KABANATA 5
"HA? MAG-LEAVE?" gulo na tanong ni Isiah sa kaibigang si Allie habang kapwa sila kumakain ng umagahan sa kanilang hospital canteen.
Pumasok kasi sila pareho ng maaga para mag-umagahan at makapag-usap pa kahit papaano, bago maging busy ulit. It is now 6:30 in the morning samantalang alas-otso pa ang kanilang duty.
"Mm," tatango tango na sagot ni Allie habang panay dutdot sa cellphone nito sabay ngumangatngat ng piniritong chicken legs. "Dalawang araw. I-ce-celebrate raw kasing muli ang engagement nila Captain Elijah at Miss Arah na napurnada dahil sa nakaraang insidente."
Natigilan si Isiah sa narinig sabay baba ng kaniyang paningin. Ang kaninang magana niyang pagkain ay katwang nawala. Tinusok-tusok niya ng tinidor ang balat ng piniritong manok na ayaw na ayaw niyang kainin.
"Oh... I see. Next week, huh?" tila nag-iisip niyang sabi.
"So? Sasama ka?" Allie questioned his friend at inilapag na ang hawak na cellphone, mukhang kuntento na sa naging usapan ng sinumang kausap nito kanina roon.
As much as Isiah wants to decline dahil makikita niya na naman ang kapitan, hindi maitatanggi na natetemptar din siyang mag-relax. Lalo na ngayon, kakagaling lang nila sa istress noong nakaraang trahedya. Hindi naman sa iniiwasan ni Isiah si Captain Elijah, naninimbang lang siya sa ginagawa nitong paglapit-lapit sa kaniya. Wala itong ideya sa katauhan niya, pero ang mga nakapaligid sa kaniya, mayroon. Baka ano ang isipin nila sa kanila lalo na at engage na ito. And also... he wanted to protect his heart. He doesn’t want to admit, but he might fall. Like c'mon, that's Captain Elijah Miguel Eleazar. Aside from his gorgeous looks, may ginintuan din itong puso at nakita rin mismo iyong ng dalawang mata ni Isiah.
That is why; he would always think how lucky Arah Suazon is para mabingwit ang puso ng kapitan. Wala nang pag-asa ang mumunti niyang paghanga rito, hanggang tingin na lang siya.
Yeah, I have a crush on him, ayaw ko nang itago. He shrugged off what he just thinks of.
"Well... an overnight relaxation is not bad." Ngumiti si Isiah sa kaibigan. "Okay sige, sasama ako."
Bago pa makapag-react si Allie sa sinabi na iyon ni Isiah ay may nagsalita na sa kanilang likuran.
"Then we're good."
Sabay silang lumingon at nakita ang kasintahan ni Allie na si Rimuel. May dala na itong tray ng pagkain at pagkuway, naupo sa harapan nilang dalawa. He lovingly patted Allie's head.
"Goodmorning, sweetheart," bati nito kay Allie at ang isa nama'y nangingiti, tila kinikilig kahit pa araw-araw naman silang ganiyan — walang kasawaan.
"Goodmorning," si Allie.
Isiah secretly rolled his eyes na lagi naman niyang ginagawa kapag nagiging third wheel o hangin siya sa harapan ng dalawa. When he first came here, mag-iisang taon na ang dalawang magkasintahan dito sa AGH. They were college blockmates at dala ng s****l orientation ni Isiah ay agaran niya kaagad na nabuking ang mga ito. Sa kanila rin siya unang umamin ng tunay niyang kasarian and was happy that he did. Last year sa anniversary party ng kanilang hospital ay umamin silang tatlo — na may relasiyon ang dalawa at siya ay bisexual. Kinakabahan man, they were more than relief na tinanggap sila ng lahat. Pinaalalahanan nga lang ang magsyota na mag-lie-low kapag nasa trabaho.
Isiah knows na hindi rin rainbow ang lagi ay mayroon sa relasiyon nila Allie at Rimuel, lalo na at straight itong si Rimuel at baklang tunay si Allie. Ilang beses na niyang nasaksihan at kinomfort ang kaibigan kapag may tampuhan sila ng kasintahan. Isa na roon kapag may babae na na-li-link o nirereto kay Rimuel ang mga magulang nito.
