KAIDEN ALCANTARA POV.
- L o c k e d
MATAPOS kong makausap si hannah ay inaya ko narin umalis sila sean pero sa pag tataka ko kay wala sa likod si zein.
"Asan yung babae?" Takhang tanong ko.
Agad naman tumingin sakin si sean na nang-aasar.
"Type mo no? nauna na sya sa cr, diko pa nga naabot yung tshirt e." explain nya habang nanunukso parin.
"Give me your key, ako na kukuha ng damit sa locker mo at mag aabot sakanya." seryosong sagot ko, diko alam pero salamat nalang dahil di na nila ako magawang asarin ng may dumaan na chics sa gilid nila jerome.
napantingin sila roon kaya naman dali dali nako pumunta sa locker at kinuha ang tshirt ni sean pero parang may pumipigil sa akin na hindi ko maintindihan.
what wrong with you kai?
Diko namamalayan na tumungo na pala ako sa locker ko at kinuha yung tshirt ko shaka pinalit yung tshirt ni sean sa locker ko.
wtf?
Pumunta naman na ako sa may pinakamalapit na cr sa A2 building, nakita ko naman na bukas ang pinto kaya pumasok nako.
"Ms? are you still there?" tanong ko pero walang sumagot, binuksan ko isa isa ang cubicle
"Kai? what are you doing there?!" Sigaw ni eunice na nasa pinto kaka pasok lang kaya napa tayo ako ng maayos at itinago sa likod yung jersey ko.
"A-ahh n-nothing, akala ko kasi cr ng boys sorry." Hiyang sabi ko kaya naman iniwan ko na sya mag isa sa cr at napa hawak sa muka.
argh!! what's happening to me!!
habang nag lalakad ako sa hallway palabas ng building ay narinig kong nag uusap yung mga babae sa gilid. Hindi naman ako chismoso pero may tumutulak sakin na pakinggan ito.
"kita mo yung girl kanina? kawawa naman sya no? muka pa naman syang mayaman pero napakamalas nya ngayon."
"oo nga e, kanina lang umaga nakatulog sya sa bench at naulanan, tapos ngayon natapunan nung brat na babae sa cafeteria."
"ay weh pano mo nalaman?"
"Nakita ko yon pumasok sa restroom dito sa A2, kaso sa sobrang pag mamadali nya ata mali napasukan nyang cr."
"hala sa boys sya pumasok?! grabe pano nalang pag may nakakita saknya don! ang iksi pa mandin ng palda nya."
"Mas pipiliin ko pa maging panget at mahirap wag lang malas nako!"
Hindi ko naman na pinakinggan kaya dali dali akong pumasok sa cr ng boys. Kaya naman pala hindi ko sya nakita dahil cr ng boys pinasukan nya.
Pag pasok ko sa cr ay halatang walang tao pero may nakasara ang isang cubicle kaya agad din akong nag salita.
"Ms? are you there?" tanong ko
"Sino ka?! bat nandito ka?! get out!" Pag sigaw nya na halatang kabado.
"Relax, ako to si kaiden pogi mong seatmate, i just want to give you this shirt."
"Ha saan? akin na!!."
"sige lalapag ko nalang dito sa sink kunin mo nalang." saad ko pero biglang may nag text sa cellphone ko kaya di ako nakalabas agad.
Nagulat ako ng bigla syang lumabas sa cubicle na walang polo na suot. wtf! are she going to seduce me?
"M-manyakis!!" sigaw nya at patakbo na sya ng cubicle ulit ng nadulas sya, napatakbo naman ako para tulungan sana sya pero huli na ako dahil nadulas na sya at sapo sapo ang binti.
"O-ouch!!" Daing nya ng hawakan ko yung binti nya para tulungan sya pero nakalimutan kong wala pala syang suot na polo kaya hindi ko alam ang gagawin ko.
"A-anong ginagawa mo? m-manyakis ka talaga!!" sigaw nya kaya sumakit nanaman sa pag kakasagi ang binti nya at umaray nanaman sa sakit.
Pinilit ko nalang hindi tignan ang dibdib nya at sinimulang hilutin ang bandanng ibaba na binti nya.
"u-ughh m-masakit talaga." rinig kong daing nya kaya napapikit ako at pinilit mag concentrate.
please stop moaning s**t.
"a-ugh-ray kasi!! iabot mo nalang sakin yung tshirt!!." sigaw nya kaya dahil sa panic ko ay ibinigay ko nalang sakanya at lumabas muna.
fvck!! mali to
"Kai anjan ka pa ba??" Rinig kong tanong nya kaya pumasok muna ako at isinira ang pinto dahil baka pag chismisan pa kami dito...no way
"P-pwede bang i upo mo muna ako saglit don sa may chair? I can't handle this na talaga."
