Kinuha ko ang mga gamit ko sa hotel room ni Hati at nagtungo sa kabilang kwartong pina-reserved ni Sir Avion para sa akin. Sa ngayon, hindi ko na ata talaga kayang maatim ang presensya ng lalaking nagsinungaling sa akin. I know I should’ve listen to him first pero anong magagawa ko kung pinapangunahan ako ng sakit na nararamdaman ko ngayon? Kaagad kong isinalpak ang aking sarili sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Nanghihina ang aking buong katawan na maging ang umiyak pang muli ay hindi ko na kayang gawin. Gusto ko na lamang matulog at isipin na panaginip lang ang lahat ng ito. How can a person who gives you so much happiness is the same person who will hurt you like this? Kahit papaano ay nakalaya ako sa sakit at bigat ng pakiramdam nang mapaidlip ako. Sana parati na lamang ganoo

