CHAPTER 1

4006 Words
"So anong kakantain mo?" May sasalihan kasi akong contest sa school. Actually ayaw ko naman sumali pero mapilit Ang classmate ko. Ako lang daw kasi ang maganda Ang boses at Contesera. "Ewan ko nga eh. Wala ako maisip, tulungan mo nga ako mag hanap ng pwedeng kantain." Sagot ko kay Kira. Madami naman akong alam na kanta pero Syempre gusto ko ma challenge ako pero Kung wala akong maisip na bagong kanta Yung favorite ko nalang. Siguro, yun nanaman ulit eh Swerte naman ako sa kanta na 'yon and lagi ako nananalo pero baka mag sawa na ang Ibang nanonood ng contest ko Kung yun nanaman Ang kakantain ko. "That should be me" sagot sa'kin ni Kira. What the heck? Hindi parin siguro 'to nakaka move on! "Hindi ka pa din pala nakaka move-on no? Sarcastic na sagot ko sakanya na pigil na Hindi matawa. Almost 5 months na nung nag break sila. But until now she didn't move-on with that bullshit guy! "Hindi ba sayo uso Yung 3 months rule? Or Hindi umii- epekto? Grabe ka naman mag Mahal. Sana all!" Grabe mag Mahal ampotik. Sabagay sayang naman kasi talaga Ang pag sasama Nila. "Ikaw Kaya mag move-on! Ang hirap Kaya atsaka sayang ng 5yrs namin!" Nakita ko sa mga Mata niya na nasasaktan pa din siya. Kaya, binato ko nalang ang unan na hawak ko kanina at ayon shapul sa mukha. "Aray ko naman!" Sabi niya at hawak Ang Mata niya. Masyado atang napalakas. I'm not that kind so sweet sa mga kaibigan ko. Kasi parang Ang cheesssyyyy pero feel naman siguro nila na Mahal ko sila. "So, That should be me na talaga?" Pag uulit kong tanong kasi baka mag bago isip niya. Ako Ang mag co-contest pero gusto ko may mag suggest pa din ng kakantain ko kasi mas maganda na gusto ng mga Tao Ang kinakanta ko hindi Yung ako lang Ang nagkakagusto sa kinakanta ko. And nagugustuhan ko naman Ang Ang mga sinasuggest Nila. Pero May inaayawan din naman akong Kanta. "Maybe ask our other friends" sagot sa'kin ni Kira habang busy pa din sa Pag hawak sa Mata niya. Napalakas ata hihi sorry. Ayoko nakikita siyang umiiyak or nasasaktan eh. Mas mabuti pang makita ko siya nasasaktan dahil sa katarantaduhan ko. Charot "Sige bukas Kita Kita tayo ask them later Kira!" Excited na sabi ko. Syempre namarn namimiss ko na yung mga lokang lokang mga yon. Almost 2 week na kaming Hindi nag kikita. Kasi busy kami sa acads and si Kira lang lagi nakakasama ko kasi same school kami and sina and Bea, Kate and Sam Ibang school den. Pero kahit na ibat Ibang school kami Hindi kami mabubuwag. Strong pa sa strong Ang friendship namin. Strong pa sa kape mo! At strong pa sa relasyon niyo ng jowa mo! Char. "Why me? Bat ako?" Tanong ni Kira. Why me na nga, bat ako pa! San kana Kay Kira na! "Edi ako na! mag chachat lang naman sa Gc eh!" Tamad kasi kami mag chat and Hindi kami Yung tipong mahilig sa social media. More on Talents kasi talaga kami and Acads. Lahat kami is don Naka focus. Ako singer mahilig talaga kasi akong kumanta, si Kira naman Mahilig tumugtog ng mga instruments halos lahat na atang instruments Kaya nitong tugtugin. And si Bea naman is more on dancing pero sumama Siya sa Pag drama kina kate kasi sina kate and Sam is more on drama talaga. I like