Kinuha ko agad yung upuan sa gilid ng pinto at pina upo sya saglit, tinulungan ko sya makatayo kahit na medyo nadidikit ang mga kamay ko sa binti nya.
"T-thankyou, iwan mo nako dito." Wika nya.
"Pinapunta ako dito ni sean tas paalisin moko?."
sagot ko habang papalapit ng papalapit sa kanya.
"Why? halos dalawang oras ngako dito nag antay for that t-shirt just because you keep talking to that girl." Inis nyang sabi kaya naman natawa ako.
"Bakit ms. WHAT EVER YOU ARE? Wag mo sabihing na--"
"Im not jealous, sino kaba ha?" Depensa nya kaya lalo akong lumapit sakanya, wala naman syang magawa dahil hindi nya maigalaw ang binti at paa nya.
"Hindi nga ba?" Huling wikang nasabi ko ng biglang nag text si sean sakin.
"pre nakauwi kana? di ka nag antay nag mall kami nila jerome." Gulat naman akong napatingin sa relo ko at nagulat sa nakita ko.
5:56 PM
WHATTTT?!
Dali naman akong pumunta sa pintuan at huli na dahil Hindi ko na nabuksan.
hell no.
"What happen? uuwi nako." Akmang patayo sya, ng pinigilan ko sya.
"5:57 na, we can't go home at nalock na tayo dito."
"Hindi pwede.!" sigaw nya kaya tinabihan ko sya sa upuan.
"May tatanong ako sayo." biglang sabi nya habang naka tingin sa mga mata ko.
"Are you willing to accept a person if she have a dark secret?" nakita ko yung mga mata nya na naka tingin sa mga mata ko at alam kong seryoso sya kaya sinagot ko sya.
"Yes, if i love her." Sagot ko habang nakikipag titigan parin sakanya.
Ngayon ko lang to naramdaman, ang kakaibang pakiramdam sa puso ko. Maraming babae ang naka date ko last year but now, kakaiba.
sino kaba talaga?
bakit ganito nalang ang impak mo sakin?
"G-gusto kita kaiden."
Natigilan ako sa mga sinabi nya, yung mga mata nya ay nararamdaman kong palalim ng palalim ito.
"I like you too zein."
hindi ko alam kung bakit ko sinabi sakanya ang mga kataga na yan, hindi ko sya kilala, ngayon palang kami nag kita pero ang puso ko ay ayon ang sinisigaw.
Unti unti akong lumapit sakanya, nakita kong gumagalaw ang kamay nya pero hindi ko na ito napansin pa dahil palapit ng palapit ang muka namin sa isat isa at hindi ko namamalayang napa pikit nako...
-
ZEIN LIANA MARTINEZ POV.
- J e r s e y
NANG napuwensto ko na ang mga kamay ko sa bandang likod ni kaiden ay itinipat ko na ito sa pintuan, habang dinadala ko sa mga salita ang lalaki sa harap ko ay medyo nahihirapan ako sa pwesto ng kamay ko kaya naman ng makita ko syang papalapit sakin ay hindi ko narin pinigilan pa sya hanggang sa mag tagumpay ako sa ginawa ko.
nang makalapit na ang mga muka namin sa isa't isa at onti nalang ang agwat ng labi namin sa isa't isa ay bigla akong tumayo.
"Uuwi nako, thankyou sa tshirt." Walang ganang sabi ko at lumabas na ng cr, wala ng mga estudyante sa hallway at lahat ng ilaw naka patay na ngunit asul palang ang kalangitan dahil sa mag tatakip silim na. iika-ika akong lumabas at ng makitang bukas pa ang gate ay lumabas narin ako pero hindi ako nag pakita sa guard.
tinawagan ko naman agad si daddy at susunduin ako ni manong gido.
Sorry dad.
MAY pumarada na sa harap kong itim na kotse kaya agad akong pumasok at inayos ang suot ko, nakita ko naman si manong gido na kumakain ng cheeps habang nag dadrive kaya sinabihan ko syang dumaan kami sa cafe.
"Maam lia, pasensya na po at kumakain ako kagigising ko lang kasi dahil pinagising ako ng daddy mo para sunduin ka.
"Its okay manong, gutom na rin naman ako." Banggit ko habang kinukuha ang cellphone sa bag ko.
Agad ko naman tinignan ang gc namin at nakita ko na hinahanap ako nila pat, nag explain narin naman nako na umuwi ako ng maaga kaya ako nawala.
"Maam andito na po tayo." ani ni manong kaya sinuot ko na ang shades ko at bumaba.
Pumasok ako sa cafe pero hindi ko na pinasunod si manong, hindi dahil sa kinakahiya ko sya kung hindi dahil masasama ang nga estudyante pag dating sa mga katulong o driver. Bibilan ko nalang si manong ng pagkain nya.
Habang inaantay ang order ko ay naka tayo lang ako gawang puno ang cafe at walang upuan na available, take out naman ang order ko kaya ayos lang.
"Ka ano ano nya si kaiden?"
"Is she's the new girlfriend?
"She looks good and sexy, bagay sila i think."
Hindi na ako nag taka ng marinig sakanila yan dahil suot ko ang jersey ng lalaki na yon.
Tingin nya ba talaga gusto ko sya? tsk.
Sa totoo lang ay hindi ko naman talaga gustong sabihin sakanya yun, kinailngan ko lang para magawa ang dapat kong gawin.
Muka naman syang playboy so, baka hindi nya na rin pinansin yon. and its good to him.
Pero iba sa pakiramdam ng sabihin ko iyon sakanya.
"Here's your order maam, thankyou and come again." Wika ng crew na lalaki at lumabas na rin ako.
Ibinigay ko narin kay manong ang pagkain nya na inorder ko. Nung una tumatanggi pa sya pero kilala naman nya ako na ayokong kumain ng hindi kumakain ang kasama ko.
Nang maka uwi na kami sa bahay ay naabutan kong nanonood ng tv si daddy pero wala si mama kaya hinalikan ko lang sya sa pisngi at tinanong.
"Hi dad, san si mama?" Tanong ko sakanya pero tinignan nyalang ako.
"Dad are you okay? why are you look so inpain? nag away ba kayo ni mama?" mahina kong tanong sakanya habang nakatingin lang sa mga mata nya.
"Anak hindi ko sinasadya, mahal na mahal ko kayo ng mama mo." Huling sambit nya at pina akyat nako sa taas.
Pinuntahan ko naman agad si mama sa kwarto at nakita sya doong umiiyak. Pumasok ako at pinuntahan sya.
"Ma are you okay? ano pong nangyari?" pag aalala ko at nakita ko syang may sugat sa kamay.
hindi magagawa ni dadi sakanya to.
"Ma tell me, what happened? sinaktan kaba ni daddy?" naiiyak ko ng tanong sakanya dahil ayokong maging tama ang nasa isip ko.
"Baby, nasaktan ako ng daddy mo pero hindi nya yon sinasadya, natatakot lang ako sa mga pwede nyang gawin kapag nalalasing." Explain ni mama kaya niyakap ko sya.
"Ma its okay, sasabihan ko si dad na wag na syang iinom."
Umalis nako ng kwarto at nag shower.
nang matapos ay bumaba ako para ibigay kay ate jessa yung tshirt na jersey ni kaiden para labhan at isosoli ko bukas.
"Maam lia sa boyfriend nyo ho?." Pang aasar nya.
"Nahh, classmates ko lang" Pag tanggi ko.
Close ko sila ate jessa dito dahil wala naman akong kapatid at di rin naman ako masungit sakanila.
Umakyat nako ng kwarto at nilock ang pinto, pinatay ko narin ang main light sa kwarto ko at sinimulang buksan ang mga fairy light sa kwarto ko gamit ang mga kamay ko.
Itinutok ko ang mga daliri ko sa mga lights at unti unti itong nag sikulay ng may pagkadilaw at kukay lila.
Nang tinitigan ko naman ang mga natutulog na butterfly sa kisame ay nag simula na silang gumalaw at lumipad sa itaas.
nakasanayan ko ng gawin ito tuwing gabi para makatulog ako. Ttinitigan ko lang sila hanggang sa nakatulog nako...
-
KAIDEN ALCANTARA POV.
-
Naka tulala parin ako hanggang ngayon sa gilid ng pool area habang iniisip ang babae na yon.
Gusto nya ko? pero bakit iba na ang naramdaman ko ng makatayo sya?
shaka paanong nakalabas sya e naka lock nga yon?
at yung nangyari bago sya umalis...
"Akoy tulala nanaman~ sa madilim na kalangitan~" rinig kong kanta na pang aasar ni sean sa likod ko.
nauna syang naka uwi sakin kaya nag pasundo ako kanina sa labas ng school. Nangaasar panga yung g*go dahil nakipag date nanaman daw ako kay hannah.
she's just like a little sister for me, nothing more.
