CHAPTER 14 : C O M F O R T

2464 Words
ZEIN LIANA MARTINEZ POV - M a l l "Liana?" "P-po?" Nauutal kong sagot kay mama dahil kanina pa ako tulala at di ko alam kung bakit. Nasa hapag kainan kami nila mama at daddy dahil maaga kami aalis ngayon para tignan ang mall na binili nila daddy at mr alcantara. Sinabi ko naman na kay daddy na ayoko sumama pero pinilit parin nya ako. Pag tapos namin kumain ay sumakay na kami sa sasakyan at pumunta sa mall of san Fernando para tignan ang mall. Pag kakita ko palang sa labas ay marami ng tao at may malaking ribbon ang pinaka entrance ng mall. Pag baba ni daddy at mama ay inilalayan na nila ako at pumunta naman kami agad sa loob ng mall. Habang palinga linga ay nakita ko naman sila mr alcantara na may kinakausap na mukang abogado at sa likod nito ay si kaiden. Di ko sya tinignan at dumikit lang ako kay mama. Nabuburyo ako kaya naman umupo muna ako saglit sa gilid at inantay nalang sila daddy. Nag open ako saglit ng social media ko at tinignan ang page ng school namin at sapo sapo ko nanaman ang ulo ko dahil sa dami ng mga boto sakin. Hindi ko naman alam kung sino ang mga nakaisip na iboto ako dahil hindi naman ako kilala sa school at isa pa marami panga ang naiinis sakin. "Bored?" Biglang tanong ng lalaki sa tabi at nang lingunin ko ito ay si kaiden na naka cross arm at naka shdes na black. "Yes." Saad ko. "Would you like to come with me?" para saan? e hindi naman kami close. "Are we close mr alcantara?" Pag susungit ko at tinarayan sya. Tinawag naman ako ni mama at tumayo na para puntahan sila ganon din si kaiden. Nang matapos na ang opening ng mall at makita nila daddy ang buong floor at umuwi narin kami ang umakyat agad ako sa taas para humiga. Sabado ngayon at walang pasok, gusto ko sana lumabas pero wala naman nag aaya. Nahihiya naman akk ayain sila julia dahil baka busy sila sa homeschool nila or family. Habang naka higa ako ay may narinig akong lagapok at pinuntahan agad yon kung saan. Dinala ako ng mga paa ko sa kwarto nila daddy at nang papasok na ako ay narinig kong umiiyak si mama kaya sinilip ko muna sila at pinakinggan. "Bakit mo inilihim sakin to? bakit mo nagawa sakin to!!" Naiiyak na wika ni mama. Hindi ko alam ang pinag uusapan nila pero kinakabahan ako at ramdam ko ang sakit. "Sasabihin ko rin naman talaga iyon sayo pero nag aalangan ako, ayokong masaktan kayo ni liana." Paliwanag kay mama ni daddy. "Hindi masaktan? niloko moko!! pinag taksilan nyoko!" Sigaw ni mama pinag taksilan? Gusto kong puntahan sila at itanong kung ano ang nangyayari pero pinakinggan ko lang sila. "Patawarin moko, hindi pa naman ako sigurado kung sa akin ang batang yon." Hindi ko alam kung anong gagawin at iisipin ko pero nakaramdam ako ng kirot. "Bakit hindi mo sinabi sakin na may relasyon kayo ng babae na yon? kaya ba nagagawa mo na akong saktan?!" "Hindi ko sya mahal, hindi ko rin alam na may nangyari sa amin maniwala ka." "Kapag nag bunga ang pag tataksil mo ay hinding hindi kita mapapatawad at ilalayo ko sayo si liana!!" Hindi ko na mapigilan ang gustong kumawala na sakit na nararamdaman ko dahil sa mga narinig ko kaya tumakbo ako papunta sa kwarto ko at doon pinag patuloy ang iyak hanggang sa naka tulog ako. ... Nagising ako dahil sa sakit na naramdaman ko mula sa tiyan ko, tinignan ko ang alarm clock at 6:40pm na pala. nakatulog lang pala ako