"Test mic!" wika pa ni Jansen ng paluin ang mic ng mag puwestuhan sila sa likod ng mga music instrument ng pa live band na kinuha ng parents nila para sa birthday nilang mag kakapatid, ngunit nag request ang crowd ng isang intermission number galing sa kanilang mag kakapatid. Na agad naman nilang pina-unlakan at pasimple na lang n'yang kinausap ang 4 kasama si Cloud na s'ya na muna ang mag lelead ng band since balak talaga n'yang mag propose ng maayos sa asawa sa harapan ng maraming tao. Wala na s'yang balak na itago si Zamae, kung kailangan n'yang patawarin ang buong pamilya nito para lang maging maligaya na silang dalawa tatanggapin na n'ya. Siguro mapapatawad n'ya ang mga ito pero hindi n'ya magagawang makalimutan na naging bahagi ang mga ito ng mapait na alala para sa kanila ni Jorda