"Ano ganyan ka nalang? nawala ka nalang bigla e, huling kita namin sayo nung sinundan mo si zei-- wait pre so kasama mo pala si zein?!" Gulat nyang tanong habang naka ngiti.
"Hindi ko sya kasama, may pinuntahan lang ako." pag susungit ko kaya naman hinubad ko agad yung damit ko ata tumalon sa pool.
argh!!! ginugulo nyalang isip ko.
NAGlalangoy ako sa kalagitnaan ng gabi ng marinig ang boses ng katulong namin sa bahay.
"Sir pinapatawag ka na po ng mommy mo sa dining area." Sambit nya habang ibinibigay sakin ang roba. Tumayo naman ako at sinuot ang roba na dala ni manang.
Pag ka dating ko ay nakita ko si mommy at daddy na nag uusap samantalang si sean ay tinitira yung shanghai na niluto ni manang.
"Hoy sean wala ka sa birthday huminahon ka!." Pang aasar ko na ikinatawa nyalang kaya napatingin sila mommy sakin.
"Kaiden gabi na, bakit naliligo ka parin sa labas?." Alalang tanong ni mommy.
Di nako sagot dahil dadakdakan nanaman nya ako, big boy nako im not a kid anymore. tsk.
"Nag iisip yan tita, yung ka date nya kanina." pang aasar nanaman ni sean kaya sinamaan ko sya ng tingin.
Nang natapos na ang dinner namin ay nag banlaw na rin ako, habang pinapuyo ang buhok ko ay inopen ko narin ang loptop ko at nakitang andaming nag tatag sakin sa isang post kaya naman na curious ako at tinugnan yon.
CAPTION: "IS THIS KAIDEN ALCANTARA'S NEW GIRIL?! NO WAY!!"
Pinindot ko ang litrato at nakita kong nasa isang caffe ang babaeng gumugulo sa isip ko kanina sa pool
Nakatayo sya while wearing a short skirts and my jersey with my name at naka shades.
what the hell!! nag kalat kapa talaga after mokong iwan sa cr!
Tinignan ko naman agad yung mga comments at halos 2k comments na ang nandon
"Same sila ng school oh! omg!"
"I think bagay naman sila!!??"
"This can't be!! my kaiden huhu!!"
Inalis ko nalang ang nasa screen ko at mag simulang mag scroll sa faceapp ko at nanlumo sa sharedpost ni sean.
CAPTION: ITO SIGURO YUNG INIISIP NYA SA POOL KANINA HAHHAHA!!"
Argh!! nakkaainis.
Bigla naman may nag notif na group chat sakin at nakita kong gawa ng ng professor namin na si sir Velasquez.
"B.A3 - AETHER."
Pag tingin ko ay nakita ko na lahat ng mga kaklase ko ay nandon, hinanap ko si zein at ng makita ko ang pangalan nya ay tinignan ko ang acc nya.
Puro paro paro ang nandoon at isa lang ang picture nya sa profile nya. Naka talikod ito habang kita ang mahaba nyang curl na buhok sa ilalim at naka tubedress sya na violet. May paro-paro rin sa balikat nya na kulay puti..
Patulog nako ng mag chat si fatima sakin.
my ex girlfriend.
"Kai who is she?"
"Classmates."
"seriously? stop joking me, she's wearing your jersey!!"
"Pinahiram ko lang."
"Never kong nasuot ang jersey mo tapos makikita ko suot ng ibang babae? lol."
"Stop overthinking fatima, wala narin naman tayo so what's the point?."
"No kaiden you can't do this to me, mag papa transfer ako school nyo."
"Hindi na kita babalikan, you cheated on me remember?"
"Pero hindi rin ako papayag na makuha ka lang ng kung sino."
"Napapraning kana."
Sinara ko ko ma ang laptop ko at humiga, pumikit at inisip nanaman ang pwedeng gulo na gawin ni fatima sa school. She's my worst ex girlfriend, kahit wala na kami ay she always keep acting like we're okay.
Galing sya sa mayamang pamilya dito sa bataan. Ang lolo nya ay kaibigan ang dean sa school na pinapasukan ko ngayon kaya mabilis lang sya makakapag transfer kung gugustihin nya.
Baka nga bukas ay nandon na yon, wag naman sana. Ayoko na sakanya, pinag sawaan na sya ng kaibigan ko dati na si leo.
sabi nya ay kaibigan nya lang ito from her family but she lied, i hate liar.
Hindi ko namalayang naka tulog na pala ako.