sa pagod at hindi ko iniisip na totooo ang napanaginipan ko. tama, panaginip lang yon at hindi yon magagawa ni daddy. May plano pa sila kanina na kumain ng dinner sa floating boat dahil sa mall na successful na ayos nila daddy. Nag ayos ako ng saliri ko at nag suot ng skirt na navy blue at croptop na black, pinaresan ko rin ito ng boots na black at kinuha ang shoulder bag ko. Pag punta ko sa kwarto nila mama para puntahan sya kung naka pag ayos na ay nakita kong naka higa pa si mama at hindi pa naka ayos. "Ma? anong oras na, diba daddy are planing to have a dinner sa boat? di kaba sasama?" Saad ko at nilapitan sya. napahinto ako ng makita syang tulala at magang maga ang mata. no, hindi yon totoo. "Ma?" "Ang daddy mo liana." no please ma stop... "Asan po? nakapag ayos na po ba sya? nau-" "Niloko ako ng daddy mo.." Tulalang saad ni mama kaya bigla nalang kumirot ang dibdib ko at nag simula ng tumulo ang mga luha na nasa mata ko. "No ma, hindi yan totoo at mahal na mahal tayo ni daddy diba?" Naiiyak ko nang sabi at nararamdaman ang manginginig ng tuhod ko. Hinalikan ko si mama sa noo at bumaba para hanapin si daddy at sabihing hindi totoo ang sinasabi ni mama. Nakita ko si daddy na umiinom sa dining table kaya pumunta ako at tinanong sya. "D-dad totoo ba? totoo ba yung mga nariinig ko kanina?" Naiiyak na tanong ko kay daddy at tulala lang sya sa sakin. Hinawakan nya ang pisngi ko at animoy nakangiti na paiyak na. "Ang ganda ganda mo anak ko, sa susunod na taon ay dalaga kana." malungkot na sabi nya hanang naka ngiti sa akin "Daddy mali si mama diba po? hindi naman totoo yun diba? mahal na mahal mo kami diba?" Kumbinsi ko sa sarili na tinatanong sa kanya. ansakit sakit dahil kahit hindi sabihin ni daddy ay halata ko sa mga mata nya na totoo lahat yon. "Daddy please tell me, ple-" "Im sorry anak, nag kamali ako hindi ko ginust-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin nya at dali dali akong lumabas ng bahay at tumabo palabas ng gate. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon at hindi ko inaakala na magagawa samin yon ni daddy. Mahal na mahal nya kami ni mama at ramdam namin yon pero hindi ko kayang maramdaman ang pagtataksil. Nag abang ako ng taxi at pag sakay ay tinext ko sila julia kung pwede ba kaming lumabas pero timanggi ito dahil nasa dinner date daw sila ng family nya gayon din sila ayesha at patricia. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at anong gagawin ko kaya nag pa baba ako sa park. Pag baba ko ay nag lakad lakad lang ako habang tulala dahil iniisip ko ang sakit at dinadamdam ang sobrang sakit na pinaramdam ni daddy. Di ko na malayan na nasa harap na ako ng jibs bar. Bata palang ako, 17 palang ako kaya alam kong hindi ako papapasukin kaya humarap ako sa guard at tinignan ang mga maya sya sabay flip ng mga daliri ko. Agad naman syang gumilid at pinadaan ako. Inaral ko na to palagi ang pag hypnotize sa tao pero bihira ko lang gagamitin dahil alam ko namang panloloko ito. Pag pasok sa bar ay hindi ko magawang mamangha sa mga nakikita ko dahil tulala lang akong pumunta sa table na harap ang mga bartender. umupo ako sa stool chair at humingi ng isang tequila. Narinig ko na to minsan kila julia na natikman nila kaya ito nalang ang hiningi ko sa bartender. Hindi ko parin talaga maisip at matanggap ang ginawa ni daddy kaya ako ngayon