Ofcourse, Rimuel is an Eleazar at kahit sinabi na nito sa mga magulang na si Allie ang kasintahan; wala mang sinabi ang mga ito pero sa ginagawa nilang pag-arrange marriage kay Rimuel sa mga babaeng may pangalan ang mga apelyido sa lipunan, kita na nila na hindi nila lubusang tanggap si Allie para kay Rimuel. Nakita niya na mahirap kay Allie iyon, but Isiah is relief to see na pinaglalaban ito ni Rimuel at ito pa rin ang minamahal at pinipili nito. He's assured that Rimuel loves his bestfriend so much as much as Allie also does to Rimuel.
Hindi niya maiwasang mainggit minsan — kahit sa babae o lalaki, sana magkaroon din siya ng ganiyang relasiyon balang araw. Ang pag-ibig na hindi ka ipagpapalit at ikaw lang ang tanging pipiliin at mamahalin. Iyong ikaw lang, sapat na. Hindi niya lang alam kung bakit si Captain Elijah kaagad ang naisip niya.
May fiancé na iyon Isiah, umayos ka. Galit niyang sita sa kaniyang sarili. Hindi ikaw ang ipagpapalit kung sakaling mangyari man iyon, kung hindi ay si Arah and you don't want that Isiah. Dagdag isip niya pa.
"Sweetheart, saan nga ulit gaganapin ang second party nila Capt. Elijah at Miss Arah?" he heard Allie questioned Rimuel.
Lumunok muna si Rimuel sa kinakain bago sumagot, "Sa Hacienda namin sa probinsiya."
Nagkatinginan sila Allie at Isiah sa narinig — both was astonished. Ofcourse, Eleazar sila. Bakit nga ba hindi sila magkakaroon ng hacienda?
"Ay, bakit ngayon ko lang nalaman 'yan ha?" taas kilay na sabi ni Allie kay Rimuel, kung kaya ay napailing kaagad si Isiah. Panigurado kasi away na naman ito.
"Sweetheart, matagal na kasi kaming hindi napunta roon dahil sobrang mga busy na," paglalambing ni Rimuel sa kasintahan. "That Hacienda is owned by our late grandparents at noong maliit kaming magpipinsan ay lagi kaming naroon. Ngayong, may mga trabaho na kami — kapag may okasiyon or magbabakasiyon na lang kaming magpapamilya napupunta roon. May caretaker naman kami para alagaan ang hacienda at ang farm nila Lolo at Lola roon."
Napa 'oh' siya sa narinig sabay tango. Kunsabagay, kapag talaga wala ka nang oras sa isang bagay, minsan ay nawawaglit na iyon sa iyong isipan. Kung kaya siguro hindi na nabanggit pa ni Rimuel ang tungkol doon kay Allie.
"I see..." si Allie.”Excited na akong makapunta roon! I am looking forward," he beamed sabay lingon kay Isiah.
Kahit siya rin naman, hindi na makapaghintay.
"IS EVERYONE HERE?" tanong ni Elijah sa kaniyang mga kasamahan — Saturday morning.
Ngayong araw na ang second party na plinano nila ng kaniyang fiancé na si Arah na naudlot noong nakaraan. It will be for the whole weekend at doon sila lahat manunuluyan at mag-ce-celebrate sa hacienda ng mga Eleazar.
Arah's co-model friends are now present maging ang kaniyang Alpha Team, naandito na rin. Maging ang kaniyang mga pinsan, pero may isa pa sa kaniyang pinsan ang wala — it's Rimuel.
Tatawagan na sana ito ni Elijah nang may pumalinlang na busina sa kung saan at nang malingunan ay nakita na niya ang kotse ng pinsan. Binaba nito ang salaming bintana sa driver's seat at agaran na bumati sa lahat. Lumapit si Elijah doon para bumati. Nakita niya kaagad ang katabi nito na si Allie, kung kaya mabilis na hinanap ng kaniyang mga mata kung may naka-upo ba sa back seat at nangunot ang noo nang makitang wala.
