Naka baba na kaming lahat si Kuya si Mama at ako.
Kinakabahan ako sa mangyayari.
Gustong gusto ko pigilan si Mama pero wala rin naman akong magagawa dahil andyan si Kuya Julius.
Hingang Malalim Julie
Inhale....hhmmmm....at napapikit pa ako Exhale...
Wohhh....
Halikana Julie.
Hinawakan ako ni Mama sa kamay
Ang lamig ng kamay ko
Nasa gate pa lang kami pinag titinginan na kami ng mga tao.
Diba sya yon?yung kahapon grabe kawawa sya kahapon no?
Omg sya nga yun,yung kapatid ni Julius Sobreno yung na videohan.
Hala si Julie oh. Akala ko hindi na sya papasok.
Andito pa ang mama nya ano kaya gagawin nya dito??nako lagot ang gumawa nito sakanya.
Madami akong nririnig tungkol sa nangyayari kahapon..
Dumeretso kami sa Principal's Office.
Mama...ang dami pong tao
Pasok na po Mrs. Sobreno
Okay.
My name is Hermania M. Sobreno
This is my Daughter Julie Sobreno
Siguro naman ay nakita nyo na ang video kahapon?
Gusto ko sanang kausapin kayo. Dahil sa ginawa ng mga tao sakanya kahapon.
Ako din po Mrs. Sobreno gusto ko kayong makausap dahil sa pangyayari kahapon.
Alam kong mali po ang mga ginawa ng mga tao sakanya.
Pwede ba kitang tanungin Julie kung kilala mo ang nagsabi sayo ng Malandi?
Hindi kona po sila kilala dahil marami po sila
Okay .. i understand now. Magpapa meeting ako bukas sa mga Parents Mrs. Sobreno
Dapat lang po Mrs. Teodora, gawin nyo po ang lahat para mapag sabihan ang mga students at lalong-lalo na ang mga Magulang nila
Julie Sobreno kami na ang humihingi ng tawad sainyo dahil sa ginawa ng mga students.
Okay na po Maam.
Maaa nag ring na po ang bell,alis na po kami ni Kuya Julius
Umalis na kami ni Kuya Julius at humiwalay na din ako pag labas namin sa pinto wala ng taong nakapaligid sa amin pumasok na sila sa kanya-kanyang room nila.
Hi Sir Rd Goodmorning po.
Goodmorning.
Julie?can we talk after the class?
I want to apologize about what happen yesterday.
Okay na po Sir Rd hindi naman po Kailangan yon.
No gusto pa rin kitang makausap mamaya.
Okay po sir
Pag punta ko sa upuan ko nakita ko si Hal at Nikko
Woah buti pumasok na sya?tyaka bakit sya naka hoodie?
Ang init kaya.
Hal's pov;
Yesterday......
Nung isang araw,yayain ko sana si Julie kumain sa labas pero hindi sya pumayag dahil sabi ng Kuya nya kailangan daw nyang umuwi kaagad.
Madali akong sumagot ng "OO"
pauwi nako nung time na yun,Yung araw na yon nakita ko ang Kotse ko na basag basag. Nakita rin nila Julius,Nikko,Lexus,at Zeldrick.
Pati na rin ang mga ibang tao.
Sino gumawa nito?Sinooooo ang gumawa nito!?
Napaka hayop nya!!!!
Kilala kona!kilala kona kung sino sya.
Mabilis akong sumakay sa kotse ko naiwang tulala ang mga taong tumitingin sa kotse ko lalo na ang mga Eagles si Julius,Nikko,Lexus at Zeldrick.
Hayop ka Chuck!napaka hayop mo. Marami ka ng sinira sakin mula bata pa tayo
Bakit pati Kotse ko sinisira mo!napaka hayop mo.!!
Nag drive ako ng mabilis wala na akong pakialam sa red light na nakikita ko!!
Hayuppppp ka Chuck!ang dami mo ng sinira sa akin. Katulad ka talaga ng Daddy mong masamang ugali!
Hayupppp ka!