andito. Naka ilang lagok na ako ng tequila na may lemmon pero parang ayaw parin mawala ng sakit. "Maam lasing na po kayo, isa paba?" Tanong ng bartender na nasa harap ko. "Yes please, i need more." Malungkot na sabi ko at inom lang ng inom. - KAIDEN ALCANTARA POV. - D r u n k "Cheers!!" Sigaw nila sean habang umiinom. Naka upo naman ako sa sofa at paminsan minsan lang kumalagok ng alak dahil wala ako sa mood mag saya. Lumapit naman si sean sa akin at inakbayan ako. "Bored? otw na yung girls HSHAH!!" "Fvck off sean! uuwian talaga kita." Inis kong sabi. "Cmon kai, ngayon lang naman to e just enjoy it!" Wika nya at bumalik na kila jerome na sumasayaw. Tumayo naman ako agad para mag order ng the bar dahil ayoko ng lasa ng pinainom sakin ni sean. Pag punta ko sa table ng bartender ay narinig ko ang isang lalaki na kinulit at babae. "Lets just chill, mukang mag isa ka e" "Sino kaba huh? kanina kapa dada ng dada." Tila pamilyar na boses na sabi ng babae kay pinakinggan ko ulit ito. "Arte mo ah! muka ka palang bata e! pano ka nakapasok dito? ako mag lalabas sayo tara!" Sigaw ng lalaki at akmang hihilahin sya ng magsalita ulit ang babae. "Dont you dare touch me!" Sigaw nito at mapag tanto kung sino sya. zein. Pumunta ako sa kinaroroonan nya at tinabihan sya. "Whats happening here?" Saad ko at nakita ko naman yung lalaki na halatang mukang nagulat. "Sino kaba ha? i uuwi ko lang ang anak ko." Halatang pag sisinungaling nya. "Excuse me! gwapo ang daddy ko not like you!" sigaw ni zein kaya naman hinila sya ng lalaki at dumaing naman si zein. shit "Bitawan mo sya o i will call a police?" Binitawan naman nya si zein at tumakbo na. Tumabi ako sa upuan na stool chair ni zein at kinuha ang iinumin nyana sanang tequila at ininom ko yon bago nag salita sakanya. "How old are you? bat andito ka?" Seryosong tanong ko. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pamamaga nito. "None of your business." Wika nya at sinipsip ang lemon. Bigla naman syang napa igtad ng may tumawag sa cellophane nya at sinagot ito. "No dad, hindi ako uuwi hanggat hindi mo sinasabi sakin na hindi yon totoo." Naiiyak na sabi ni zein mula sa telepono. "Hindi na ako bata daddy, kaya sabihin mo na sakin kung totoo bang may na anakan ka!!" Sigaw ni zein pero buti nalang hindi sya naririnig ng iba dahil malakas ang tugtog." Nakita ko naman na pinatay nya ang cellphone at uminom ulit ng tequila habang pinupunasan ang pisngi. Inayos ko ang gamit ni zein at hinila sya palabas ng bar, at nang makapunta kami sa parking lot ay pumiglas sya at umupo sa lapag na parang bata. "Hindi nya na kami mahal ni mama." "What?" "I thought i have a perfect family, but i was wrong." Saad nya habang umiiyak na parang bata. Binuksan ko ang kotse ko at binuhat sya papunta sa front seat. Habang nag mamaheno ay tinatanong ko sya kung saan ang address nya pero hindi nya sinasabi. Tulala lang sya na nakatingin sa bintana. "Kaiden." "hm?" "Yung nahuli mo na may relasyon na iba si fatima, anong naramdaman mo?" Biglang tanong nya at napahinto ako ng pag mamaneho. how did she know? "What are you taking about? its nonsense." "Anong na feel mo nung nalaman mo na niloko ka ni fatima?" sunod nyang tanong. No choice ako kaya sinagot ko ang tanong nya kahit ayaw na ayaw Kong pag usapan ito. "It hurts a lot." "That is what im feeling right now." Nag simula nanaman syang umiyak at pinag papalo Ang board ng kotse. "Sinungaling sya! manloloko sya!!" "Hey stop, can you tell me what happened to you?" saad ko ay inihinto ang kotse sa tabi ng karagatan. Dito ako nag pupupunta kapag may hinanakit na nararamdaman. "Kaiden ang daddy ko niloko nya kami." Naiiyak na saad nya. "Akala ko noon ay hindi nya kaming magagawang lokohin dahil mahal na mahal kami ni dad pero ngayon, ansakit sakit. Ansakit sakit malaman na kaya nya palang gawin yon samin ni mama." Hindi ko mapigilan ang sarili kong hawakan ang kamay nya at punasan ang luha nya sa pisngi nya. "Shh stop crying, maybe your dad have a reason." Pag tahan ko saknya. "Reason? why? hindi naman kami nag kulang sa pag mamahal ni mama saknya, we gave our full love for him kaiden pero nagawa nya paring mag ka anak sa iba." "Do you let him explain his side?" "No, i dont want to hear." "Just face the truth zein, let your dad explain his self bago mo isipin at pag dudahan ang pag mamahal niya sainyo ng mama mo." Tinitigan nyalang ako habang naka tulala at tumutulo ang luha. hinawakan ko ang pisngi nya at pinatahan sya pero hindi ko na namamalayang mag kalapit ang muka namin at wala walang sabi ay isiniil nya ako ng halik na ikinagulat ko. Hinawakan nya ang damit ko sa dibdib at mas ipinalalim ang halik sa akin... Hinawakan ko ang mag kabilang balikat nya at inilayo ang sarili ko saknaya. "Zein stop," "I- im sorry." Biglang hiyang sabi nya at tumalikod sa akin at lumabas ng kotse. Sumandal lang ako sa loob ng sasakyan at pinaka titigan si zein na nakatulala sa dalampasigan. Hindi ko sya pinahinto dahil ayoko dahil kung tutuusin ay gustong gusto ko, mali man dahil walang meron samin pero gustong gusto ko. Simula palang ng makita ko syang tulala na nag lalakad sa kalye nung nag enroll kami ni sean at nung nakita ko sya sa jeep ay bigla nalang ako nagkaron ng pag ka interes sakanya at hindi ko masabing gustong gusto ko syang nakikita ng mga mata ko. Sandaling panahon palamang at ilang araw ko palang sya nakikita ay iba na ang pakiramdam ko sakanya at kahit diko maintindihan ang aking kinikilos ay alam ko sa sarili kong magugustuhan ko na sya at mas gugustihin ko sya. lumabas ako ng kotse at tumabi sakanya na naka upo at pinag mamasdan ang buwan na kulay asul. "Ang daya daya ng mundo." Mahinang sambit nya at pinaka titigan ko ang gilid ng muka nya naka tingala sa buwan. "Yung mga taong minamahal mo ng sobra, kaya ka rin palang saktan na ikakadurog mo." Bigla naman tumulo ang mga likido sa pisngi nya at diko namalayang pinunasan ko ito gamit ang palad ko. Lumingon naman sya sa akin at napa hinto ako sa pag punas sa pisngi nya ng makita ang kakaibang kulay sa mga mata nya. Ramdam ko ang galit at lungkot sa mga mata na yon kahit hindi ko alam kung namamalikmata ba akk o hindi dahil tanging buwan lang ang nag bibigay liwanag sa buong karagatan. "Sya yung lalaking unang dumurog nito." sambit nya at tinuro ang dibdib nya sa gilid. Tilay tulala nalang ako sa mga mata nya at nakaramdam ako ng takot dahil kahit anong oras ay pwede itong gumawa ng pasabog na hindi ko maintindihan. Bigla naman nang isinandal ang ulo sa balikat ko at nararamdamanh humihikbi sya. Napatingin nalang din ako sa buwan at pinakatitigan ito habang hampas lang ng alon ang tanging naririnig namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD