KABANATA 40 TINANAW NI ELIJAH ang lugar kung saan namalagi si Isiah matapos siya nitong iwan noon. He decided to visit Isiah's place kung saan ito ipinanganak at lumaki. Kanina ay dumaan din siya sa sementeryo para dalawin ang mga magulang nito. "Magandang araw po sa inyo. I am Elijah Miguel Eleazar, Isiah's fiancé," ang nakangiti niyang pagpapakilala sa puntod ng mga magulang ni Isiah. Naglagay siya ng bungkos ng mga bulaklak sa puntod ng mga ito. Napangiti siya nang makita ang isa pang bungkos na natuyuan na ng bulaklak. Malakas ang kutob niya na galing iyon sa taong kaniyang minamahal. "Nagkita na po siguro kayo riyan?" Hinaplos niya ang isang patay na bulaklak na mula sa bungkos na katabi ng sa kaniya. "I hope he is happy now with you. I hope he is safe and free from

