KAIDEN ALCANTARA POV.
- B y a h e
NASA pier na kami ngayon at marami ng estudyante ang naka pasok na sa barko. naka toka naman sa loob si tyron, si karl ay sa labas at ako naman dito sa entrance.
Inaantay namin si zein dahil sya ang naka assign para tignan kung kumpleto na bawat section pero wala parin sya.
6:45 na nang may nag stop na gray van sa harap ni karl na tanaw ko mula dito sakin at nakita kong bumaba ang babaeng kanina ko pa inaantay.
Naka suot ito ng off shoulder white dress at nakalagay sa gilid ng dibdib nya ang black card nya. Hinalikad nya si mr. and mrs martinez at ibinaba na ang mga bagahe nya. Naka suot din sya ng brown hat at naka shades.
Tumungo sya sakin at pinaka titigan.
"Asan si ms Buenaventura?" Saad nya.
She looks beautiful.
"There, sa loob." Saad ko pa.
"Sorry nalate ako, dami kasi pinadala ni mama sakin."
"Its okay." at nginitian ko sya ng nakaka loko.
Naalala ko kasi ang nangyari kagabi sa sasakyan ko at nag nagawa ko. Alam kong mali pero ito yung gusto gawin ng nararamdaman ko at alam kong gusto nya rin. Pipilitin ko na iwasan ang ganong bagay.
i wish i can.
"Sungit." Saad nito at pumasok na.
Nang matapos na lahat ng pag pasok ng mga estudyante ay umandar na rin ito. Kinabukasan lang din ng tanghali ay nandoon na kami sa palawan.
..
10pm na ng magising ako kaya lumabas muna ako habang hawak ang penbook ko dahil baka may mga estudyante pang nasa labas.
Pumunta ako sa pinaka taas ng barko at umupo sa bench doon. Tinititigan ko ang buwan na kulay asul.
Gusto ko na ba talaga sya?
Tumayo ako at pumunta sa railings para marinig ang mga alon na nag mumula sa karagatan
Nang maka pag isip isip ay pumasok nalang din ako at natulog nalang ulit para maaga ako magising bukas.
ZEIN LIANA MARTINEZ POV.
- Nararamdaman
Hinahanap ko ang cr dito dahil kanina pa ako na ccr, halos 12midnight na ng mahanap ko ito sa sobrang laki ng barko.
Pag labas ko ng comfort room ay biglang may humila sa mga kamay ko at isinandal ako sa pader na kalapit ng cr.
"Anong ginagawa mo?" Saad ko kay kaiden na nakatayo sa harap ko.
"I can't take my mind." Seryosong sabi nya na hindi ko naman alam kung anong ibigsabihin.
"Seryoso kaba? alas dose na, nanghaharas kapa?!" Sigaw ko at tinakpan nya bigla ang bibig ko.
"Zein, can i court you?"
Bigla akong napantitig sa mga mata nyang berde na alam kong nag sasabi ng totoo.
Di ko alam kung anong nararamdaman ko ngayon, saya, pagkagulat at iba iba pa. Pero hindi tama na sagutin ko sya dahil disisyete palang ako at alam kong magagalit sila daddy sakin.
Tinanggal ko ang kamay nya na itinakip sa bibig ko at nag salita.
"K-kaiden.."
"H-hhindi pa kita kilala ka-"
"Then let me show you who i am zein." seryoso nyang sabi.
Hanggang ngayon ay mabilis parin ang t***k ng puso ko na katulad sa mga araw na lumalapit sya sakin.
Pero mali, mali ito dahil bata pa ako at hindi nya pwede malaman ang pinakatatago ko kaya hindi sya maari makapasok sa buhay ko.
"Im just a 17 kaiden, there's a lot of girls right there! si fat-"
"I like you zein, i dont know how but i just know that i like you."
Inalis ko ang kamay nyang tumungo sa bewang ko at hinarap sya.
"Do you like me too zein? sabihin mo lang dahil kaya kong mag anta-"
"Y-yes kaiden pero bata pa ako, im just 17 years old." Paliwanag ko.
Hindi ko na kinakaya ang nararamdaman ko at natatakot nako na baka makita nya ang mga mata ko.
"Then let me t-"
"Ok fine."
Hindi ko na sya pinatapos at nag salita na agad ako ng di pinag iisipan dahil natatakot akong makita nya ang mga mata ko.
alam kong minsan nya ng nasilayan ito nung unang araw ko sa klase pero hindi nako papayag pa na makita nya ito at pag dudahan ako.
Iniwan ko na sya agad sa labas ng cr at pumunta na ulit sa room ko. Pinakalma ko ang sarili ko at natulog na rin..
...
Nagising ako ng malakas na tumunog ang barko at pag tingin ko sa ka roommate ko ay wala na sila, nag panic ako na baka naiwan na ako sa barko kaya dali dali akong nag ayos at hinila ang bahage ko ng makitang nag sisibabaan na nga ang iba pero di pa naman ako ang nag iisa.
Nakita kong papalapit sakin si ms Buenaventura at alam kong pagagalitan nya ako.
this is your fault alcantara!!
"Ms.Martinez, ano sa tingin mo ang ginagawa mo at anong oras kana nagising? muntik na mag kagulo sa daungan dahil maraming estudyante ang nag uunahan at buti nalang nagawan ng paraan ni mr.alcantara." Seryosong saad nya.
Hindi naman ako makatingin sakanya at sapu sapu ko ang ulo ko sa inis dahil kaya lang naman ako na puyat kakaisip ng sinabi ni kaiden kagabi.
"Im sorry ms Buenaventura for being irresponsible, im just having a bad dream kagabi kaya hindi po ako nakatulog agad. Expect me to be responsible now and i will do my best to make our students safe and have their peace." Explain ko at nginitan nya ako.
"Okay since we're here, i expect you to do what dean told you. are we clear ms martinez?" Kalmado nyang sabi.
"Yes ms." saad ko at dali dali nakong bumaba.
Kanya kanya kaming bitbit ng bahage na papunta sa pag isstayan namin, nasa beach kami ngayon at maglalakad muna ng gubat bago makarating sa bahay na pag sstayan.
Hinanap ko sa mga mata ko sila julia at ng makita sila ay dali dali silang tinakbuhan ako papalapit.
"Hoy zein! kanina ka pa namain hinahanap jusko! nag tatampo na talaga kami sayo!" Pag tatampo tampo ni patriciq habang nag lalakad kami.
"Oo nga zein, naging secretarya kalang iniwan mo na kami" Acting nalulungkot naman ni ayesha.
"Guys stop, let her be and she just doing what her responsibility okay? di naman tayo pag papalit ni zein." Paliwanag naman ni julia.
Si julia ang pinaka matanda samin at pasionista kaya sya lagi ang nag sasaway samin pag kami kami na mismo nag bubulyawan.
"Sorry zein, nag tatampo lang talaga kami." Malungkot na sabi ni patricia at ayesha.
"Okay lang naiintindihan ko naman kayo, dont worry babawi ako dito." Ngiting sabi ko at huminto sila saglit para yakapin ako.
Nang makarating kami sa labas ng gubat ay namangha kaming lahat sa malaking mansyon na nakita namin, at di lang isa, kundi dalawa.
Dalawang mag katabi na napakalaking mansyon, sa gitna nito ay puro greengrass na lay laktaw laktaw na bench. ang iba naman ay may mga pang physical activity na gamit.
Nang makapag kumpulan lahat ng estudyante ay nag labas ng speaker at mic ang mga staff ng school at nag tulong tulong narin ang mga teacher. Pinapunta kaming apat sa harap kasama si ms Buenaventura.
"So since we are all here, ang nakikita nyo ngayong dalawang mansyon ay pag aari ng pamilya ni dean, dito tayo lahat tutuloy at sa dawalang mansyon na nakikita nyo ay may tatlo itong palapag. Ang bawat hall ng palapag na ito ay may 30 rooms, at ang bawat kuwarto ay may lamang double deck at kung bibilangin lahat ng bed sa isang room na ito ay meron itong 12. Kaya naman lahat ng kasama dito sa Fieldtrip na ito ay may kanya kanyang kama na hihigaan." Paliwanag ni mrs guevera.
Isa isa at pila pila na kaming pinapasok at ng papasok na ako ay tinawag kami nila kaiden ni mrs guevera.
"Kayong apat ay exemption ang kuwarto, sa may baba ng hagdan ang kuwarto nyo roon at naka sulat na sa pinto ang mga surname nyo." Saad nito at lumisan na.
Madaming estudyante ngayon na kasama namin halos lahat ata ay naririto, grade 11-12 at 1st / 2nd year college lang ang kasama.
Pag pasok namin ay sobra kaming namangha dahil sobrang gara ng mansion na ito. Para syang school na may mga pinto pinto at ang railings nito au kulay gold. May mga naka sabit din na chandelier sa pinaka gitna.
ang ganda...
"Titingin ka nalang ba o susunod kana samin zein?" Saad ni tyron na nag aantay sakin habang ang dalawa ay nauuna na.
Pag pasok namin ay malaki ang kwarto ay may tatlong kama, puro itim ito at sa taas ng kama ay nakalagay ang mga epelido nito. Nag taka pa ako dahil tatlo lang ang kama, e ano ako.
sa lapag?
Lumapit sakin si karl at tinuro nya sakin ang pinto na nasa kanang bahagi, kung titignan ay para itong cr pero ng pasukin ko ay sobra nanaman akong namangha dahil may isang kama doon na sakto sa paborito kong kulay. Kulay lila.
"Too girly." Rinig kong bulong ni tyron kaya hinarap ko sya.
"Palit tayo kama ano?" Taas kilay kong saad.
"Dadaldal paba kayo o mag aayos?, tsk." Sabat naman ni kaiden na naka salubong nanaman ang kilay.. Hinanap ko ang cr at wala naman, tanging cr na nakikita ko ay sa kaliwang bahagi ng kwarto sa labas.
Tinulak ko na palabas si tyron palabas at nginusuan sya dahil nang aasar nanaman, bumalik ako sa kwarto at nilock ito.
Tumingin naman ako sa bintana at kitang kita ko rito ang labas at nakikita ko ang mga iba ibang professor at staf ng school na may inaayos.
11am na at nag linis narin ako ng katawan ko, nag suot lang ako ng white ramper at sinuot narin sa gilid ng dibdib ko ang black card.
Narinig kong tumunog ang bell at may nag salita.
"GOODDAY STUDENTS, ITS 12 AM AND YOU CAN NOW GO TO DINING AREA."
Dali dali ako ng perfume at ng buksan ko ang pinto ay sapu sapu ko ang noo na tumama sa matigas na bagay.
Pag tingin ko ay nakita ko si karl na nakatayo sa pintuan ko at medyo napa atras.
"Im sorry." Sabay naming sambit kaya nahiya ako at yumuko.
"Hmm may kailngan ka?" tanong ko.
"I iinform lang kita na ready na daw ang lunch." Seryosong sabi nito.
Tinignan ko ang likuran nya ay wala si kaiden at tyron.
"Asan sila?"
"Maaga sila pinatawag ni ms Buenaventura at binilim ni kaiden na antayin ka lumabas." Saad nya.
May pag bilin talaga? tss.
Naalala ko tuloy ang nasabi ko sakanya sa barko, at baka seryosohin nga nya.
Sinundan ko naman si karl lumabas at may nga pang ilang ilang estudyante ang bumaba na rin.
Pag baba namin ay tumungo kami sa dining area at medyo nalula ako sa laki nito.
Para syang field na kwarto lang at may mga sandamakmak na lamesa at upuan. Kung baga para yung sa harry Potter.
search mo >..
-author ?
Pag pasok namin ng tuluyan ay tumungo na kami sa desk namin at nakita ko doong kumakain si tyron habang si kaiden ay nakasalubong nanaman ang kilay na nakatingin lang kay tyron na parang naiinis o naiirita.
"Tired of waiting?" Wika ni karl at hinatak ang upuan ko para maka upo ako.
Napansin ko namang tumingin si kaiden sa gawi ko na nakasalubong parin ang kilay.
badtrip ba sya?
Habang kumakain ay medyo walang nag sasalita saming apat samantalang ang lahat ng estudyante na kumakain ay sari sari ang ingay kaya ako na ang bumasag sa katahimikan sa mesa namin.
"Ah..kaiden pwede bang pumunta nalang ako sa mga kaibigan ko? di kasi ako sanay kumain ng wala sila." Paalam ko dahil sya ang presidente.
"Okay, let's share our desk to them." Seryoso ani nya at tinawagan ko sa cellphone ko si ayesha.
Maya maya ay dumating na silang tatlo.
"Kala ko kinalimutan mo nanamn kami e!!" Saad ni patricia.
"Umupo na kayo, lets eat." Singit naman ni karl.
Napansin kong nag cellphone si kaiden at maya maya ay may ingay nanaman kaming narinig na paparating.
Sila sean.
Dumating sila sean, vince at yung dalawa pa nilang kaibigan na taga ibang section. Inaabangan ko si fatima ng wala ako makita.
"Kala ko susunod din ang bruha." Bulong ni patricia kaya di ko nalang pinansin.
Habang paubos ang pagkain ay walang tigil kaka kwento si sean kaya naman tawa rin ng tawa ang mga kaibigan ko.
sana ganto nalang palagi.
Pansin kong kaka kulit ni sean ay malapit na mahulog ang tinidor nya na may sauce kaya naman pinakatitigan ko ito at pinagalaw para ilagay sa pinggan ni sean.
Pag tapos ko gawin ay nang lumingon ako sa gawing kanan ay nakita ko si kaiden na masamang naka tingin sakin kaya naman kinabahan ako.
n-nakita kaya nya?
sa sobrang kaba ko ay nag paalam ako sakanilang mag ccr at tumakbo na ako. tumakbo agad ako patungo sa kwarto ko at humarap sa salamin.
nakita nya ba ako?
"Nakita nya ba talaga ako?"
"Sad to say yes." Gulat kong rinig ng makitang naka tayo na sa harapan ko si kaiden.
Shit diko na lock
"N-nakita moba?" kabadong sabi ko.
"Yes zein." Walang emosyon nyang sabi.
"M-mali ang inisip mo." Paliwanag ko sakanya dahil 50/50 na akong sobrang kaba.
"You like him?" Seryoso nyang sabi kaya nabigla din ako.
huh?
"What?"
"Im asking you, do you like sean?"
Diko alam kung matatawa ba ako sa tanong nya o hindi.
"Why would i?"
"I saw you, you keep looking at him."
Nakahinga ako ng maluwag ng mali pala ang iniisip nya at hindi ang tungkol sa totoo kong ginawa.
"Wala yon, just ignore it." Sabi ko at aaktong lalabas ng maramdaman ang mga braso nya paikot sa bewang ko.
"Kaiden..."
"Just let me do this to you."
Naramdaman ko ang baba nya na ipinatong sa balikat ko at nakaramdam nanaman ako ng kakaibang pakiramdam.
Hindi ko alam kung ano nanaman ang pumipigil sakin para pigilan sya.
Humarap ako sakanya at lumayo ng kaunti.
"For your peace, s-sayo lang ako mag kakagusto kung palarin." Saad ko at nang makitang kumunot ang noo nya ay iniwanan ko na sya at lumabas.
....
Makalipas an ilang oras ay 7pm na at lahat ng estudyante ay nasa loob narin ng kanya kanya nilang mga silid, nakaramdam ako ng gutom kaya lumabas ako ng kwarto. Pag tingin ko sa gawi nila tyron ay muntik nako himatayin sa kaba dahil pareho pala silang nakatingin sakin habang nag lalaro ng mobile legends.
Naka sando lang ako at maikling shorts kaya napagtanto ko na mali yung suot ko. Naalala ko pa na galit si kaiden sa ganitong suot.
tsk ano namang pakeelam ko?
pabalik na sana ng may mag salita na mula sa taong kakapasok lang ng pintuan...
patay...