Chapter 72

2089 Words

Wala kaming imik ni Dia matapos ang maiksi naming pag-uusap o pagtatalo na ‘yon. Habang nakatingin ako sa labas, pamilyar na ako sa pupuntahan namin. Hindi nga ako nagkamali nang makita ko na ang malaking gate ng Accardi mansion at kusa yong bumukas at pumasok kami. Nang tumigil ang sasakyan sa harap ng mansion, agad na akong bumaba at hindi na hinintay na may magbukas pa ng pinto sa akin. Pero hindi ako pumasok sa bahay at pinauna ko si Dia tapos ay sumunod ako sa kanya. Nakita ko doon si Elio at may benda na ang kanyang braso kung saan siya natamaan ng bala. Ngumiti siya sa akin at nagpasalamat dahil tinulungan ko siya. Nagulat ako nang biglang hinawakan ni Di ang aking kamay at hinila niya ako sa taas. Dinala niya ako sa kanyang kwarto pinasok ako doon at sinara niya ang pinto. Aawayin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD