"Hindi!" matigas na tutol ni Reid sa sinabi ng asawa. "Wala tayong choice baka kaya ibinalik sa atin ng langit ang anak natin ay dahil alam ng langit na kailangan natin ng sagot sa mga problema natin." ani Dorothe. "At si Zamae ang naisip mong sagot, baka na lilimutan mo ikaw ang naka wala kay Zamae noon. Tapos bigla malalaman ko nasa poder s'ya ng dati natin katulong. Na sila pala ang tumangay sa anak ko? Dorothe naman." galit na angil ni Reid habang nakatingin sa asawa sa loob ng office. Matagal ng nalulugi ang kumpanya nila at kung 'di lang dahil sa Montenegro steel baka matagal ng na bankrupt ang negosyo ng pamilya nila. "At anong gusto mo hayaan ko lang na nag sleepover ang anak ko sa bahay ng isang lalaki. Sa tingin mo kapag nag sama ang isang lalaki at babae sa iisang bubong mag