Ggrrrrr!!!pumunta ako sa bahay nila. Mukhang walang tao?!
Galit na galit ako sakanya,napaka gago nya Tanginaaaaa nya!
Hayopppp kaaa Chuck!
Alam konaaaa na saan sila baka pumunta sila sa Dating Building na pinagtataguan nila kapag nag yoyosi at umiinom sila
Humanda ka sakin Chuck!
Nag drive na ako ng mabilis dahil baka hindi ko sila maabutan
Makalipas ang ilang minuto nandito na ako sa Building
Pinagmasdan ko kung andito ba ang Kotse ni Chuck
Andito nga baka umiinom sila ng Alak
Chuckkkk!!!!Gago ka!magpakita ka sakin!
Hayop ka!
Hindi na ako papayag na may sinisiraan kang iba napaka gago mo lahat sisirain mo para lang sumaya ka!!!hayop ka Halika dito mag tutuos tayo!
Kung dati mahina ako,ngayon hindi na Chuck!hindi na ako yung tao na basta nalang sinasaktan lumabas kaaaaa hayop ka!
Kaya na kitang labanan Chuck!lumabas ka!
Matapang na ako!
Chuck???!!!
galit na galit ako sakanya napaka hayop nya!
Nasan ka mag usap tayo?!!!
Ako ba hinahanap mo?
Narinig ko ang boses ni Chuck
"Alam mo Kiel sana totoo ang sinasabi mong matapang kana at marunong kana lumaban"
Na surprise kaba sa regalo ko Kiel?ang ganda no?
Ang ganda ng Kotse mo!
"HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA!!"
Nandidilim na ang paningin ko!hayop ka!gago ka!
Ano bang problema mo Chuck?!bakit ako nanaman ang inaaway mo?!
May ginawa ba akong mali sayo???!
May kasalanan ba akoooooo?!!!
"Sa Daddy ko meron"
"Nag nakaw ka ng 20 pesos sa wallet nya."
HAHAHAHAHHAHA!!
Kiel na aalala mo ba ang ginawa mo non?nung mga bata pa tayo??!HAHAHAHAHAHAH nag nakaw ka ng pera? Para sa Ice Cream?
HAHAHAHAHHA GAGO KA!PARA LANG SA ICE CREAM MAG NANAKAW KAPA NG 20 PESOS PWEDE KA NAMAN MAGSABI KAY DAD NA GUSTO MO NG ICE CREAM HAHAHAHAHHA!
Alam mo tama lang na pinalo ka noon. Dahil mali naman talaga mag nakaw ng pera.
Bakit mo yon ginawa Kiel?awwww.....kawawa naman ang bata...
Erin!labas mo nga yung ice cream natin jan baka gusto pa nya ng Ice cream kawawa naman!
Biglang nag flashback lahat ng nangyari sa akin nung bata ako"
Galit na galit ako kay Chuck!
Hayop ka!!
Sinuntok ko sya sa mukha. Dumugo ito hindi sya natumba
"Oh ano yun lang?"AKO NAMAN.
PUTANGINAMO KIEL!ETO ANG PARA SAYO!
HAYUP KA!SINUNTOK NYA AKO SA MUKHA SUMUNOD SA TYAN KO AT SINUNTOK MULI AKO SA MUKHA
hayop ka Chuck!
Paluin nyo ng kahoy yan hahahahah!
Para sayo yan Kiel!
Kapag nanghina na yan pahiran nyo ng Ice cream!
"HAHAHAHAHHAHAHAHAHAH"
AAKYAT NAKO SA TAAS!
Ahh!aray!ahh!sakittt
Ano nanghihina kana ba?O kulang pa?
Tara paluin pa natin sa kahoy!hahahah maganda yan!
Ahh!sakit pinapalo nila ako at binigyan ng isang suntok!
UMALIS KANA!pwede na yan pero bago ang lahat pahiran muna kita ng ice cream!HAHAHAHAHAHHA
Malamig ang ice cream
Ahhhhh!!aray!!ang lamig gagoooo ang sakit ng sugat ko!!!hayop kayo!