drama too! Nag drama class na din ako but na ngibabaw kasi talaga Ang Pagka hilig ko sa Pag kanta. Dahil sa drama class ko din nakilala si Kate and Sam. Si Kira is bestfriend ko na talaga since bata pa kami. Kasi mommy niya and mommy ko is besties din. I open my social. I open first my f*******: messenger and hinanap ko agad name ng gc namin. Madami na kasi sakin nag me-message diko naman kilala Ang Iba and no time to reply them all. Charot ayaw ko Lang talaga mag reply. Hatdog... Yes yan Ang name ng gc namin. Si kate nag pangalan niyan. Masarap daw kasi ang hatdog. Which is true naman. Sino ba Hindi nasasarapan sa hatdog? Sunshine De-guzman: Yow guiz, hungout tom? G? Nag scroll scroll muna ako at na sa kalagitnaan ako ng Pag scroll ng may napadaan sa Nf ko na isang pogi. Oo pogi talaga Siya kahit na naka stolen Siya habang may hawak na guitara. Singer ata 'to eh. Wait add to crush list na ba? Chossss. Madali kasi akong ma attract lalo na kapag mahilig sa Pag kanta or drama, or kahit anong talent pa Yan. Basta may talent na aatrract agad ako. Kaya Ang haba na ng list ng crushes ko eh. Oo namarn crushes kasi madami sila. Hihi Hindi naman ako malandi. Pag sinabi niyong malandi ako sasampalin ko kayo! Wala nga akong jowa. Diba Ang malandi Yung tatlo tatlo Ang jowa ganorn. Ako crush Lang Kaya di yan malandi. Char Agad Kong pinatingin kay Kira Ang picture. "Kira! Kira look!" Kinikilig na sabi ko kay kira habang ginigising siya. Antagal ko na palang nag scroll sa sss at nakatulog na si Kira. "Ano ba yan! Natutulog Yung tao eh!" Reklamo niya habang umuunat at umupo. Lumapit ako sakanya ng kunti at tinapat Ang pic ni new crush. Tinaasan lang ako ng kiray. "So? Oh ano naman Yan?" Tengene serep menepek. "New crush! Walang agawan!" Agad naman niyang inagaw Ang phone ko at tinignan ulit Ang picture. Sinusuri na parang Kilala niya Ang nasa picture. "Artista 'to pren!" Kinilig na din siya. Siguro kanina di kinilig kasi naalimpungatan. Agad kong inagaw sakanya Ang phone ko! Pinag bilugan ko siya ng Mata. "Sampalin Kaya Kita akin to ah!" Tinignan ko ulit Ang picture. "'Di mo ba 'yan kilala?" Takang tanong sa'kin ni Kira. Napataas akong tingin sakanya. "Nope, ahmm tulungan mo'ko malaman name niya!" Interesadong sabi ko. Interesado talaga ako kasi nga new crush! Atsaka basta ewan ko ba may ka-kaibang impact talaga siya sa'kin kahit sa picture ko lang nakita. "Nako dzai! Buong Pilipinas na ata nakaka kilala jan tas ikaw Hindi pa din!" Sabi sa'kin ni Kira sabay batok sa'kin. "ARAY KO NAMAN! Kaylangan ba may kasamang batok!" "siguro Kung buong tao sa Pilipinas na nakaka kilala dito bat diko siya Kilala diba?" Sagot ko kay Kira habang hinihimas sa binatukan niya! "Siguro kasi..Hindi ka Taga pilipinas!" Sabay Pag taray niya. "Eh sino ba 'to? Tanong ko habang sinisave na sa phone ko Ang picture niya. Shinare lang kasi ng classmate ko Ang pic na yon. "Tyler, I don't know his surname. But girl sikat Siya!" Sagot sa'kin ni Kira Kung sikat Siya malabong maging kami kakasad naman non. Siguro kahit friends nalang Hindi pa pwede hays. "Gagawa ako ng paraan. Mapapa sa'kin 'to!" Proud na sabi ko kahit Hindi naman talaga