Kunot ang noo ni Jordan na napapatingin sa mga empleyado na kanya-kanyang kilig at ngiti na sinasabayan pa ng impit na tili habang may pinapanood sa cellphone. "Grabe, nakakakilig naman si Sir Jan, bakit kaya bigla naka public ang tikt*k account n'ya. Parang hindi s'ya si Sir Jan natin na masungit." wika ng isang empleyado. "Kagabi ko pa nga ito pinapanood hindi ako nag sasawa na panoodin ang mga upload n'ya grabe." kinikilig na komento naman ng isa. Nag kunwari naman s'yang tuloy lang naman s'ya ng pag rereply ng tissue sa rack. "Patingin nga bakit hindi ko nakita yan? Si Cloud kasi talaga ang bet ko sa kanilang lahat patingin nga n'yan." "Search mo na lang pangalan n'ya sa tikt*k." wika naman ng isa na ginawa naman ng isang babaeng empleyada. "Ang hirap mag panggap na hindi kita na

