Jazs Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala. Kapag binabalikan ko ang tagpong iyon, nanginginig pa rin ang buo kong katawan. "Jazsmine, anak. Tahimik ka?" nag angat ako ng ulo ng tawagin ako ni mommy. Natuloy kami na mag spend ng gabi dito sa bahay. Kumpleto ang pamilya, kaya nakikita ko ang kislap sa mga mata ng mga magulang ko. "Hindi ba kami sanay na hindi ka dumadaldal. Iyan ba ang New Year's Resolution mo?" pabirong sabi ni daddy na ikinatawa ng lahat. Kimi lang akong ngumiti at alam kong hindi iyon taos sa aking puso. I used to be the host. I talk nonstop. Kaya kahit din ako parang hindi ko kilala ang sarili ko ngayon. "Hon, bakit?" naramdaman ko ang pag pisil ni Railey sa kamay ko. Umiling lang ako sa kanya saka ngumiti. "N-Nothing." pero pakir