at malabong mangyari yon. "Asa mukhang magiging fangirl ka niya ah?" Tanong ni Kira with her playful smile. Nakuuu Alam ko na iniisip nito. Ayoko maging fangirl kasi you know syempre Hindi boba. Yung last time na nag fangirl ako madami akong naka away na toxic fans kaka inis. Kaya simula non di na ako naging fangirl. "Hell no, Ayoko na maging fangirl baka may maka away nanaman akong toxic fan jan." "What if yan Ang paraan para mapalapit ka sakanya?" "Ayy ewan, edi hahanap new crush, atsaka char char lang yon Ayoko jomowa ng sikat!" Ayoko talaga Ang hirap Kaya non. Tapos non-celebrity pa magiging jowa niya baka madami pang bashers ang sumugod sakin! Pero Pag siya, whyyy not?? Charot! "Sus! Okay I'm going home na, mag tataga tingin nalang ako sa Phone ko para Kung anong manyayari bukas" paalam sakin ni Kira at kinuha niya na ang bag niya sa may Study table ko at lumabas na ng kwarto ko. Hindi ko na Siya I hahatid sa labas ng bahay kasi marunong naman na siya at sanay na sa bahay na 'to parang kapatid ko na Siya eh. Halos lahat naman sila. Sa true lang mas madalas pa sila sa bahay kesa sa kapatid ko. Napa buntong hininga nalang ako. At humiga sa kama ko. Tinignan ko nalang ulit Ang phone ko ng may nag chat. Finally after 10000 years nag reply din. Katelyn Alcantara: G! Miss y'all guiz! Samantha Garcia: Me too! Always G, Saturday naman I'm not busy that much. Samantha Garcia: Btw Miss y'all Too! Sunshine De-guzman: ayownn namiss ko na boses niyo! Sunshine De-guzman: btw I have chika! Samantha Garcia: what is it? Katelyn Alcantara: ano nanaman 'yon shine? Bea Bianca: I think bagong kalandian nanaman Yan HAHAHA kidding. Grabe naman mga 'to kapag may chika kalandian nanaman. Sabagay oo nga naman. Sasabihin ko na Sana sakanila na may new list nanaman ako sa crush list ko pero bukas nalang. Sunshine De-guzman: Tomm. Nalang:) Shakira Castro: I know it na guiz. New kalandian nanaman talaga Yan ni ate mo girl. Sunshine De-guzman: shut up btch! Shhh Katelyn Alcantara: pogi ba? Samantha Garcia: c'mon kate kaylan ba Hindi nagka gusto yan sa Hindi pogi? Sunshine De-guzman: tss grabe naman! Goodnight na can't wait to see you guiz tom. Bea Bianca: what time ba? Shakira Castro: What the, ingay ingay niyo! Mag vc nalang tayo, 'di ba kayo na papagod kaka type?. A/N: Pano naman ako? Sana all Hindi napapagod mag type:) Oo nga no! Pwede naman mag vc pakahirap pa mag type. May nai-aambag din pala si Kira. Pero sa true lang umiiral nanaman katamaran niya mag type. Inunahan ko na mag Vc. Sam: Sup! Kate: hello miss you all guiz!!! Bea: Ang ingay putcha nasa phone na yan nangunguna pa din Ang kaingayan mo kate! Sam: so what is the plan tomorrow? Kira: sam wag ka muna mag english pls Kate: Yeah sam you're so social, FYI you're in the philippines Sam: sorry naman! Shine: so yun na nga Mall muna tayo. Kate: walang inuman? Sam: kate! Pass muna tayo sa alcoholic drinks! Bea: taray naman sa alcoholic HAHAHA Shine: oo nga wag muna tayo uminom mga Babae panaman tayo! Kate: hala parang Ang sama kong tao! Kira: .... Bea:.... Sam:.... Shine: .... Kate: hoy t*ngina niyo Hindi ako masama! Kira: wala kaming sinasabi Sam: Oo nalang. Shine: Di mo sure Bea: okay. Kate: pangit niyo ka bonding! Shine: So tomorrow 9 am tayo mag kikita Kita syempre maaga para masaya, and ang uwian Kung kaylan natin mapag isipang umuwi. Kate: oh ikaw ang nag Sabing 9 ha! Sam: okay g ako Kira: sabay na tayo Shine. Kate: sa may condo ko nalang tayo mag Kita Kita malapit naman 'to sa mall. Kira: sus ayaw mo lang Mag pamasahe eh! Kate: hiyang hiya naman sayo sasabay kay shine! Ayaw mo lang mag pa gas eh. Sam: you two shut up! Bea: Ang ingay pota! Hindi na ako nag salita at binaba ko nalang ang call at nag chat sa gc ng Goodnight. Bahala na sila mag away away jan. Ginawa ko nalang ang night care routine ko and humiga. Hindi ako mapakali pa ikot ikot na ako sa kama ko. At madami nang imagination Ang pumasok sa isip ko. Pwede na atang pang romance sa w*****d Ang mga naiimagine ko eh. Pero di pa din ako nakakatulog. Kaya naisipan kong bumaba at pumunta sa sala para makapag timpla ng gatas. Baka makatulong sa'kin Ang pag inom ng gatas. Habang nag lalakad ako pababa Napa daan ako sa kwarto ni ate. Gusto ko siyang kausapin pero mukhang ayaw niya ako kausapin. Kaya wag nalang. Madaming problema Ang nakakarating saamin tungkol kay ate. Lagi siyang nag ca-cutting ewan ko Kung bakit kapag kakausapin siya ni mommy or ni daddy Nag kaka g**o na lang pero Hindi niya pa din sinasabi. I feel so bad kay ate. Kaylan ko Kaya Siya ulit makikitang masaya. Noong birthday niya wala siya sa bahay nag effort panaman ako at si mommy mag handa. And nong birthday ko wala din siya she greet me on my social but she didn't greet me in person. Happy birthday lang then wala na kahit I love you wala. Napatagal pala akong naka tutok sa pinto Ng kwarto ni ate Kaya Hindi ko napansin Ang Pag buka ng pinto niya at paglabas at pagtingin sa'kin. "What?" Malamamig na tanong ni ate. "W-wala" nauutal na sabi ko at pahina ng pahina. "Alis Jan dadaan ako." Sabi niya saakin at tinulak ako pagilid at matutumba pa Sana ako pero salamat sa pader napahawak ako mahina nga Lang yon eh pero natutumba na ako. Nagpatuloy si ate sa baba at pupunta din ata siya sa kusina. Sumunod nalang din ako. Kasi nga mag titimpla pa ako ng gatas. Ka miss tuloy maging bata kasi may gatas ako bago matulog dinadalhan kasi ako dati ni mommy o kaya ng maid namin. Ngayon sariling sikap! "Why are you following me!?" Iritang sabi ni ate. "Excuse me? I'm not following you!" Sagot ko sakanya duh? Hindi naman talaga ako sumusunod sakanya mag titimpla Kaya akong gatas. Nag cross arm siya at tinignan ako ng mataray niyang tingin. "So why are you here?" "Obvious ba? Malamang pupunta akong Kusina!" Alis nga jan." Pagtataray ko din kay ate. Omg tama ba ako? Nag taray ako...kay.. ate? R.i.p "Sino kausap mo?" Nakatalikod sakin si ate pero naramdaman kong nag uusok na ilong niya! Ayaw kasi niyang nawawalan akong respeto sakanya! "Y-you?" Patanong na sagot ko. Aalis na Sana ako pero humarap na Siya sa'kin. Owww nooo! Mommyyy help me, I'm not ready! Hindi pa din nag babago si ate. "K-kasi naman ate, Hindi naman talaga Kita sinusundan ehh, tamang hinala kanaman jan!" Wala siyang naging reaksyon at nanatiling nakatingin sakin. Anyare? Noon