A few days later… Maraming nangyari matapos dumating ang babaeng pakakasalan sana ni Nilakus sa America. Matapos niya akong puntahan ng hapon na ‘yon sa aking condo unit, sinabi niya sa akin ang lahat ng napag-usapan nila ng kanilang ama. Dahil sa nangyari sa kapatid niya, wala na itong aasahan pa kundi siya lang dahil siya rin naman natitirang anak nito. I was not surprised ng sinabi niya sa akin na babalik siya sa Amerika para asikasuhin ang mga naiwan na businesses ng kanyang kapatid. He’s not dead though at umaasa pa rin sila ng kanyang pamilya na magigising ito at makaka-recover. So for the past few days, busy siya sa BookGeek at kung sino ang itatalaga niyang in charge muna habang wala siya. Wala akong ginawa ng mga araw na ‘yon kundi maging abala sa aking pagsusulat at sa pag-aas

