KABANATA 10 MAY NGITI SA kaniyang labi habang binabaybay ni Elijah ang daan patungong studio kung saan ang fiancé niyang si Arah. May photoshoot kasi ito ngayon at tinext niya na kaniyang susunduin. Papunta siya roon, pero ang isipan ni Elijah ay naiwan pa rin sa maikling bonding nila ng doctor. Kahit anong palis niya noon ay ebedensiya ang nakangiti niyang mukha na hindi na maalis-alis sa utak niya ang momento na iyon. For the first time, Elijah felt so blissful just by having fun with a friend or should he say, future friend. Natawa siya dahil ayaw pa rin ni Isiah na maging magkaibigan sila, pero tuwang-tuwa naman ito sa panglilibre niya rito ng mga street foods. Nawala lamang si Elijah sa masayang pag-iisip nang mangibabaw ang tunog ng kaniyang cellphone. May tumatawag at alam niya