Nanghihina kana ba?!
"HAHAHAHAHHAHA UMALIS KANA!NASAYANG LANG ANG PAG PUNTA MO DITO KIEL!
"babalikan ko kayo"mag babayad kayo!
Umalis nako sa building.
Ara-arayyyy!!! Sakit ng mga sugat ko sa mukha at bugbog.
Hindi ako pwedeng pumunta sa hospital sa bahay nalang.
Hindi ako makapag drive ng maayos kaya binagalan ko pag dadrive ko
Naka uwi na ako sa bahay pinark kona ang kotse sa labas ng bahay
Hello si Kiel toh!
Pakibukas ang pinto!
Sir???!ano pong nangyari sainyo!?
Juskooo
Kunin mo yung mga first aid doon sa taas Yaya
Okay po sir wait lang. Mabilis na tumakbo si Yaya
Naku sir ano pong nangyari sainyo?
Si Manang Lorena naman ang taga bantay sa bahay namin at nag aalalaga sa akin
Jusko nak!sino naka away mo?nakuuuu pinagsusuntok ka nanaman ba ni Chuck?
Hindi lang sya Manang. Pati mga kaibigan nya
Bakit ba kayo nag away nak?
Binasag nya po ang Kotse ko Manang. Hindi ko yon tanggap.
Napaka hayop talaga ng Lalaking yon nak!buti wala pa ang Mama mo.
Oo nga po. Buti nalang po talaga.
Ahh....aray!sorry sorry sorry nak!mahapdi ba talaga?
Bakit hindi ka dumiretso ng hospital?ayoko po Manang tatanungin lang po ako ng mga Nurses doon at mga pulis ayoko na mag kagulo at ayoko ma- stress si Mommy.
Yaya hindi ako makakapasok sa school bukas neto.. dahil masakit ang pakiramdam ko. Dahil sa ginawa ni Chuck sa akin pati na mga kaibigan nya.
Anak sige. Ako na gagawa ng excuse letter mo ha.
Opo Yaya Thank you
Si Mommy hindi sya makakauwi dahil busy yon ngayon
"Baka nga nak".
Yaya tapos na po ba?hindi pa nak sandali lang kukuha ako ng yello doon sa ref. Hintayin mo ako nak ha.
Opo Ya"
Narinig ko na pabalik na si Yaya
Oh eto ilagay mo sa mga pasa mo yan
Ang dami oh!. Nakoo wala talagang kwenta ang lalaking iyon mali ang pagpapalaki sakanya ng Daddy nya.
Julie's pov;
Pa upo pa lang ako ng nakita ko na parang may bugbog sya sa mukha.
Gusto ko sana syang tanungin kaso...nahihiya ako
Nag kaklase kami ngayon. Kanina pa ko hindi maka tingin kay Nikko at Hal
Si Nikko hindi ko sya pwedeng tignan man lang dahil sa issue namin kahapon si Hal hindi ko din sya matignan kung ano ang nasa mukha nya.
Hayysss 30 mins pa ang klase namin,pansin ko sa sarili ko hindi ako makapag focus sa Lesson iba nasa utak ko si Hal. Ano ba kase yung nasa mukha nya?
Hays..!
Masyado naman ata akong chismosa noh
Ang palad ko ay naka lagay sa baba ko habang nakikinig sa Teacher namin.
Tahimik sya ngayon ah. Ano bang nangyari kase sakanya?
Tekaaa..teka,tekaaaa concern ba ako sakanya???!
Hindiiii hindi ako dapat concern sakanya.
Hindi ako ganon. Hindi naman kami talaga close no tyaka bakit ganon bakit naiisip ko sya sa utak ko ngayon??!Hayss!Juliee ano ba focus kana sa klase baka mamaya may pa surprise quiz si Sir Rd
Okay Class. Magdala kayo ng Tela tommorow para sa ating project natin bukas.
Wala na bang tanong bago ako umalis?
Okay. Walang nag tanong aalis na ako.
Okay class See you tommorow.