kapag may ganito kahit simpleng Bagay parang papatayin niya na ako pero ngayon? Mukhang ipapa hospital lang pero Hindi pa papatayin. Napaiwas siyang tingin at tumango nalang sakin. Napansin ko Ang pamumuo ng mga luha niya sa Mata. "G-go" halos pabulong niyang sabi pero ayos Lang paramarinig ko. Tumalikod nalang ako at nag patuloy nang pumunta sa kusina at ginawa Ang plano Kong uminom ng gatas. Narinig ko din Ang tsinelas niya na papalayo na. Pupunta na ata siya ulit sa kwarto niya. Sana pala 'di na muna ako pumuntang kusina baka nagugutom na si ate. Ano Kaya Ang problema ni ate? Ilang araw ko siyang Hindi nakita tas ganon Lang kanina? Bakit Kaya maiyak iyak siya? Na realize niya ba na assuming siya kanina? At grabe Pag hihingi niya ng tawad sa diyos Kaya na luluha luha na siya? Pagkainom ko ng gatas ay effective din pala at nakatulog na ako. Nag alarm akong 7 am,nakatulog ako kagabi ng 1pm Kaya medjo sabog ako ngayon. I do my morning care routine at nag ayos at bumaba para kumain. Pagkalabas ng pagkalabas ko ng kwarto naririnig ko na sina mommy, daddy and ate nag uusap Kaya nag dahan dahan muna ko sa Pag lalakad. "What the hell, comes in your mind Sharline!?" Sigaw ni daddy. Napa pikit ako ng mariin. "Calmdown hon" Pag papahinahon sakanya ni mommy. "I-i think she..She need to rest" patuloy ni mommy. "She need to rest? Huh, sa Ibang lugar? You have your room line, so rest there!" Sabi ni daddy. "I am so exhausted dad! I need some rest! I need to refresh my mind! I don't know what to do! You don't even listen to me! You don't even ask me what my problem is! Y-you don't even ask me if i'm feeling okay!" Sigaw ni ate. "You always think, Sunshine , sunshine,sunshine! you always think about Sunshine's health, you always support her in her dreams! Her Goals! You, no! Both of you!" Sigaw ni ate. "both of you always think about sunshine's happiness, how about me?am i not your daughter too? You always say.. Ikaw ate Ikaw na mag paraya.. I always do that! but i need just as much attention as sunshine gets! I'm doing better in my acads than her! I have a talents too!! But you always think about her! Sabi ni ate ng umiiyak at Napa luhod. At napatakip na din Siya sa mukha niya. Naaawa ako kay ate. Tama nga Siya. Mom and dad is only thinks about me. Why didn't i notice it?! Sana nasabihan ko sila. At si ate naman sana sinusuportahan nila. Ate is good in singing and acting like me; she's also good in sports. Lumapit ako Kay ate at para tulungan ko Sana siyang tumayo pero tinulak niya akong malakas. Nabigla ako sa ginawa ni ate. Kahit napapagalitan niya ako di naman niya ako ginaganito. "GO AWAY FROM ME! DONT TOUCH ME!" sigaw sa'kin ni ate. Ang sakit ng pagkakatulak niya at nakatama ako sa coffee table Kaya nagka gasgas ata ako. Ang sakit "WHAT THE F*CK ARE YOU DOING SHARLINE!?" sigaw sakanya ni daddy. At nilapitan ako ni mommy and mom ask me if I'm okay but I didn't answer her. I focus on ate's face. Naawa ako Kay ate, I want to hug her and say sorry! Takot na takot Ang mga Mata niya Kay daddy at nanginginig. Lumipat Ang tingin niya sakin at lalapit Sana siya sa'kin para mag sorry pero hinarang siya ni