"Since encoder ka ng Montenegro Steel alam mo na ba lahat ng ino-order nila sa ating mga materyales?" tanong ng Kuya Ziggy n'ya ng isama s'ya nito sa office para mag training sa utos na din ng mga magulang n'ya dahil naki-usap s'ya sa mga ito na gusto n'yang mag trabaho. Pumayag naman ang mga ito kaya ipinasama s'ya ng mga ito sa Kuya n'ya sa kumpanya nito. "Hindi lahat sa atin ino-order yung iba lang dahil meron din silang sariling mga manufacturer yung mga wala lang sa kanila ang kinukuha nila sa akin." inabot ni Ziggy ang isang folder at inabot sa kapatid para ipakita ang list ng mga materyales na madalas na kunin sa kanila ng Montenegro Steel. "Bitumen, binding wires, aggregates, timber, Lime, some pipes, granite, gypsum board and asphalt and many more ilan lang yan sa mga madalas ni

