anak kita, Sweetness. It's time para magsaya ka naman. You're just 20... sa talino mo nasabayan mo pa si Cassie kahit mas matanda siya sa 'yo. Magsaya ka," nakangiting sabi nito bago tinapik ang balikat niya. "Dalian mong kunin habang hindi bumabalik ang tita mo dahil dalawa tayong malilintikan kung nagkataon."
Kaya kinuha niya agad at nilabas ang wallet na may iilang libo pa na bigay din ng tito niya.
"Salamat po tito," nakangiti niyang sabi dahil kahit papaano napagaan na naman nito ang loob niya.
"Pero totoo bang may nobyo ka na?" tanong nito kaya agad siyang napailing dahil hindi naman totoo 'yon.
Kung hindi lang din naman ang lalaking matagal na niyang nagugustuhan ang lalaking mapupunta sa kanya ay ibubuhos na lang niya ang sarili niya sa pag-aaral.
Wala sa isip niyang lumandi ng maaga hanggang hindi siya nakakapagtapos. Tsaka iisang lalaki lang ang gusto niya at malabong maging sila dahil sa pinsan niya ito may gusto.
Napakagago kasi ng tadhana kapag napaglaruan ka na.
Matagal na niyang gusto si Joshua dahil ang tali-talino nito at ang cute sa paningin niya. Talagang nakuha nito ang interes niya.
Hindi naman siya magugustuhan nito dahil hindi naman siya ang tipo nito. Ang layo-layo niya rin kay Cassie at hindi man lang siya marunong magkilay o wala siyang alam kahit na mga simpleng make up lang para ayusan ang sarili. Ang tanga-tanga niya pagdating sa pagme-make up kaya isang araw napahiya siya dahil napagtripan siya ni Cassie at ng mga kaibigan nito.
Ayos lang sa kanya. Sa ngayon naghahanap siya ng totoong kaibigan. 'Yong masasabi niyang nand'yan at handa siyang damayan sa ano mang problemang kakaharapin niya. Gusto niyang may pagbuhusan ng sama ng loob niya at masabi lahat-lahat ng sakit na kinulong niya sa puso niya ng mahaba nang panahon.
Hindi pa rin niya nilalabas at nakakapagod na.
Gusto niya 'yong hindi siya sasaksakin sa likod kung nagkataon. Ayaw na niyang magalit na naman ang tita niya dahil sa mga ginagawa niya.
"Tito wala po akong nobyo. Hindi po ako magkakanobyo hanggang hindi ako nakakapagtapos," sabi niya dito kaya napangiti ang tito niya.
"Sana ganyan mag-isip si Cassie. Ipagpatuloy mo 'yan. Lahat ng pangarap mo hanggang kaya ko, ibibigay ko sa 'yo," sabi ng tito niya kaya napangiti siya.
Minsan hiniling niyang ito na lang ang tatay niya. Ang totoo niyang ama dahil napakaperpekto nitong ama kay Cassie at sa kanya na rin. Pero kung siguro hindi namatay ang totoo niyang ama ay siguro kahit papaano ay nakabawi ito sa kanya at naibigay din ang gusto niya katulad ng tito Simon niya.
"Papasok na po ako Tito," sabi niya at tumayo na.
"Hindi ka na magpapahatid?" tanong nito kaya umiling na lang siya.
Lumabas na siya ng kusina at hindi na hinintay si Cassie dahil baka hindi sila umabot sa first subject nila ngayong umaga.
Nang makalabas na siya sa village nila at nakasakay na sa taxi ay napangiti na lang siya dahil sa hawak-hawak na panyo. Nahulog ito ni Joshue kahapon at hindi niya pa rin ito nilalabhan. Pampalakas lang ng loob.
Matagal na rin niyang minamahal si Josh. Hindi niya alam kung kailan nagsimula basta ang alam niya nagising nalang siya isang araw na mahal na niya ito.
Hindi niya nga alam kung bakit niya nasasabing mahal niya ito kahit pa wala siyang karanasan sa ganitong bagay. Wala siyang naging nobyo at wala man lang nagustuhan na ibang lalaki maliban kay Joshua.
May nagsasabi pa noon na bakla ito dahil laging kasama si Maikaela —ang kilalang mang-aagaw ng boyfriend sa University niya. Ang ganda-ganda naman kasi nito pero naiinis din siya minsan dito dahil minsan ginagamit na lang 'ata si Josh para magawan ito ng mga quiz at kung ano anong project sa university.
Laging lumiliban sa klase at nagcu-cut ng klase. Hindi niya nga alam kung bakit hindi pa rin ito napapatanggal sa university nila.
Nang makapasok na sa University ay nilabas niya ang payong na dala dahil sobrang init. Ayaw naman niyang mag-amoy pawis sa loob ng room nila at mag-amoy pawis siya dahil aircon ang mga room nila.
"Papayong miss," sabi ng isang lalaki kaya nagulat siya.
Hinawakan nito ang kamay niyang nakahawak sa payong at mas pinataas pa ang payong para makasilong ito dahil sobrang tangkad nito.
Is it true that Josh is behind me at hawak hawak ang kamay ko?
"Good morning, Sweetness," nakangiti nitong bati sa kanya kaya halos manginig ang kalamnan niya at talagang napako na siya sa kinatatayuan.
Nakasalamin ito at napakatangkad talaga. Nanuot ang mabango nitong pabango sa loob niya. Ibang-iba pala ang amoy ng panyo nito. Mas mabango ang may-ari. Parang ang sarap singhutin ang amoy niya o kaya yumakap na'lang siya dito para lang maamoy niya ang hindi masyadong matapang na amoy ng lalaking matagal ng iniirog.
Neatly colored black hair. The perfect face shape, the perfect eyes with attractive color, deep light brown. The very proud sharp nose. the redness of his lips that she wanted to kiss.
Damn!
This man is so perfect from her eyes. Hindi na 'ata 'yon magbabago.
"Hindi ba dapat naglalakad na tayo?" tanong nito kaya bigla siyang nagising sa saglit niyang pamamahinga at napayuko.
Bakit kaya kilala siya nito?!
"S-sorry," sabi niya at naglakad na kaya sumabay ito sa kanya. Ang lakas-lakas ng heartbeat niya, hindi niya alam kung paano pakakalmahin basta alam niya masayang-masaya at nagdidiwang ang puso niya dahil sa kuryenteng hatid ng paghahawak kamay nilang dalawa.
Hanggang ngayon magkahawak ang kamay nilang hawak-hawak ang payong niya. Sigurado siyang hindi na niya hahayaan na mawala ang payong niya at makikipagpatayan siya kapag may kumuhang iba sa payong niya.
Meron na siyang panyo nito. Nahawakan na nito ang payong niya at ang kamay niya!
Hindi ko babasain ang kamay ko!
Tahimik lang silang naglalakad. Parang puso niya lang ang maingay. Napalunok siya ng ilang beses. Ang swerte-swerte naman niya dahil nakatabi niya ang isang Joshua!
"Hindi mo 'ata kasamang pumasok si Cassie," biglang sabi nito kaya bigla na lang may nanampal sa kanya ng katotohanan!
Mahal nito si Cassie. Mahal nga ba o crush lang kasi aaligid-aligid si Maika dito kaya imposibleng hindi din naging ito at si Maikaela.
Wala naman siyang alam dito at kay Maika. Pasimple lang siyang nakikichismis dito.
Nag-iisang anak ni Fernando Joshua Mercadez Sr. at Felicidad Del Fuego Mercadez. Ang nag-iisang tagapagmana ng E.C Corporation and Mercadez Hardware Shop, ang kilalang nagbebenta ng mga iba't ibang gamit sa paggawa ng bahay at kung ano-ano pa kaya hindi siya nagtataka kung bakit Bachelor of Science in Architecture ang kinuha nitong kurso.
20 years old at napakatalino. Kaya din siya nagsisikap na makipagsabayan dito dahil gusto niyang mapansin siya nito at nagbabakasakali na mapunta at mabalin ang paghanga nito sa kanya.
Ang kokonte palang ng alam niya dito 'no?! Stalker din siya nito at malakas na masasabi niyang totoy-totoy at good boy ito sa University pero marami din nagkakagusto dito at may natuklasan pa siyang fan club nito kahit hindi naman ito masyadong sikat sa University.
Madaming nagkakagusto dito at marami din nababaliw. Isip bata lang kung minsan pero alam niyang nakikipagsabayan ito sa mga lalaking playboy sa kanila dahil may nakita siya sa i********: nito na nasa isang bar siya at may katabing lalaking.
Hindi niya alam pero napakalalim na tao ni Josh para sa kanya. Pakiramdam nito iba ang pinapakita nito sa University at iba din labas ng University.
Minsan sinundan niya ito at alam niyang nahalata nitong may sumusunod sa kanya kaya tinigilan niya. May album din siyang puro stolen shot niya kay Josh at mga nakaw niyang larawan sa IG account nito.
Siguro handa niyang ibenta dito lahat-lahat basta makapa-picture lang siya dito kahit isang beses lang. Sawa na din kasi siyang pagdikit-dikitin at mag-edit ng picture nila ni Josh ng magkasama.
Nakakasawa pero ang ganda naman ng kalalabasan kapag katapos niya para talaga siyang magkasama. Minsan gumawa pa siya ng dummy account para makachat ito pero hindi siya nito sine-seen kaya napakagago.
"Salamat sa payong!" nakangiti nitong sabi kaya lumabas ang napakalalim nitong dimple.
"Y-you're welcome."
Nakatitig lang siya dito kaya nautal siya pero wala na siyang pakialam basta matitigan niya lang ito ng malapitan kasi hindi niya alam kung mauulit pa ito.
