Neesha’s POV Hindi ko na hinintay na pagbuksan ng pinto ng tauhan ni Dia at agad akong bumaba sa kanyang magara na sasakyan. Wala siyang imik habang nasa sasakyan kami at hindi rin siya nagpaliwanag kung bakit wala siya sa kanyang sarili ngayon. He seems really distracted at parang hindi niya ako nakikita. Ilang beses ko siyang tinanong kung anong problema niya, pero wala lang ang sinasagot niya. Tapos kanina, bigla niya na lang akong iniwan sa table namin at makikita ko na lang siya sa labas ng restroom ng mga babae! What’s worst ay lumabas mula roon ang aking kapatid and she looks like she’s keeping a big secret. I want to wipe that smirk off her ugly face. Gusto ko siyang sugurin at sabunutan! Ano ba naman kasi ang ginagawa nito sa lugar na ‘yon! Sinundan ba ako nito para inisin?! Pa