"GOODBYE SIR!"
hihintayin lang namin si Mrs. Fuentera tapos mag ka klase na kami
Kukunin ko muna ang cellphone ko sa bag. Napatingin sa akin si Nikko,ini-snob ko lang sya tapos kinuha kona ang Cellphone ko.
Alam kong eto lang ang solusyon para hindi na ako tawagin na malandi dito sa school.
Hal's pov;
Nabalitaan ko yung nangyari kahapon kay Julie napanood ko sya sa Cellphone ni Manang Lorena dahil sa issue na tinawag syang malandi.
Kasalanan din naman ni Julius bakit nadadamay si Julie sa mga pinag gagawa nya.
Alam kong inutos ni Julius si Nikko na ipabantay si Julie sakanya.
Alam kong andito si Nikko para protektahan sya sa akin.
Kakausapin ko si Julius para hindi na sya mag aalala kay Julie.
Tinignan ako ni Julie habang pa upo sya. Alam kong nag tataka sya bakit naka hoodie ako. Hindi ko muna sya pinansin dahil ayoko nya makita itong bugbog ko sa mukha at sa tyan ko lalo na sa mga kamay ko.
Pero parang nahalata na nya na may pasa ako sa mukha.
Kaninang pag pasok ko. Nakita ko si Nikko nagtaka ako bakit andito sya sa room naminn. Ayun pala kaklase namin sya. Nag transfer sya para kay Julie. Wow.
Si Nikko hindi mahalaga sakanya ang pag aaral pero ginagawa nya ng paraan para maka graduate sya.
Habang nag kaklase kami si Julie parang gustong tumingin sa akin. Nahihiya sya sa akin na lumingon baka siguro nahihiya sya na itanong kung bakit ako naka hoodie ng ganito.
Hindi ko muna inalis yung hoodie ako ang papansinin ng mga tao kapag tinanggal ko ang hoodie ko.
Patapos na ang klase namin sa first subject
Sinabi ni Sir Rd na mag dala kami ng Tela para bukas sa project
After ilang minutes tapos na nga ang klase namin
Nakita ko si Julie na nagkatitigan silang dalawa. Umiwas ito kay Nikko at may kinuha sya baka cellphone nya lang.
Dahil nasa gitna namin sya ni Nikko gusto ko din sana syang kausapin kaso nahihiya ako.
Nagkakalikot sya sa phone.
Ahh. Alam kona.
I-text kona lang sya para hindi kami mapansin ni Nikko hahahah!
Kinuha ko kaagad ang cellphone ko sa bulsa ko
To: Julie
Hi Julie?good am. Okay ka lang?
Sent.
Nagulat si Julie dahil tumunog ang cellphone nya
ay!putek!
Juskooo!
napa smile ako. Hahahha si Julie talaga oh magugulatin.
From: Hal
Hi Julie?good am. Okay ka lang?
To: Hal
Yes. Okay lang ako. hbu?(how bout you)
Sent
Nag reply na sya
From: Julie
Yes. Okay lang ako. hbu?
To: Julie
Tbh Julie I'm not okay. Can we talk after the class?
Sent
Narinig ko tumunog yung cp nya baka na tanggap na nya.
From: Hal
Tbh Julie I'm not okay. Can we talk after the class?
To: Hal
Oo naman Hal,pero dito nalang tayo mag usap sa room. Alam mo naman na ata yung issue ko kahapon.
Sent
natanggap kona ang text nya
From: Julie
Oo naman Hal,pero dito nalang tayo mag usap sa room. Alam mo naman na ata yung issue ko kahapon.
Nag ka titigan nalng kami at tumango ako sakanya
at umalis na kami sa pag tititigan dahil baka makita kami ni Nikko.
Julie's pov;
Nag text si Hal sakin,tinatanong nya kung okay lang ako
Nireplyan ko lang din sya na Okay lang ako at tinext back ko na HBU? Tapos sabi nya hindi sya okay.
Bakit kaya hindi sya okay?
Dumating na si Mrs. Fuentera
Goodmorning Class! I'm sorry students na late ako ng konti.
OKAY CLASS BEFORE WE START THE LESSON. I'LL JUST WANT TO ANNOUNCE YOU ALL
YOUR 3 CLASSMATES JANE,JANINE,JANICE
WE'LL BE BACK ON MONDAY. ALAM NYO NAMAN NA MUNTIK NA SILANG MA KICK-OUT.
Omg. Si Jane,Janine,Janice ay papasok na?nakoooo omgggg! I'm so excited!yes!!
WOW ANG JJJ NAMISS KO SILA!
excited sila na pumasok ang JJJ?wow ha.
nakalimutan ata nila na inaway nila ako.
wag nalang sana ako mainis pag pumasok na sila sa Monday. Sana naman nagbago na ang ugali nila kahit man lang sa akin.
Okay everyone stand up. Mag pepray na tayo before pa mag start ang class.
The name of the Father the son and the Holy spirit,Amen.
THANK YOU GOD FOR THIS NEW DAY
IN MY SCHOOL TO WORK AND PRAY
PLEASE BE WITH ME ALL DAY LONG
IN EVERY NEW LESSON, IN EVERY NEW QUIZES &
TEST.
THANK YOU FOR GUIDING US LORD.
AMEN.
Thne name of the Father the son and the Holy spirit.
Amen.
Okay upo na Class.
Sa pag ka klase namin buti nalang nakapag focus ako sa klase namin
Nagtuloy tuloy na ang pakikinig ko at nakasagot naman ako sa lesson namin
Hanggang sa natapos na.
Okay class Dismiss.
Nag ring na rin ang bell para sa recess My God.
Buti natapos din ang klase kay Mrs . Fuentera
Nakita ko si Hal na tumingin sa akin
Si Nikko naman tinignan nya si Hal bago umalis
Bakit ba kase sila ganyang dalawa.
Kaming dalawa nalang ni Hal sa loob ng classroom namin.
Ako na ang unang nag salita mukhang tahimik.
Ah Hi Hal?
Okay ka lang ba?pansin ko kanina kapa naka yuko
Bakit?!gusto mo ba makita yung mukha ko?
hindi naman. Nakita ko lang kanina na naka yuko ka sa 2 hrs na tagal sa pag kaklase di ka man lang nagsalita no.
ano kase Julie eh.
nag alis ng Hoodie si Hal at nakita ko sya na may pasa sa bibig at may sugat sa kilay
WTF?!ANONG NANGYARI SAYO HAL??
SINO GUMAWA NYAN?!
YUNG DATI KONG KAIBIGAN.
oh my god hinawakan ko ang pasa nya.
Jusko ang laking pasa ng mag kabilang suntok mo sa bibig Hal.
Kaya ba hindi ka pumasok kahapon?
"OO."
sana Hal hindi kana lang pumasok para hindi ka nagkaroon ng pasa.
Hindi pwede transfer lang ako dito sa AOUHS ayoko mag absent kahapon kaso hindi talaga kayang pumasok.
Ikaw ba anong nangyari kahapon?bakit may issue ka?nakita,kita sa video
May nang bubully nanaman ba sayo?
Nakita kase kami ng ibang babae na nag uusap kami sa classroom ni Nikko kahapon maaga kaming lumabas dahil may meeting ang mga Teachers nag decide kami ng mga kaibigan ko na pumunta kami sa court
Nanonood lang kami ng mga nag papractice sa Cheer dance then nagulat nalang ako na may nagtitiginan ng mga tao sa akin sa amin ng mga kaibigan ko tapos Tinawag akong malandi.
Pinagbabato pa kami ng mga bola ng Volleyball
Ganon ba. Grabe naman sila. Mas grabe pa niyan dahil papasok na sa Monday ang JJJ
By the way Hal...
Ah Hal. I have to go na ang mahalaga nakapag usap na tayo.
Baka hanapin nako ng mga kaibigan ko eh.
Ah...Okay Thank you Julie. Thank you sa time
Dito nalang muna ako sa classroom.
Okay sige. Bye.
UMALIS NA AKO AT NAG PUNTA KAY ANGEL AT BETTY.
...