"Bakit ka ba nauutal? Hindi naman ako nangangain ng tao. Ang lamig-lamig ng kamay mo," sabi nito at hinawakan pa ang kamay niya nanginginig na habang hawak ang payong niya.
Naka-pout si Josh kaya ang cute-cute nito.
Kung magkakabebe lang ako sa ganito ka-cute, Pwede bang si Josh na lang? Si Josh na lang kasi.
Gusto niyang suntukin ang ulo para magtigil sa kakalandi.
"Salamat Sweetness, ah. Pasabi na lang sa pinsan mo 'Hi'." sabi nito kaya napasimangot na lang siya at nagulat ng hilain nito ang payong niya at ito na ang nagsara. "Bakit ba parang takot na takot ka sa akin? Hindi naman ako mukhang masamang tao. Look! Ang cute ko nga 'di ba? Hmm tse," sabi nito at nagpa-cute sa kanya kaya napakagat siya sa ibabang labi dahil tila namula siya at pinigilan na mapangiti dahil sa parang batang reaksyon ni Josh.
Bakit ba kasi siya nagkagusto sa isip bata?!
"H-hindi naman ako takot," mahinang sabi niya at namula dahil nakita niyang titig na titig si Josh sa mukha niya. "B-bakit?" Baka may madumi sa mukha niya.
"Hulaan ko umagahan niyo," bilang sabi nito kaya nagtaka siya lalo't titig na titig sa kanya si Josh.. "Bacon tapos may kanin?" tanong nito habang nagpipigil ng tawa.
"H-huh?" tanong niya dito at duon na pinakawalan ni Josh ang malakas na tawa nito at napahawak pa sa tyan nito.
"You're so cute!" tumatawang sabi nito habang nakahawak pa sa t'yan nito. "May baon ka pang kanin at bacon sa mukha mo! Magugutomin ka siguro?"
Ang lakas-lakas ng tawa nito.
Nagtaka naman siya at nang maintindihan ang ibig nitong sabihin at agad niyang kinapa-kapa ang pisngi kung nasaan ang bacon at kanin. Bakit kasi hindi man lang sinabi sa kanya ni manong driver na may kanin at bacon pala sa mukha niya! Nakakahiya tulog sa lalaking mahal na mahal niya.
Akala niya gandang ganda na siya sa itsura niya. Mukha pala talaga siyang batang hindi marunong kumain at napaka-kalat.
Halos mapatalon siya sa gulat nang hawakan siya ni Josh sa mukga at tinanggal ang kanin at bacon sa mukha niya.
"Sa susunod magsalamin ka bago pumasok ah. Pasalamat ka cute din ako kaya naiintindihan kita," sabi nito habang nagpipigil pa rin na tumawa.
Pero ayos lang sa kanya dahil napatawa naman niya si Josh! Nakasama pa niya at nakausap ng matagal kahit na uutal-utal siyang magsalita.
"S-salamat."
Umutal na naman siya! Ang sarap tadtadin ng bato ang bunganga niya.
Utal nang utal!
"Sige una na akong pumasok," paalam nito at tinalikuran na siya. Doon na lumabas ang ngiting nilalabanan niya kanina pa.
Parang 'yong bigat na dala-dala niya kanina ay binura nito ng gano'n lang kabilis. Para niya itong gamot sa problema. Hindi na naman siya makakatulog mamayang gabi dahil sa nangyari ngayon
Nagmamadali siyang pumunta sa restroom ng babae dahil gusto niyang tignan ang mukha niya at nang makapasok siya at wala siyang nakitang ibang tao ay nalatili siya ng malakas at nagpapapadyak sa tiles dahil sa sarap sa pakiramdam at dahil sa kilig na nararamdaman.
"Oh, My God!" sigaw niya at napahawak sa mainit na pisngi na namumula at napatili na naman. Maghuhugas na sana siya nang maalalang hinawakan ni Josh ang kamay niya kaya dinala niya ang palad niya na hinawakan ni Joshua at inamoy ito at hinalikan.
Nagmamadali siyang nilabas ang panyo nito at inamoy. Ang bango-bango talaga ng lalaking 'yon! Ang sarap amoy-amoyin!
Kalma lang, Sweetness. Kalma lang.
"KYAAAAAAASSSSHHHHHHHHHHH!" tili na naman niya at pinaypay-paypay sa mukha niya ang panyo nito dahil sobra init at kilig na nararamdaman.
Sobra
-sobrang ang saya na nararamdaman niya ngayon. Walang makakasira no'n.
"Oh My!" sigaw niya at natigilan nang may pumasok na kababaihan kaya nagmamadali siyang ilagay lahat ng gamit niya sa bag niya at lumabas at nakangiting naglakad pabaliw sa first sub niya.
Pasimple lang siyang naglalakad.
At na-late siya.
Pero wala siyang pakialam. Masaya siya ngayon at walang makakabago no'n.