Pagkatapos nun, maririnig na ang pagtunog ng drums namin, which is prinaktis namin ng isang araw bago ang event. Kaya naman nang tumunog na ang drums namin, na pinag lead pa ng drummer naming si Kio, ay natahimik ang kabilang department. "Woohoo!! Break a leg!!" Sigaw ng katabi kong lalaki na sinaway naman ng kaibigan niya. "Tumahimik ka nga baka matuluyan pang mabalian ang mga players natin!" Nagsitawanan naman ang mga kasamahan nila. Umiling nalang ako at nag distribute na ng mga balloons. Sa kasagsagan ng pamimigay ko ng balloons ay napansin ko si Lucas. Focus na focus siya sa panonoud ng laro. He's not even paying attention sa iniabot kong balloon sa kanya. Kaya ayun, binigay ko na lang sa katabi niyang si Ivan. Pagkatapos kong mag distribute ay bumalik na ako sa kina-uupuan namin

