"Ano sa tingin n'yo ang pinag gagawa n'yong dalawa ha!" Galit na sigaw ni Gabriel sa dalawang lalaki na nakatayo sa harapan habang naka halukipkip si Arabella na nakatingin sa dalawa. Nagkataon na kadadarating n'ya sa site ng makitang nag bubogbugan ang dalawa na hinayaan lang n'ya tutal ang utos ng magaling n'yang pamangkin wala daw aawat ang umawat daw sesante. Natural sino aawat sa takot na masesante. Kung hindi pa dumating si Zamae malamang may isa sana sa dalawa ang nasa hospital ngayon sayang. She heard na umaga pa lang daw mainit na ang ulo ni Jansen at lahat ng mga tauhan nila pinag-iinitan nito hanggang si Rex na ang pinag abutan ng pag siklab nito na si Zamae pala ang pinag mulan ng away ng mga dalawa. "Itanong mo Kuya kung sino ang pinag awayan nila." ani Ara. "Jansen." "

