"S'ya ba yun?" bulong ng kaibigan na mabilis na siniko ni Jordan habang naka simangot na nakatingin kay Jansen na akala mo e inspector kung maka libot sa loob ng apartment na inuupahan nila ni Harriet, kasama pa sila ang dalawa pa nilang baklang kaibigan na si Gwen at Zelda na nakapasok na sa trabaho kaya si Harriet na lang ang kasama nya. "Malaki ba ang kargada n'yan?" bulong pa ni Harriet na kinurot n'ya sa tagiliran. "Hindi ba ang sikip naman para sa apat na tao ang apartment n'yo?" tanong ni Jansen. "Masikip dahil pumasok ka pa." natawa naman si Jansen na humalukipkip. "Bakit parang ang init ng dugo mo sa akin? Parang baliktad yata diba dapat ako ang galit sa'yo?" "Umuwi ka na pagod na ako." "Mag-impake ka na uuwi na tayo. No, offense pero ang pangit ng apartment n'yo ayoko na d