daddy at hinawakan Ang buhok at kinaladkad ito palabas ng pinto. "Hon! Nasasaktan Ang bata!" Sigaw ni mommy at nilapitan si ate at daddy. "'Di ba yan Ang gusto mo! Umalis ng bahay! Ayan Alis! Lumayas kana at wag na wag ka nang mag papakita!" Sigaw ulit ni daddy kay ate. Tatayo na sana ako para Pigilan si daddy sa ginagawa niya kay ate pero Hindi ko Kaya. Hindi ko kayang makatayo dahil sa kirot at hapdi nitong sugat ko at sabayan pa ng panginginig ng katawan ko. Umagos Ang mga luha ko. I look at my ate eyes, I saw pain and anger in her eyes. She keep Crying, and walang lumalabas sa bibig niya kundi hikbi. "Pag Uwi ko mamaya dapat wala na ang Pag mumukha mo sa pamamahay na 'to!" Sabi ulit ni daddy bago tuluyang lumabas Ng bahay. Pupunta na ata Siya sa Opisina. Sumunod si mommy sakanya. At sinasabi ni mommy na bawiin ni dad Ang mga sinabi niya kay ate pero Hindi nag patinag si daddy kay mommy nag patuloy parin 'tong umalis. Tinulungan na ako ng mga maid namin na makatayo at inaasikaso na din nila Ang sugat ko. Nanatiling nasa pinto si ate. Tumingin siya saakin saglit. Malungkot ang mga Mata niya. Pumasok siya at pumunta sa kwarto niya. Pagkatapos akong asikasuhin ng maid sa sugat ko ay ekasktong dumating na si Kira. Ang saya saya ng mukha niya nung pumasok. At buong galak binati Ang mga maids. Napatingin siya sa'kin.at nawala Ang ngiti niya at napalitan iyon ng ngiwi ng makita ako na namamaga Ang Mata, at Napa baling Siya sa binti ko na may sugat. "Oh na Pano ka Naman jan? Okay ka Lang?" May halong Pag aalala na tanong sa'kin ni Kira. Nginitian ko lang siya at yumuko. Lumapit siya sakin at niyakap ako. "I'm here shine what happen?" "P-pinapalayas ni d-daddy si ate" sumbong ko kay Kira naparang bata at humagulhol ulit ako habang nakayakap kay Kira. "Shhh, bakit daw? Nakakausap naman ng maayos si tito. dala lang 'yon ng galit wag kanang umiyak" Pag papatahan sa'kin ni Kira. Habang nakayakap ako Kay Kira nakita ko si ate pababa sa Hagdan at dala Ang isang Malaking maleta niya. Napatayo ako at patakbong lumapit Kay ate. "No! Stay here plss!!" Pag pipigil ko kay ate habang umiiyak. "S-sorry ateee, I'm begging plss Don't leave me stay here ate. Magiging mabuti na akong kapatid. I'll support you in your dreams unlike mom and dad basta wag kang uma-" "Aalis ako, alis na jan nag hihintay na yung taxi sa labas" sabi ni ate sa'kin at umalis na nakahawak ako sa kamay niya pero tinangal niya Ang pagkaka hawak ko. "Ateeee" sigaw ko kay ate at tatakbo pa Sana pa punta sa pinto para Pigilan siya, pero pinigilan na ako ni Kira. Pumalag pa ako pero huli na ang lahat para mapigilan ko Si ate. Niyakap ako ni Kira, at pinakalma. Hindi ko Alam kung saan pupunta si ate. Wala akong alam. Hindi ko alam Kung magiging mabuti ba siya sa pupuntahan niya. O may mapupuntahan ba Siya. Ngayon ko lang na realize na sakin lang pala Naka focus si mom and dad. Pati ako naka focus Lang ako sa sarili ko at Hindi iniisip Ang gusto ni ate at Hindi ko naisip na suportahan lamang Siya. Na kahit ako nalang Sana pinaramdam ko sakanya na nakasuporta ako sakanya. Pero Hindi ko 'yon nagawa. Nag aya na ako Kay Kira na umalis na kami. Tuloy