KABANATA 22 PAGKAHATID NI RIMUEL kay Allie sa condo nila ay nagpaalam siyang muli rito para puntahan ang bahay nila Elijah at Arah, he still needs to talk with his cousin. "Gan'un ba?" si Allie. "Basta huwag masyadong magpadilim, sweetheart ha?" Napangiti naman si Rimuel sa bilin na iyon ng humuhikab na niyang kasintahan. Doon na rin kasi sila nagsihapunan sa condo ni Isiah at mag-a-alas-nuwebe na ng gabi noong tinapos nila ang kanilang party. "Mm. I'll be back early. Magpapaisa pa ako mamaya," biro niya sa kasintahan kung kaya napalo siya ni Allie sa balikat. "Pilyo!" natatawang singhal ni Allie sa kaniya. "O sige na, sige na, aantayin kita ah?" Rimuel laughed before he kissed Allie goodbye. Noong nasa daan na siya ay tsaka siya nagseryoso. He texted Elijah na pupunta siya sa bahay

