Nailigtas namin si Silas pero nabaril si Hyacinth. Ayoko man sanang isipin pero malakas ang kutob ko na may kinalaman na naman si Atlas dito. It wasn’t an accident. Intensyon ang pagbaril kay Hyacinth at hindi ko man nakita kung sino iyon, alam ko at may kutob na kaagad kung sino ang nasa likod ng lahat. “Ako na ang bahalang magsabi kay Silas ng lahat, Hati.” Iyan ang sabi sa akin ni Zavian nang tangkain kong kausapin si Silas tungkol sa mga bagay na napansin ko sa nangyari. “I don’t trust you, Zavian,” wala sa sariling sambit ko sa kanya at pinanliitan siya ng mata. Alam ko na may kinalaman si Averie bakit nasira ang plano namin pero…bakit ba ayaw akong hayaan ni Zavian na patayin na lamang si Atlas? Tumingin sa akin si Zavian. Ang mukha niya ay wala pa ring emosyon. Damn this guy! Kah