pa din Ang Bonding namin ng mga bestfriend ko. Sabi nga ni Kira wag na daw kami tumuloy pero ako na ang pumilit para makalimutan ko Ang problema ko kahit ilang oras lang. Tulad Nga ng napag usapan namin. Nagkita Kita kami sa condo ni kate at pumunta sa mall. Kinamusta Nila ako. At yinakap Ang swerte ko sa mga kaibigan ko. Kahit na anong mangyari lagi sila nandito sakin. Sana meron ding kaibigang ganito si ate na kahit anong lungkot niya may kaibigan na yayakap sakanya at I comfort siya. Kahit na Hindi ko Siya mayakap Sana may kaibigan siyang may yayakap sakanya. Napag planuhan muna naming kumain sa isang fastfood at libre ko nanaman. Aba Ibang klaseng mga kaibigan ko ako na nga malungkot ako pa mang lilibre. "So ano nga Yung chika mo dzai?" Tanong saakin ni kate. "Oo nga, Pusta ako new crush or new kalandian nanaman Yan HAHAHA" Pag bibiro ni Bea "I think so" sabi naman ni Sam. Tahimik lang na kumakain si Kira. Palibhasa alam na niya kaya 'di na nag aabala. Kinuha ko Ang phone ko at pinakita sakanila Ang picture. Sinave ko nga kasi agad. Nakalimutan ko ngang I wallpaper eh. char Napabilog ng Mata si sam. "Crush mo yan!?" Tanong ni Sam. "Infairness gwapo" sabi naman ni kate. "Patingin nga!" Sabi naman ni Bea na biglang inagaw Kay Sam Ang Phone. "Yan Ang new crush ko" Pag mamayabang ko. "School mate ko yan" walang ganang sagot ni Sam. Hala hala school mate ni Sam! "School mate mo!?" Sabay sabay na tanong naming apat. Nag tinginan naman samin Ang ibang kumakain. "Ang ingay ingay niyo, magsikain na nga kayo" sabi samin ni Kira. "Well yeah, and kasali din Siya sa Drama class and also Music class" sagot ni Sam habang busy sa pag aayos ng kakainin niya. "Hala Bagay talaga kayo te!" Sabi ni kate. "Mahilig sa drama and music! Halaa matchy matchy!" "Diba artista yan?" Tanong ni Bea "Yeah,and sikat din siya sa school" sagot ni Sam. "Malamang magiging sikat yan sa school niyo eh artista nga boba!" Sabi naman ni Kira. "Masyadong friendly din, pero mukhang babaero!" Pag papatuloy ni Sam. "Bakit mo naman nasabi naging Babae kaba niya?" Tanong ni kate. Walang preno Ang bibig nitong babaeng 'to. Tinarayan lang siya ni Sam at kumain na. Kumain na din ako.pati sila kate. "Ay Babaero sayang" sabi ni Bea "Anong sayang kapag nag seryoso naman Yan sa Babae 'di yan mang bababae!" Sabi ni kate na parang alam na alam niya na. "Kung sabagay medjo totoo" Pag sang ayon ni Kira. Nag ka interest tuloy ako lalo kay Tyler. "Sam I want to see him! But how, help me pls" Pag mamaka awa ko Kay sam. Sabay pout. "Hindi ko close yan bahalakajan!" Pag tanggi ni sam "Alam ko na!" Sabi ni kate. Aba nakakatulong din naman 'to Minsan baka maganda din I suggest nito. "Ano nanaman Yan kate? Baka Kung ano'ng katarantadahan nanaman Yan!" Sabi ni Bea "Ano yon???" Interesadong tanong ko Kay Kate. "Diba sam kasama mo Siya sa Drama class?" Tanong ni kate. "Yeah, why? Siguraduhin mong Hindi ako mapapahamak jan sa naiisip mo ha!" "Hindi! Trust me! So Kaylan next Practice niyo? Or meeting?" "Ahhh sunday, Wednesday, Friday that's my schedule." Kate look at me with her playful smile owww no! :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD