“Hindi pa tapos ang bahay at may mga kailangan pang ayusin pero pwede tayong manatili rito ngayong weekend.” Niyakap ako ni Hati mula sa likod. Nakatingin lamang naman ako sa bahay. Gustong-gusto kong magsaya pero ang bigat-bigat ng nararamdaman ko. “Tara na sa loob?” Hinila ako ni Hati para makapasok na kaming dalawa. Exterior pa lamang ng bahay ay maganda na. I’m sure, mas maganda sa loob. Hindi nga ako nagkamali dahil pagpasok namin sa bahay ay mas lalo akong namangha. Halatang mamahalin ang mga muwebles, may engrandeng hagdanan, ang tanggapan ay may malaking chandelier. Ang hirap i-explain basta maganda! Pakiramdam ko nasa isang bahay ako sa Beverly Hills kahit hindi pa ako nakakapunta roon. Alam ko lang na mayayaman ang nakatira roon, eh. Ang bahay na gusto ko lamang buuin noon

