Sa bagong plano na nilatag namin ni Nik, agad kong kinausap si Pamela at alamin kung saan lugar nagpupunta si Neesha, kasama man o hindi ang kanyang boyfriend na si Dia. Nag-install ulit ako ng social media app sa aking phone as per advice ng aking editor. Advantage rin naman sa akin para makapag-interact ako at maka-promote ng aking gawa. Isa pa, way ko rin ito para ma-stalk ang aking stepsister para malaman ko kung anong ginagawa niya. Hindi ko alam kung sinabi ni Ansel ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa, pero buti na lang at lagi kong dala ang dagger na binigay sa akin ni Dia. Kumusta na kaya siya? Magaling na kaya ang kanyang sugat? Hindi ko pa rin makalimutan ang panaginip ko kung saan kasama ko siya at hindi na naulit pa ang dream na 'yon. Hindi ko alam kung bakit umaasa pa ak