"He's not here?" wala sa sarili at ang unang mga salita na lumabas mula sa bibig ni Elijah.
Natigilan sila Rimuel at Allie at sabay na lumingon sa likuran ng kotse.
"Isiah, hanap ka ng pinsan ko," natatawang sabi ni Rimuel kay Isiah na noon ay nakasiksik pala sa gilid ng kotse.
Kumunot ang noo ni Isiah at bahagyang tinunghay ang ulo nito. Nagtagpo ang kanilang mga mata ni Elijah na kaagad nagbigay ngiti sa labi ng kapitan.
"Good!" Elijah beamed at tinapik ng dalawang beses ang bubungan ng kotse ni Rimuel. "We're good to go."
Umalis si Elijah para sabihin sa lahat na pwede na sila maka-alis, sabay punta nila sa kaniya-kaniyang mga kotse.
Napailing si Rimuel sa pinsan dahil hindi manlang siya nag-goodmorning sa kanila, lumapit lang para tignan kung sumama nga si Isiah.
First offence, cous. Ani Rimuel sa isipan.
"Problema n'un," kunot noong kumento ni Isiah.
"Obvious friend, hinanap ka ni Captain. Yiiieehh...." tukso ni Allie sa kaibigan kung kaya nakatanggap ito ng masamang tingin kay Isiah at sita kay Rimuel.
"He just want to be friends with you, Isiah," ani Rimuel sa rito sa may seryosong tingin.
Tumingin si Isiah sa labas ng kotse kung saan makikita sila Elijah at Arah na magkahawak kamay patungo sa kotse ng kapitan.
"I won't accept his friendship," sa mababang boses ay sabi ni Isiah na ikinatahimik ng dalawa sa harapan.
Samantala, naging sobrang good mood naman si Elijah. He's sure that this party will be more amazing kaysa sa nauna. Simple man, mas maganda naman dahil naandito lahat ang mga taong inaasahan niyang makita at makapunta.
"I can't wait, baby!" masayang sabi ni Arah habang inaayos ang seatbelt nito pagkaupo sa kotse ng kasintahang kapitan.
Elijah looked at his girl at pagkatapos ay lumapit dito para masuyo itong halikan.
"Me too, baby. I can't wait to eat you there," pilyong sabi ni Elijah na kinalaki ng mga mata ni Arah.
Pinalo siya ng babae sa balikat kung kaya natawa ang kapitan.
"Ikaw talaga ang adik mo! Stop that ah, pinagbigyan na kita ng dalawang rounds kaninang umaga," ani Arah sa namumulang mukha.
"But it's not enough," si Elijah at tinignan ang labi ng kasintahan gamit ang malamlam na mga mata. "I can't get enough of you, baby."
Tinawa na lang ni Arah ang kilig sa sinabi ng fiancé. Elijah really is the sweetest man she've knowned, kung kaya sobrang nahulog siya rito.
"I love you too," ani ni Arah. "Mag-drive ka na captain at tayo na lang ang naandito."
"Hindi talaga pwede maka-isa rito ngayon, baby? I miss our car s*x," taas baba ang kilay na tukso muli ni Elijah kay Arah.
Yes ofcourse, car s*x. Ilang beses na nga ba nila nabinyagan ni Elijah ang kotse ng kapitan? Saksi ang kotse na ito sa kahayukan at kalibugan nilang dalawa.
"Isa Elijah, ha?" natatawa pero nagbabanta na sabi ni Arah. "Enough and drive."
Tumawa si Elijah at kapagkuway, binuhay na ang kaniyang sasakiyan. Natanawan pa ng kapitan ang kotse ng pinsang si Rimuel sa kanilang harapan at noo'y kakaalis lang din pala. Natuon ang kaniyang paningin sa likurang bahagi ng sasakiyan kung saan sa likuran ng salaming harang ay nandoon at naka-upo si Isiah. Mas gumanda ang pagkakangiti ni Elijah.
No doubt. Good mood nga siya and he can really feel that this celebration will be more exciting than he expected.