'Paano ka na punta sa ilalim ng kama? At anong ginagawa mo dito sa pad ko." inis na tanong ni Jansen sa kapatid na hindi maipinta ang mukha na naka upo sa sofa sa labas ng kuwarto. "Nataranta ako kanina ng dumating kayong dalawa gusto ko sana pigilan kayo kaso parang ako pa ang nahiya sa mga pinag gagawa n'yo. Kung nag bukas ka lang sana ng ilaw wala sanang problema, akala ko sa sofa kayo gagawa ng milagro kaya todo gapang ako papasok ng kuwarto. Mahihiya sa akin si Jupiter kung nakita n'ya ako kung gaano ako kagaling na gumapang, mahihiya sa akin ang training n'ya sa police academy." inis naman na nadampot ni Jansen ang throw pillow at pinag hahampas kay Trigger. "Sa dami mong pag tataguan sa kuwarto ka pa talaga pumunta gago ka ba?" "Nataranta na nga ako, ikaw kaya ang nasa lugar ko.

